Mean 41: Finally
Misha's Point Of View.
Tatlong magkakasunod na araw na kong kinukulit ni Rappiea na makipag-ayos na sa mga kapatid ko. Nakakairita na. Ayokong magalit sa kanya kaso parang nagiging pakealamera na siya. Hindi na nakakatuwa.
Maaga akong pumunta sa bar kung saan ako magpi-perform mamaya. May banda kasing nangangailangan ng drummer para sa performance nila at since kakilala ko naman ang isang member dun nung inaya niya ko pumayag na rin ako.
Alas sinko pa lang kaya unti pa lang ang mga naroroon. Umorder ako ng juice habang naghihintay. Alasais kasi ang usapan kaya malamang isang oras pa ko maghihintay.
Habang naghihintay ako may babaeng dumabi sa akin, mapula ang labi niya dahil na rin siguro sa makapal niyang lipstick, mahaba ang buhok niya, maputi at nakasuot siya ng napakaikling damit.
"May foundation ka ba dyan?" tanong niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot.
Nabatid niya ang pagbabalewala ko sa kanya kaya medyo tumaas na ang boses niya sa pangalawang tanong niya sa akin.
"Hoy! Bingi ka ba?! May foundation ka ba dyan? Pahiram nga ako!" Seryoso? Manghihiram ba talaga ang isang to?
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. This Tactic ,alam kong ito nung mga gawain na ayaw ng isang babae, nakakapangbaba kasi.
This is a bad thing to do but i'm mean so i don't care.
Napataas ang kilay niya sa inakto ko.
"Nang-aasar ka ba talaga?" galit na tanong niya pero pinanatili niyang mahinahon ang boses niya para hindi makaagaw pansin.
Ngumisi ako bago magsalita.
"Ako nang-aasar? Sigurado ka? Ikaw nga tong sobrang nakakaasar na eh. Maliban sa mukha mo nakakaasar din pala yang ugali mo. Manghihiram ka na nga lang ikaw pa tong galit? Ayos ah." sabi ko sa kanya.
"Hindi mo ba ko kilala?" nangagalaiting tanong niya.
"Hindi."walang gana kong sagot na mas lalo niyang ikinagalit.
Tumayo siya nang nakapameywang kinuha niya ang baso ng juice ko at akmang itatapon niya sa akin yun nang may pumigil sa panget niyag kamay.
"Whoa! Ayaw ko ng gulo dito miss at mas lalong ayokong ginugulo mo misis ko." malokong sabi ni Shaun. Siya nanaman?
"Misis mo siya?!" Tanong ng babae sabay dinuro ako. Lakas makaduro nito ah.
"Yes, kaya sana respetuhin mo siya." seryosong sabi ni Shaun kaya napatigil nung babae nang may dumating na lalaki at nalaglag ang panga ko ng makita ko kung sino iyon.
"Honey," parang hitad na kumapit nung babae sa lalaki. Napatingin siya sa akin at bahagyang nagulat ngunit agad napalitan ng ngisi atsaka ako binati.
"Misha, long time no see." Sabi niya, inirapan ko na lang siya bilang tugon. WTF.
Umalis na rin sila at doon ako nilapitan ni Shaun para tanungin.
"Kilala mo yun?" tanong niya.
"Wala akong kilala na taong gago."sagot ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya sa naging sagot ko.
"Ganun? Sige good luck na lang pala mamaya, manunuod ako." sabi niya.
"Ba't ka ba nandito?" Iritadong tanong ko sa kanya, sa mga nakalipas na araw kahit saang lugar ako pumunta lagi siyang sumusulpot.
"Ako may ari nito." sagot niya. Hindi na ko sumagot. Okay.
![](https://img.wattpad.com/cover/8384239-288-k289999.jpg)
BINABASA MO ANG
Mean Girls In Disguise
Teen FictionMean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa kabilang banda, ang bawat isa sa kanila ay may mga kwento sa nakaraan nila naging dahilan kung ano si...