Mean 13: Meet Up
Rappiea's Point of View
"Wala pa sila eh. Sige pasok muna kayo sa loob. Doon na lang natin sila hintayin." sabi ni Ezzytrice sa amin.
"Sige."sagot ko sa kanya.
"Sige, una na ko sa loob. May aayusin pa kasi ako ,sunod na lang kayo ,okay?"sabi pa ni Ezzytrice pagkatapos pumasok na siya sa loob ng kanyang sparkling mansion.
Kinatok ko naman ang pintuan ng kotse ng gwapo kong kapatid.
"Nelbry! Pasok na daw tayo sa loob."sabi ko sa kanya.
"Ayoko nga."sagot naman niya.
"Bakit naman?"
"Kasi naman Rappiea! Ano bang ginawa mo dito sa buhok ko? Tapos pinalitan mo pa ng contact lens yung eyeglasses ko."sabi ni Nelbry na halatang naiinis na. Hahaha! Natatawa tuloy ako.
"DUH! Nelbry yan po yung uso na hairstyle ngayon. Hindi yung buhok mo dati na pang 1980's tsaka yung eyeglasses mong makapal? Ano ka ba naman Nelbry? Nerd lang ba ang peg mo? Naku! Wala ka talagang ka fashion-fashion sa dugo mo. Ang gwapo mo na kaya ngayon!"sabi ko.
"So, ibig sabihin? Panget ako noon?"tanong niya na alam kong habang tinatanong niya yan naka pokerface siya.
"Hmm.Parang ganun na nga?"sagot ko.
"Hindi pa sinabing 'Oo'"sabi naman niya.
Hahaha Duh! I'm just saying the truth!
"Whatever Nelbry. Bumaba ka na kaya dyan."
"Ayoko."pagmamatigas pa din niya.
"Oh well. Bahala ka dyan dahil mamaya whether you like it or not baba ka! Bwahahaha at makikita ka nila hahaha!" sabi ko with matching patakip-takip pa ng bibig ko habang tumatawa.
Umupo muna ako sa bench sa labas ng bahay nila Ezzytrice ,at ayun nakita ko na yung kotse nila Arice. Nagpahatid lang ata siya. Kaya tumayo na ko at sinalubong siya.
"Tayo pa lang yung nandito?"tanong niya.
"Bakit? Nakikita mo na ba yung iba na nandito na?"tanong ko.
"Sabi ko nga tayo pa lang yung nandito." sagot naman ni Arice sabay nag-roll eyes. Kasunod naman nun may kotse na huminto ,at niluwa niya ang pinakamagandang anak ni Piccolo!
Si Misha!
Ay may kasama pala siya! Yung dalawa niyang brother! Woot! Woot! For the first time ito ah. Nagsama-sama ang Agroso kiddos! Pero ang epic ng mukha ni Misha parang iritang-irita for sure ayaw niya talagang kasama yang dalawa niyang kapatid.
"Hello Po! Sa mga kapatid ni Misha!"bati ko.
Nginitian ako ni ano wait teka---- Si Yoobi ba yun?? Ba---bakit parang ang hot niya?
Anlayo sa dating siya! Nag makeover din siya katulad ni Nelbry? Oh well Gosh! Define hot! Its YOOBI AGROSO! Napatingin naman ako kay Arice na parang hindi mapakali na parang natatae. Problema nito?
"Natatae ka?"tanong ko kay Arice.
"Ha? Yuck ka naman! Ah—ano...siguro? Ay hindi! Ay parang! OO pala! Sige punta muna akong comfort room!"sabi ni Arice sabay karipas ng takbo papasok sa loob ng bahay nila Ezzytrice.
Siguro nga natatae siya.
Napatingin naman ako sa isa pang kapatid ni Misha. Ito ata nung Kuya niya? Ngayon ko pa lang kasi ito nakita hindi rin naman kasi siya pinapakilala ni Misha sa amin. Ang alam nga lang namin eh may kapatid siya. Pero guess what?!
Kung si Yoobi ay hot mas lalo naman itong Kuya ni Misha! Hihihi! Lalandi muna ako kahit saglit lang!
Lumapit ako dun sa kuya ni Misha.
"Hello! I'm Rappiea! Misha's Friend! How about you?"sabi ko with matching wild este wide smile pa yan ah! Ganda ko talaga!
"Austin." yun lang ang sagot niya sabay lakad papasok sa bahay nila Ezzytrice.
Alam mo yung feeling na ang happy happy ng pagkabati ,at pagpapakilala mo tapos ganyan lang ang sagot sayo?
Oh well nevermind.
Dumating na din si Sabrina kaya yun na lang ang nilapitan ko.
"Hey Brina!"bati ko.
"Ok."sagot naman niya.
Oh sige mas malala pa ito.
Pumasok na lang din ako sa loob ng bahay nila Ezzytrice. Nandoon na rin silang lahat eh. Ang tahimik nga nila may lamay ba? Alam mo yun? Nakakabingi kasi yung katahimikan kaya nagdecide ako na lumabas na lang ulit, at salubungin yung mga darating pa.
And here it comes si Lhierya! Babatiin ko na sana kaya lang nakasimangot si Ate? Anyare?
"He---"babatiin ko na sana siya nang magsalita siya
"Hi Rappiea."sabi niya ng walang kagana-gana. May problem siya? Hayaan na nga muna. Nasa likod din pala yung kapatid niyang si Brix. Isa rin itong masungit eh, kaya shut up na lang muna ako.
Mga ilang minute rin kasunod na dumating si Gwynette! Sana naman ito hindi na masungit!
"GWYNETTEE!HELLO!"bati ko.
"Hello din! "sagot niya sabay diretso pasok sa bahay nila Ezzytrice. Ay ganun lang?
Napatingin naman ako kay Nelbry na biglang bumaba ng kotse. Ang gwapo na talaga ng kapatid ko! Papunta din siya sa loob ng bahay nila Ezzytrice,bakit kaya?
Napatingin naman ako doon sa kotse na kakahinto lang.
Ah, kaya pala. So,andito na pala yung sadista.

BINABASA MO ANG
Mean Girls In Disguise
Novela JuvenilMean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa kabilang banda, ang bawat isa sa kanila ay may mga kwento sa nakaraan nila naging dahilan kung ano si...