Mean 16: Titanic
Nopphire's Point Of View.
Nandito na kami ngayon sa Barko nila Ezzytrice ito yung gagamitin namin papuntang resort nila Ezzytrice sa Palawan.
Lumabas muna ako at naglibot sa buong barko pagkatapos kong iutos kay Orick na siya na lang maglagay ng mga gamit ko doon sa kwarto ko. May sari-sariling kwarto kami dito.
Nabwisit pa nga ako kanina kay Orick paano kasi pinipilit niya ko na doon na lang daw siya sa kwarto kahit may sarili din naman siyang kwarto. Ang adik din eh noh?
Sino ba naman kasing tao yung mas gusto pang makipag-share ng kwarto sa ibang tao kahit may sarili naman siyang kwarto, right?
Usual hindi ako pumayag. Asa siya mamaya may gawin pa siyang hindi maganda sa akin.
Pumunta ako dun sa pinakaharap ng barko dun sa pinakagitna.
Ang hangin sobra at the same time nakakarelax.This is Life!
Pumikit ako para mas lalo kong maramdaman nung hangin. Ang sarap kasi sa pakiramdam. Yung feeling na lahat ng problema mo mawawala na lahat.
Daig ko pa yung nasa paradise.
Dahil feel na feel ko mag momoment muna ako. Ginawa ko nung ginawa ni Rose sa Titanic na movie yung dalawang arms niya inopen niya na parang lilipad.
Noong bata kasi ako dream ko na makalipad.
Naalala ko pa nga nun I'm playing with my Mom that time then sabi ko sa kanya panuorin niya at makakalipad din ako.
So ang ginawa ko nun umakyat ako sa hagdan namin tapos ayun tumalon ako and pagkagising ko na lang nasa hospital bed na ko nakahiga.
I know I look stupid that time eh bata pa ko nun eh.
Pagkagising ko pa nga nun si Mom and Dad ang sumalubong sa akin tapos ang tanong ko agad sa kanila kung nakita ba nila akong lumipad.
Sinabi nilang 'Oo'syempre sasabihin talaga nilang oo kasi pag sinabi nilang hindi that time uulitin ko yung ginawa ko.
I love those moments.
That time masaya pa ako kasama ang family ko kahit na naaksidente ako nun okay lang nandyan kasi sila na babantayan ako pero ayun nga, part of my past na lang siya.
Memory na lang yun and hindi na mauulit pa.
Kaya nga hiling ko sana bata na lang ulit ako. Noong mga times na buo pa ang pamilya ko at masaya kami.
Pero it will never happen.
Sabi nga nila hindi naman lahat sa buhay puro saya lang kailangan din ng trials para masubukan kung gaano ka ka-fearless to face that trials.
But In my case? I know I'm not that fearless kasi kung fearless ako edi sana ako pa din yung dating Nopphire na friendly at mabait pero hindi na eh.
It turn out to be na totally snob at mataray na ko. Tunay nga na people change because of their experiences.
Madaming tao ang nagbabago ang ugali o pananaw sa buhay nila ng dahil sa mga pinagdaanan nila.
May mga mababait noon na naging masama na ngayon pero masisi nyo ba sila? Kami?
I know not only me pati na din ang ibang mean girls they have their own reason at yung mga nangyari sa past nila kung bakit sila ganito ngayon.I just hate the fact na Judgemental masyado ang mga tao makita ka lang na ganyan na yung ugali mo sasabihin nila hindi ka pinalaki ng maayos.
Ang hirap kasi sa mga tao ngayon kung ano yung nakikita nila yun na agad hindi man lang nila alamin kung ano bang reason kung bakit naging ganun ang isang tao.
Basta makapanghusga sila okay na.
Nakakainis lang.
Habang nagmo-moment naman ako dito naramdaman ko na lang na may biglang yumakap sa akin mula sa likod sabay nagsalita na.
" I love you Rose." napadilat naman agad ako at tinanggal ang pagkakayakap ng taong nakayakap sa akin. Peste istorbo masyado.
Hinarap ko na agad si Orick. Oo alam kong siya. Siya lang naman kasi ang peste sa buhay ko na mahilig mang-istorbo.
"Problema mo?!"tanong ko agad sa kanya
"Ano ba yan Phire Baby ko! Ruinner ka talaga! Ang ganda na ng moment oh! Ikaw si Rose tapos ako si Jack,alam mo yun? Ang ganda na talaga eh kung hindi mo lang tinanggal yung pagkakayakap ko sayo.Titanic na sana eh."sabi ni Orick.
Demanding pa siya huh! pero wait--- hahaha ano daw?!
"Titanic?! LOL..pfft--hahahhaa"sabi ko sa kanya habang nagpipigil ng tawa.
Pero hindi ko napigilan kaya ayun it end up na tumatawa ako.
"Ano namang meron sa titanic?Aber! ang romantic kaya nun!"pagtatanggol niya.
"Romantic? Duh! Ang Cliche kaya nun tapos ang tragic ng ending namatay si Jack. Iniwan niya si Rose. Ang cliche masyado."sagot ko naman.
Eh totoo naman eh ang pangit naman talaga ng ending kahit pa sabihin mong nakakaiyak siya kasi naman diba sino bang gugustuhin na mamatay yung taong mahal niya? Tss.
"Alam mo Phire Baby wala ka talagang ka sweetan sa buhay mo. Oo nga namatay si Jack pero hindi ibig sabihin nun iniwan niya si Rose. Tsaka diba kaya naman namatay si Jack kasi mas ginusto niya na hindi mapahamak si Rose. Nung time na yung pinapatungan ni Rose pwede namang kuhain ni Jack yun at siya na lang ang pumatong para masalba niya nung sarili niya pero hindi diba? Instead nanatili siya dun sa tubig at binantayan si Rose kahit alam niya na kapag nag-stay pa siya dun sa tubig ay pwede na siyang mamatay pero hindi niya inisip yun ang inisip niya ay nung kaligtasan ni Rose kasi mahal na mahal niya yun. Gusto niya na yung taong mahal niya ay ligtas kahit pa nag kapalit nun ay ang kapahamakan niya. Hindi niya iniwan si Rose wala man nung presence niya in physical pero nung presence niya sa utak at puso ni Rose ay nandun pa din at never na mawawala. Ganun naman talaga pag nagmahal eh gagawin mo lahat para dun sa taong mahal mo kahit ang kapalit nun ay ang mahirapan,masaktan or the worst ikamatay mo. Love is a powerful force because of it you'll do everything or anything for someone you love."
Pagkatapos magsalita ni Orick, napanganga na lang ako.
Magsasalita na sana ako nang magsalita siya ulit.
"Kaya nga ito oh, ginagawa ko lahat para sayo kasi seryoso ako sayo." Okay nga-nga nanaman ako!
Anong nangyari sa akin? Wala akong masagot sa mga sinasabi niya.Damn You Orick!
"Haha! tara na nga dun Phire Baby ko! Kain na daw tayo mamaya na lang natin gawin nung Titanic scenario natin!"sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

BINABASA MO ANG
Mean Girls In Disguise
Fiksi RemajaMean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa kabilang banda, ang bawat isa sa kanila ay may mga kwento sa nakaraan nila naging dahilan kung ano si...