Mean 23

1.9K 62 8
                                        

Mean 23: Tangang Dyosa


Arice's POV.

Pumunta ako sa isang Nipa Hut na nakatayo malapit sa dagat.  Panigurado ko nandun siya.


Pagkapunta ko dun Tama nga ako nandun si Yoobi may kasamang Hipon -_-

Dumiretso akong pumasok dun at umupo at pinagmasdan kung paano landiin ng hipon na yun si
Yoobi.


"Hi! Im lisa...hihi  nagbabakasyon ka din ba dito? Oh well pareho tayo actually  nung nag pareserve nga kami ng kwarto dito kasama nung friend ko nung una ayaw pa tanggapin nung reservation namin kasi ayun nga daw nung may-ari magbabakasyon here. Eh ikaw how about you sinong kasama mo??"malanding pagda-daldal ng hipong ito kay Yoobi. Magsasalita sana si Yoobi nang
nagsalita ako.


"AKO, AKO nung kasama niya."nakuha ko naman nung atensyon nilang dalawa. So ganun? hindi pala nila napansin ang existence ng isang dyosa dito?? I cant believe it.


"OH...i see,hindi ka namin napansin..Who are you nga pala?"  -_-


"Im Arice, Arice Middleton half British My Dear"sabi ko na may halong pagmamayabang.

"Ahhh..Half British ka? Nice.. Pero bakit parang hindi naman  halata? para ka nung mga  nagtitinda lang ng isda sa palengke."sabi niya na ikinataas naman ng kilay ko.

Sinusubukan ako nito ah.


"ah..eh ikaw naman pakilala ka.."sabi ko with a nice voice.  Hindi pwedeng mawala poise ko  nuh.

"Im Lisa Yuro Talandiyan Half Japanese "sabi niya sabay ngiti.


"Half Japanese? parang hindi naman.."sabi ko

"Nung mom ko nung may lahing japanese dad ko is pure filipino kaya ganun ang surname ko"pagpapaliwanag niya.

"Hindi ko tinatanong no need to explain"sabi ko


"Just saying"sabi niya sabay nag-roll eyes at nagawa pa niyang sumandal sa balikat ni Yoobi! Such a Flirt! >.< tapos ito namang si Yoobi parang Ewan na hindi mo malaman  wala man lang reaksyon!

"Half Sea Food.."sambit ko.

Tinaasan niya naman ako ng kilay.


"Ano?"

"Wala sabi ko hindi ka mukhang half japanese para kang half  sea foods. Akala  ko kasi hipon ka."


"Aba! how dare you!"sigaw niya.


"Wag mo kong i how dare you dyan masyado na yang common. Katulad ng pagmumukha mong hipon Talaga pa lang common na yan nung mga hipong malandi limited na lang pala talaga kaming mga dyosa sa mundo."

Totoo naman diba? Kadalasan kasi ngayong panahon daig na nang malalandi ang mga tunay na maganda.


"Im not a hipon! you bitch!"sigaw niya ulit.namumula na siya sa galit. Nakakatawa lang.


"Thanks For the compliment"sabi ko sabay ngumiti ng nakakaasar.Pero maganda pa din nung ngiti ko syempre

"Wow ah! talagang inaadmit mo na Bitch ka! sabagay totoo naman eh! Your such a BITCH!"diniin niya talaga nung pagkasabi ng bitch huh?


"Thank you ulit. Alam ko Bitch ako.For Your Information Bitch means Beautiful Individuals That Create Haters. Thanks" sabi ko sabay Evil Smile. Akala niya ah hipon kasi siya ipasigang ko siya eh.

"Grrr..."nanggigil na siya. Sige lang.Makakakita ba ako ngayon ng monster hipon?


"Alam mo Bitch pumunta ka lang ba para awayin ako dito? Problema mo ba? Boyfriend mo ba
siya"tukoy niya kay Yoobi. Uh ...Oh

Hindi ako nakasagot. Eh ano ba kasing isasagot kong dahilan? ewan ko ba naman kasi sa sarili ko eh! nababaliw na ba ko? oh well ang ganda ko namang baliw.


"Oh ano hindi ka makasagot? hindi mo naman siya boyfriend  pero kung makaarte ka diyan parang girlfriend ka niya na nagagalit kasi nilalandi ko siya. Oh baka may gusto ka sa kanya? Poor you! maganda ka nga hindi ka naman niya napapansin..hahahaha" Okay sige i admit may point siya dun. Masakit din nung sinabi niya ah. Pero kasi naman kasalanan ko din naman kung bakit ganyan sa akin si Yoobi eh :(

"Hindi niya nga ako Girlfriend......

Pero....
.
.

.

Ako kasi nung soon to be Bride niya! so back off! "

Tumayo na ko at hinawakan ko si Yoob.Hinatak ko palabas ng nipa hut nakita ko naman na nagulat si Yoobi sa sinabi at ginawa ko.


Dont worry Yoobi,Hindi lang ikaw ang nagulat...


Ako din nagulat sa sinabi ko...


Ang ganda kong tanga! saan ko naman napulot yung mga salitang yun?!


At isa pa...

Bakit ko hinatak si Yoobi? saan ko siya dadalin? saan kami pupunta?


Ako na..


Ako na talaga ang tangang Dyosa.


Mean Girls In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon