Mean 48

1.3K 45 1
                                        

Mean 48: Inlove

Nopphire's Point Of View.

"So, what does it feel na nasa relasyon ka na parang kayo pero hindi naman talaga?" Out of the blue na tanong ni Misha.

I took a sip on my coffee bago ko siya sagutin. Nasa isang bagong tayo na coffee shop kami na malapit sa subdivision nila Misha. Nagawi lang talaga ako dito at coincidence na nakitang naglalakad papunta si Misha dito.

Suminghap muna ako bago tuluyang magsalita. What does it feel to be in a relationship na parang kayo pero hindi? Simple, Masaya, nakakakilig din pala kung tutuusin and the hardest part is that when your feelings go deep.

"How does it feel? Just like other realtionship. Ganun din pareho lang ng mag boyfriend at Girlfriend basta wag mo lang ipapaalala sa sarili mo na hindi totoo para hindi ka ma dissapoint." Sagot ko na halata namang hindi satisfied si Misha. Ito talagang babaeng to oh.

"Huwag ka mag alala panigurado namang pag naging kayo ni Shaun totoo yun hindi kunwarian lang." panigurado ko sa kanya.

"Ha? A..anong kaming ni Shaun?" Kunot noo niyang sabi. "Wala naman akong sinabi na ano ah...na kami ah." sabi niya na halos hirap na niyang sabihin bawat salita. Nakakatawa tong babaeng to.

"Nevermind." yun na lang ang sinabi ko, hindi naman kasi ako marunong mang-asar.

"Tsk." reaksyon niya atsaka tinuloy ang pagkain niya sa sliced red velvet cake niya.

Ang laki na nang pinagbago ni Misha, kung dati siya nung sa tingin ko medyo matino dahil hindi siya ganun ka active pag ang usapan ay lovelife pero nung one time na tumambay kami nila Arice at Rappiea sa bahay nila, bigla na lang nagtanong si Misha kung ano daw bang feeling ng mainlove. First reaction namin nun? Syempre tawa kami ng tawa, namula tuloy siya sa galit nun at literal na pinalayas kami ng bahay niya. Pinahabol niya kami dun sa alaga nilang aso na nakakulong kaya napatakbo at napalabas kami ng bahay niya pero after that tawa pa rin kami ng tawa.

Napakanta nga ng For the first in forever si Rappiea eh. First time kasi yun. Oo, nagkaroon na ng boyfriend si Misha but she's not sure kung love ba talaga ang naramdaman niya noon, since high school student siya nun and hindi malayong puppy love lang ang naramdaman niya noon.

"He's here." Sabi ni Misha sabay turo sa kotse ni Shaun na nakaparada sa labas.

Aalis kami ngayon, nagpapasama si Misha sa akin mag shopping at since matagal na rin na hindi ako nakapag shopping, pumayag ako at si Shaun daw ang driver namin ngayon.

Sa buong byahe ay pinanuod ko silang dalawa kung paano mag landian este mag sagutan.

" Wag ka ngang tumingin ang pangit mo." sabi ni Misha kay Shaun na kada minutong tinitignan siya. Ewan ko lang ha, pag kami nadisgrasya nito.

"Wow ah, madaling sabihing pangit ako, mahirap hanapin kung saan." Pambabara ni Shaun sa kanya. Napailing na lang ako dahil dun nagtuloy- tuloy ang paglalandian este ang sagutan nila.

"Yabang mo."

"Atleast Gwapo."

"Madaling sabihing gwapo ka, mahirap hanapin kung saan banda."

"Gaya-gaya."

"Maganda naman."

"Madali---"

"Oh Shut Up! Paulit-ulit ka."

"Ikaw nga yon eh."

"Ikaw."

"Ikaw."

"Ikaw."

"Mahal ko." sabi ni Shaun kaya napatigil si Misha na priceless na priceless ang mukha kaya kinuha ko agad ang cellphone ko at palihim siyang pinicturan. Pang blackmail ko!

"Tse." napangisi si Shaun sa naging reaksyon ni Misha tsaka tinignan ako gamit ang rear view mirror at kinindatan, umiling ako habang nag pipigil ng tawa. Iba na. May feelings na rin si Misha para kay Shaun. Nakakainggit.

Kasi sila totoo nung feelings. Eh nung akin?

One week nang hindi nagpaparamdam si Orick. No text and call pero sabi nila Rappiea nakakausap naman nila online sa facebook si Orick. Buti pa sila. Eh ako?

Sabagay, anong karapatan ko mag reklamo. Hindi naman ako tunay na girlfriend, wala naman talagang kami. Siguro na realize na niya na nagsayang lang siya ng oras sa akin, na boring ako kasama, na hindi ako ideal girlfriend.

Alam na rin nila Misha na hindi naman talaga kami, na dare lang yun gawa ng bato bato pick na larong yun. At first, nagulat sila kasi daw galing daw naming umacting parang totoo daw kasi na kami na. Kung ganun pala nag artista na lang sana ako.

Nang makarating kami sa Mall ay umuna si Misha sa Comfort room at iniwan muna kami ni Shaun.

"Hey, may problema ba?" Tanong sa akin ni Shaun habang hinihintay si Misha.

"Ang hirap pala kapag nung nanghihinayang ka kasi hindi totoong kayo na sana kayo na lang talaga..Ay ewan basta. Nevermind." sabi ko. Kainis. Ano ba tonng lumalabas sa bibig ko?

Nagkunot noo ako ng biglang pumalakpak si Shaun.

"Wow! For the first time! Ang haba ng sinabi mo sa akin! 21 words yun ah! Nice! Improvement!." Parang tanga niyang sabi.

"Big deal?" Bakit ba lahat na lang bini big deal kapag nagsasalita ako ng mahaba.

"Sa lahat kasi ikaw nung nakakatakot kausap. Mamaya kasi hindi ka sumagot mapahiya pa nung taong kinakausap ka kaya siguro ganun minsan ka lang din kasi magsalita ng mahaba kaya nabi-big deal." pagpapaliwanag.

Napatango na lang ako. Hindi ko alam isasagot ko eh. Hindi lang talaga ako ganun ka talkative bukod sa nakakapagod magsalita eh hindi ko lang talaga trip na magsalita.

"Pero nung sa sinabi mo kanina. Sainyo ni Orick yun no? Gag* talaga yun. Pero nung nararamdaman mong panghihinayang iisa lang ibig sabihin nun. Mahal mo na siya."

Tinignan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya.

"Wala naman akong sinabing mahal ko siya ah, sabi ko lang ano nanghihinayang kasi ano basta kasi Argh! Bakit ba ko nag i explain!" medyo napasigaw na ko sa sobrang frustration
. Bwisit tong Shaun na to!

"Yan! Yan! Reaksyon yan ng taong inlove!" sabi niya kaya inambahan ko ng ihahagis ang bag ko sa kanya kaya napatakbo siya sa likod ng kalalabas lang na si Misha.

"Oh? Ano yan?" Tanong ni Misha.

Syempre hindi ko tinuloy ang paghagis ng bag ko, mas mahal pa to sa pagmumukha ni Shaun, kaso nakabukas pala nung maliit na zipper kaya nahulog nung bracelet na nilagay ko dun kaya pinulot ko.

Pagkatayo ko habang hinawi ang buhok na napunta sa mukha ko gawa ng pagyuko ko napabalingvang tingin ko sa isang boutique shop at alam kong hindi ako namamalik mata.

Si Orick. He's with a girl. Nakaakbay siya dito at ngiting ngiti pa.

Mean Girls In DisguiseMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon