Mean 2: The Bratinella
Ezzytrice Bernardo's Point Of View
Im Ezzytrice Bernardo ,The Oh-So-Beautiful Owner of Starlight Academy! Im only 18 years old. I know I'm too young to own a school ,but there's nothing i can do about it. It's my parent's gift to me and i should accept it,right?
And besides not because i'm only 18 parang laro laro lang sa akin ito, syempre it is in the matter of my own capabilitiess. Yung kakayahan ko, mas maganda kasi habang bata ka pa may experience ka na para in the near future alam mo na gagawin mo.
Nandito ako ngayon sa Bar ng maganda kong kaibigan pero mas maganda ako na si Gwynette Park ,half Korean siya..Speaking of her..nasaan na ba yung bruhildang yun?
Antagal-tagal niya! Kanina pa ko nag-hihintay dito. Ba't kasi may mga taong ganyan eh, pa VIP masyado.
Tumayo muna ako mula sa kina-uupuan ko, kailangan kong I-expose ang maganda kong mukha sa mga tao dito.
Hindi pwedeng naka-upo lang ako sa isang sulok at nagtatago no! Sa ganda kong ito? Bakit ko ikakahiya?! Syempre, you should always have a confidence with yourself ,pero wag nga lang sosobra.
Dahil makabagong henerasyon na ngayon lahat nagbago na. Kahit mukhang impokrita yang mukha mo basta may magandang katawan at malandi ka malamang! Hindi Zero Lovelife mo! Ay scratch that hindi pala lovelife kundi Flirt Life.
Pero, There's a thing na dapat kong ipa-alala sa inyo..
Remember this!
Gumalang sa mga nakakaganda Minsan kasi Pangit na nga, maangas pa!
I walk through the crowd and usual madami nanamang nakatingin sa akin. Dalawa lang yan! Ang malalagkit na tingin ng boys at ang mga halos papatay na tingin ng Girls!
While i'm walking nakarinig ako ng bulung-bulungan ,ay hindi pala bulong ba yun? Sinadya ata iparinig.
"Tss..akala mo naman kung sinong kagandahan..."sabi nung babae.
Napangiti ako..
An Evil Smile.
Mukhang magiging masaya ang gabing ito para sa akin!
Lumapit ako sa babae.
Tinignan ko siya from head to Feet...well she's nice, she's sexy to the point na halos swim suit like na ang suot niya, nahiya pa siya. Tss. And yes she's a hipon! Ganun na ba talaga? Pag hindi masyadong kagandahan sa katawan babawi, ang masama nakakabastos tignan.
"Oh,anong tini-tingin,tingin mo dyan? Insecure ka siguro sa akin no?!"sabi niya habang pinandidilatan pa ko ng mata. Aba! ambisosya si ate!
"Porket tinitignan kita mula ulo hanggang paa, Insecure na agad? Hindi ba pwedeng ikinukumpara ko lang yung mukha mo sa paa mo." sagot ko sa kanya.
"Aba! Ayos ka din ah! Ang kapal ng mukha mo!"
"Oh..well thanks! Alam kong makapal ang mukha ko atsaka atleast ako makapal mukha ko pero makinis! Unlike you.....makapal ba yan? O manipis? Mukhang ewan parang Brown Paper na kinulayan ng colors ng rainbow" akala niya ah! Namula nung mukha niya. Ay! Sumobra ata siya sa blush on nagmumukha tuloy siyang clown.
"Akala mo naman kung sino kang kagandahan!" sabi pa niya. Asus! si ate kung ano-ano na lang pinagsasabi, basta may maisagot na lang eh no? Yan nung mga taong hanggang unang tira lang pero sa susunod tatameme na tapos uulitin na lang ang mga sinasabi niya.
"Excuse----"hindi ko naituloy ang sasabihin nang may sumingit na lalaki.
"Excuse me? What's happening Here?"tanong niya.
"Honey! She's making me away! I have nothing to do naman! She started!" pagsusumbong ng babae dun sa lalaki. Ang arte! May nalaman pang pa-english-english mali-mali naman! Sayang yung lalaki, Gwapo pa naman, sabi ko sa inyo eh ,iba na talaga ang henerasyon ngayon.
"Miss,wag mo naman sanang awayin tong kasama ko,hindi ka naman pala daw inaaway eh..masyado atang nakakasakit ang attitude mo" sabi ni Guy, Oh take note KASAMA niya daw..
Tina-asan ko siya ng kilay.
"Kung nakakasakit ang attitude ko, malamang baldado na yang KASAMA mo."
"At ikaw babae! Wag trying hard mag-english baka bigla na lang Dumugo yang ilong mo sige ka,mag mumukha kang clown na may dugo sa ilong."dag-dag ko pa atsaka tumalikod at ambang aalis na, I'm wasting my time here.
"I HATE YOU!"sabi ng babae pagkatalikod ko,aba humirit pa! hindi ata ako papayag na ganun! Dapat ako ang gumagawa nun.
Bago ako humarap ulit sa kanila.
I flip my fabulous hair muna..
Para matauhan sila na buhok ko palang talo na sila.
I faced the Girl.
"Don't hate me because I'm better than you, hate yourself because you're not as good as me"
Sabi ko sa kanya... ha!
Ako pa ang kakalabanin niya! Pwes nagkakamali siya ng binangga..
Because Losing is not a part of my vocabulary.
Hindi ko tinitigilan lahat ng bumabangga sa akin.
That's Me!
Ezzytrice Bernardo...
The Bratinella ^__-

BINABASA MO ANG
Mean Girls In Disguise
Teen FictionMean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa kabilang banda, ang bawat isa sa kanila ay may mga kwento sa nakaraan nila naging dahilan kung ano si...