Mean 17: Meet The Boys
Misha's P.O.V.
Nakarating na kami sa resort nila Ezzytrice dito sa Palawan. Infairness mayaman din talaga sila Ezzytrice. May-ari na nga ng school ito pa meron pa silsng private resort.
Malaki yung resort nila actually gaya kanina sa barko tig-iisa kaming kwarto ganun din dito tig-iisa kami.
Mahirap na baka kasi pag nagsh-share ng kwarto mahawaan ka pa ng germs ng kasama mo. Maarte ba? Pake mo? classy kasi ako hindi trashy.
Pagkatapos naming lahat makapag-ayos ng gamit pumunta muna kaming lahat dun sa dinning area. Hindi pa kami kumakain eh.
Nakakagutom kayang bumiyahe, nandito kaming lahat usual walang katapusang barahan nanaman.Wala pa kasi yung pagkain hindi pa daw naluluto.
Fishtea lang! Make sure lang nilang masarap yang pagkain na ipapakain sa amin.
Dumating naman si Ezzytrice nun na may kasamang Apat na lalaki.
Yung isa ay step brother niyang si Ervin then si Kuya Mirko, Pinsan ni Nopphire.
Yung dalawa hindi ko na kilala pero parang Familliar yung isa.
Ewan hindi ko matandaan parang na-meet ko na kasi before. Oh, well hindi naman siya importante kaya wala na kong pake.
"Uhm..Guys."napatigil silang lahat ng nagsalita si Ezzytrice.
"Kasama pala natin silang apat nauna lang tayong dumating kasunod lang pala natin sila. So, here si Kuya Mirko! Pinsan ni Nopphire! Ikaw Nopphire hindi mo man lang sinabi na sasama siya."
"Wala naman siyang sinabi na sasama siya."walang ganang sagot ni Nopphire
"Oo wala naman talaga akong sinabi. Trip ko lang kasi diba sabi ng magulang ko, follow your dreams kaya ito nandito ako. I'm following my dreams kasi."sabi ni Mirko sabay may tinitignan sa likod ko.
Tinignan ko naman kung sino nung nasa likod ko, si Sabrina pala na halatang nanggagalaiti na kay Mirko.
Kailan pa sila nagkakilala?
"Naks! Nice line yun ah! By the way, ako nga pala si Orick! Pinsan mo pala si Nopphire Baby ko! Ako nga pala ang boyfriend niya! na soon to be Fiancee niya!"Proud na proud na pagpapakilala ni Orick kay Mirko.
"Hahaha! Boyfriend ka pala niyang si Nopphire! Ikaw insan ah! hindi ka man lang nagsasabi! anong pinakain mo dito? ginayuma mo ba?" napairap naman si Nopphire sa sinabi ni Mirko.
"Okay and Here si kuya Ervin! My Brother!"pagpapakilala ni Ezzytrice sa step brother niyang si Ervin.
"Kapatid mo siya?! Siya yung sinasabi mong step bro mo?!"O.A. na sabi ni Lhierya. Problema nito? ang ingay-ingay. Tss.
"Yeah? bakit?"
"Wala yan Ezzytrice siguro may nagawa lang siyang kasalanan sa akin at natatakot siya sa mga consenquence ko kaya ganyan siya makapagtanong. Dumating na kasi yung magiging karma niya."sabi ni Ervin sabay smirk.
"Asa ka namang takot ako sayo."-Lhierya
"Let's just see Lhierya Cari"-Ervin
"Letche plan! hindi ko kayo maintindihang dalawa. Okay sige Here! Shaun Lee! Pinsan ni Sab."-Ezzytrice.
Shaun daw nung pangalan? Ay ewan hindi ko talaga kilala pero parang namumukhaan ko.
"Pinsan ka pala ng Pangarap ko! hindi mo sinabi! " sabi ni Mirko sabay nakipag-shake hands kay Shaun.
Mukhang tanga lang.
Tinignan ko naman si Sabrina at ayun napairap na lang. For sure kawawa itong si Mirko na ito si Sab pa ah! Ha!
"And Lastly Err.. Uhm..."hindi na matuloy ni Ezzytrice nung sasabihin niya kaya yung guy na lang yung nagsalita.
"Im Sean Lim! kapatid ni Orick Lim! kita nyo naman diba? Pareho kaming gwapo lamang nga lang ako ng isang paligo! Ako rin pala nung Boyfriend este soon to be boyfriend ni Ezzytrice! inshort! Suitor pa lang niya ko!" Proud na proud na pagpapakilala niya.
Ito namang si Orick tumatawa lang. Magkapatid nga sila parehong-pareho ng ugali eh.
"Suitor daw? Baka stalker kamo!"sabi ni Ezzytrice kay Sean.
"Oy! Grabe ka naman! Sa Gwapo kong ito stalker kamo?! Hindi ah! Pag panget ang manliligaw mo stalker ang tawag dun! Pero dahil sa gwapo ako! kaya suitor mo ako! Suitor kasi kapag gwapo." sagot naman ni Sean.
Tss, yabang.
"Ganun? Kapag Gwapo nung manliligaw suitor ang tawag pero pag panget naman stalker ang tawag! hahaha! facial discrimination lang ang peg?!"singit ni Rappiea.
"Yeah! Yeah! ganun na nga! apir tayo dyan! kuha mo!"-Sean
"Ano? Hindi ko kayo Gets. Bakit naman ganun tawag dun?"tanong naman ni Shaun. Ay ang slow lang ni kuya?
"Alam mo Mr.Shaun kung nabibili lang ang common sense pag-iipunan ko para naman malibre kita kahit papaano."sabi ko.
"Ahh, wag na. May pera naman ako,ako na lang bibili"sagot niya.
"Then go! Bumili ka na ngayon"sagot ko.
"Ito naman! paran hindi naman mabiro! Syempre gets ko naman nung sinasabi nila no trip ko lang talagang magtanga-tangahan"sagot niya.
"Trip lang? Lakas din ng Trip mo no? Napaka walang kwenta."sagot ko ulit.
"Okay lang! Basta the fact na hot naman ako! Kaya okay na okay lang."sagot niya pa ulit.Aba!
"Hot ka? Sige, masunog ka sana!"sagot ko, letche.
"Okay lang wala pa rin magbabago hot pa din ako at Gwapo pa din ako!"sagot pa niya ulit.
"Kung Feeling mo Gwapo ka. Sige pagpatuloy mo lang malay mo naman magkatotoo. "
Sasagot pa sana siya nang magsalita si Ezzytrice.
"Tama na nga yan ito na yung pagkain oh. Ready na! Pinaghihintay nyo pa!" saway sa amin ni Ezzytrice.
Tinignan ko naman yung Shaun at napa smirk na lang.

BINABASA MO ANG
Mean Girls In Disguise
Ficção AdolescenteMean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa kabilang banda, ang bawat isa sa kanila ay may mga kwento sa nakaraan nila naging dahilan kung ano si...