Mean 50: Best Moment
Ezzytrice's Point Of View.
"Nakakahiya talaga yung suot mo nun Nopphire! Like duh! Nakalimutan mo atang birthday party yun at inakala mong libing ang pupuntahan mo kaya ka nag-itim? Atleast man lang diba nagsuot ka ng anything na may kulay na man. You looked like a birthday ruiner that time! Plus you're wearing a shades?! What a fashion!" puna ni Arice sa suot ni Nopphire last week nung birthday ni Orick na turns out to be a proposal day din pala ni Orick kay Nopphire.
"Sorry naman diba? Nagluluksa naman talaga kasi ako that time." sagot ni Nopphire.
"Nagluluksa daw. Broken hearted daw kasi. Her heart almost died that time because she thought Orick already forgot her." singit ni Misha.
Pare-pareho kaming napatingin sa kanya, how come those words came out from her mouth?
"Miracle." manghang-mangha na sabi ni Sabrina, nakauwi na siya last week lang din and good news is that okay na sila ng Dad niya and sila na rin ni Mirko na hindi nanamin ikinagulat dahil alam naman naming doon din ang punta nila.
Pumalakpak naman si Rappiea.
"Wow! Misha! Ngayon ko lang narinig na may alam ka pala sa pagiging broken hearted! As far as I remember ikaw nung pinaka unang nandidiri pag lovelife ang usapan. OMG! Ang galing ni Shaun! Anong pinainom niya sayo?"
"Cheers para sa lovelife ni Misha na nagkakakulay na!" sabi naman ni Gwynette. Ito kung maka 'cheers' akala mo hindi broken hearted.
Nagtawanan kami atsaka pinag-tose ang mga baso namin, except for Misha na mukhang naaasar na sa amin.
Nandito kami sa condo ni Nopphire, bridal shower niya kasi dahil next week na ang kasal! Nakakagulat nga tong si Orick eh. Aware kaming nung nawala siya ng one week dahil pinaghahandaan niya ang proposal niya kay Nopphire kasabay ng birthday party niya. Hindi man lang kami ininform na pati kasal nila eh inaasikaso niya, I wonder paano kaya kung hindi siya sinagot ni Nopphire? Sayang effort!
Hindi alam ni Nopphire yun at minabuti ni Orick na hindi na magpaalam kay Nopphire nung umalis siya at one week na hindi kinausap si Nopphire, kaya nag drama ang bruha.
Nakakatuwa nga eh, marunong pala mag drama si Nopphire at infairness hindi namin nahalata na nagdadrama pala siya, hindi kasi halata ang cold ng expression eh, kaya nga medyo kinabahan pa kami nun na paano pala kung wala talaga siyang pakealam kay Orick pero luckily naging okay naman.
Isa pang nakakatawa eh kasi pinagselosan ni Nopphire si Alondra! Haha hindi niya kasi alam noon na kapatid ni Orick yun at syempre pati ni Sean ko.
"Hindi ko talaga akalaing magpapatali ka na kay Orick." sabi ko kay Nopphire, pagkaupo ko sa tabi niya.
"Magpapatali talaga ang term?" sabi niya na medyo natatawa-tawa pa.
"Anong gusto mo na finally mag li-live happily ever after na kayo ni Orick ang sabihin ko? Ang corny kaya." nandidiri kong sabi.
"Grabe naman to. Pag kayo kinasal ni Sean I'll bet yan ang magiging term mo." sabi niya.
Naiisip ko pa lang ang sinabi niya, kinikilabutan na ko! Masyado kasing corny! Hindi kasi ako hopeless romantic kaya nga wala pa kong nagiging boyfriend kasi hindi pa ko nainlove pero syempre noon yun. Iba na ngayon andyan na si Sean eh pero hindi pa rin ako ganun ka corny ha!
"Champagne time na guys!" sigaw ni Lhierya habang hawak hawak ang bote ng champagne.
Sunrise tequilla lang kasi ang iniinom namin kanina, kakain lang namin eh sinabihan kasi kami ng boys na wag agad uminom ng alak pagkatapos kumain. Ang concern nila no?
Nilagyan nanamin nang champagne ang glasses namin.
"Cheers dahil hanggang ngayon magkakasama tayo!" sigaw ni Rappiea at itinaas ang baso niya.
"Cheers because even we're meanest troupe, here we are still friends with each other!" sigaw ni Sabrina.
She's right kami yung pinaka mean na magkakaibigan pero hindi yun naging dahilan para hindi kami maging magkakaibigan. Usually kasi pag ganitong mga ugali nag aaway hindi nagiging magkakaibigan. Iba kasi kami we're too fab!
"Cheers dahil up to now magaganda pa rin tayo!" sigaw ko naman at ginawa rin ang ginawa nila Rappiea at Sabrina. Pare-pareho silang sumagot ng 'Yes' sa sinabi ko. See? Gandang ganda kami sa sarili namin syempre anganaman sabihin naming pangit kami? ang salitang pangit ay wala sa dictionary namin.
"Cheers naglalaitan man tayo, magkakaibigan pa rin tayo!" Sigaw ni Arice kaya natawa kami bigla.
Sagad sa buto loyalty namin sa isa't-isa, pare-parehong walang filter ang bibig kaya bukod sa aming siyam wala na kaming kaibigan na masasabi mong totoong kaibigan talaga. Okay rin to no, atleast walang nagpa plastikan sa amin, yung pagiging 'plastik' pa naman ang number one problem ng magkakaibigan lalo na sa girls.
"Cheers dahil wala pa ring panama sa atin yung mga ugly duckling!" Sigaw ni Lhierya. Yeah, hindi naman kami syempre nagpapatalo no, lalo na dun sa mga babaeng hindi namin binibigyan ng rason para ayawan kami, masama ugali namin sa mga taong masama rin ang ugali.
Ewan ko lang talaga doon sa iba na wala pa naman kaming ginagawa umaariba na gumagawa sila ng sarili nilang drama na puno ng insecurity.
"Cheers! Dahil kahit may mga misunderstandings tayo we still have ways to solve it!" sigaw ni Irimae.
Yung misunderstandings namin na naso solve namin. Minsan lang kami mag away-away at pag may reason man ng pinagawayan namin eh big issue talaga yun at hindi basta-basta. Hindi kasi kami mababaw kaya kadalasan pag nagaway kami,hindi biro ang dahilan unlike sa ibang magkakaibigan na ang simple lang ng issue pinapalaki pa paano kasi may mga hidden hatred sila sa isa't-isa, well that's another thing for being plastic.
"Cheers! Cause until now hindi tayo nag-iiwanan at damayan lagi sa problema ng bawat isa!" sigaw ni Gwynette.
Nagkausap na si Gwynette at ng parents niya nang umuwi ang mga ito nang dahil sa false alarm na inimbento namin na naospital siya. Nagalit si Gwynette sa parents niya na kung hindi pa daw nila mababalitaan na naospital siya ay hindi sila uuwi pero syempre nauwi naman yun sa magandang usapan, nag sorry ang mga magulang ni Gwynette sa kanya.
Super agree ako sa sinabi ni Gwynette motto kasi naming magkakaibigan ay 'Problema ng isa problema ng lahat' pangit mang pakinggan but the good side there is that we're making ways to solve it at para din mabawasan ang burden ng bawat isa sa amin. What are friends for diba?
"Cheers because even we're the meanest gals atleast we're real!" Sigaw ni Misha. Maikli pero totoo! Kudos to her!
"Cheers! I don't wanna give such a reasons kasi napakaraming magandang dahilan kung bakit magkakaibigan tayo!" Sabi ni Nopphire at siya ang huling nagtaas ng baso niya.
"CHEERS!" sabay-sabay naming sigaw atsaka pinagtose ang mga baso namin bago uminom.
"Group hug!" Sigaw ni Rappiea.
We hug each other. Pinanggigilan namin ang isa't-isa tagal na rin ng last time na nag group hug kami. Pagkatapos ay pare-pareho kaming natawa dahil narealize naming masyado na kaming sweet at corny sa isa't -isa, hindi kami sanay.
Well who cares? Kami kami lang naman din.
"Selfie guys!" Aya ni Lhierya atsaka nilabas ang phone niya. Sabay sabay kaming nag pose ng kung anu-ano hanggang sa manawa kami sa mga mukha namin.
Tinignan ko yung mga pictures and I must say na isa to sa best moment na naranasan ko. Iba talaga nung moment kapag mga totoo sayo ang kasama mo eh. The best!
BINABASA MO ANG
Mean Girls In Disguise
Fiksi RemajaMean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa kabilang banda, ang bawat isa sa kanila ay may mga kwento sa nakaraan nila naging dahilan kung ano si...