Mean 46

1.4K 41 0
                                        

Mean 46: Congratulation.

Gwynette's Point Of View.

2 days has passed after my graduation, and my friends will throw a party for me today. Buti pa sila.

May ganang i-celebrate ang bagay na na-achieve ko, samantalang nung mga taong dahilan kung kaya nag purisigi ako, eh wala namang pakealam.

Alam nyo nung nakakatawa? Kung sino pa nung pinaglalaanan, pinahahalagahan at pinaglalaanan mo ng mga bagay na ginagawa mo sila pa nung, walang pakealam sayo, sila pa nung hindi ka man lang ma appreciate.

"What's bothering yow?" Tanong sa akin ni Shaun pagka-upo niya sa tabi ko.

"Kung paano lilinisin ni Yaya ang magiging kalat nyo dito sa bahay mamaya, ewan ko ba kasi bakit may party pa?" iritado kong sabi. Hindi naman sa ayaw ko sa party kaso nakakawalang gana lang talaga, kahit gaano pa kasaya ang party na yan kung wala naman sila. Wala ring silbi.

"May hinihintay ka ba?" Out of the blue naman niyang tanong. Kainis, tanong naman to ng tanong. Nasaan ba si Misha?

Hindi ko na lag siya sinagot, nang makita kong kararating lang ni Brix kasama si Lhierya at Ervin.

"Alam mo kung sino man siya o silang hinihintay mo at alam mong hindi naman sila na darating mabuti pang ihinto mo na lang yang paghihintay mo, kung wala ring namang babalik o darating sayo sa huli kasi sinasaktan mo lang ang sarili mo." Malalim na sinabi niya. Hindi ko alam kung saan niya napulot yan kung sa status ba sa facebook ng kaibigan o isang tweet.

Nung ideya niya na may hinihintay ako? Saan naman niya nakuha yun? Well, wala na kong pakealam kasi totoo naman may hinihintay talaga ako.

"Ganun? Eh bakit nililigawan mo pa rin si Misha? At naghihintay ka pa din sa sagot niya?" Tanong ko sa kanya. Bahagya siyang ngumiti sa tanong ko. Nababaliw na ata ito.

"Hindi pa ko tapos sa sinasabi ko kanina. Ganun ang paghihintay masakit, mahirap. Madaling sabihing maghihintay ka pero mahirap gawin pero kapag mahal mo ang isang tao at talagang pinapahalagahan mo siya kahit ano pa mang dahilan yan, hindi ka titigil o ihihinto sa paghihintay kahit walang kasigaraduhan ang kahihinatnan mo." Napairap ako sa sinabi niya at agad siyang kinontra.

"Hindi naman ata makatarungan yun sa mga naghihintay, patuloy na lang silang naghihintay pero paano kung waa silang mapala sa huli diba? Nakakainis kasi nung mga taong wala man lang konsiderasyon, nung mga taong alam naman nilang may naghihintay sa kanila, pabebe pa masyado, kung hindi sila babalik sana man lang sabihin man lang nila doon tao para hindi nag-aaksaya ng panahon nung tao." Kontra ko sa sinabi niya.

"May point ka dun pero sa totoo lang wala namang kasalanan nung taong hinihintay tayong mga naghihintay dahil choice nating maghintay dapat nating i take nung risk na kahit uncertain siya tanggapin natin, choice natin yun eh, waiting is a free will, and if you wait to nothing there is no one to be blame." Sagot naman niya, napa buntong hininga ako. Wala na, hindi na ko magsasalita, talo ako dito. Humuhugot eh.

Napalingon ako sa paligid nang makita ko si Misha banda sa kusina namin nakatingin sa aming dalawa ni Shaun, nang makita niyang nakatingin ako sa kanya bahagya siyang napaiwas ng tingin.

Nakita ko rin si Rappiea na tawang tawa na tinitignan si Misha.

Gad. Alam ko na iniisip ng mga to!

Tinulak ko bigla si Shaun at tinaboy.

"Layas! Doon ka na nga nagseselos ata si Misha. Kaloka huh. Ako pa pagseselosan." Sabi ko pagkatapos kong itulak si Shaun.

"Grabe naman to kung makatulak, parang kanina lang ang tino mo pa kausap tapos ganyan na." Reklamo ni Shaun.

"People Change, kaya shooo! Doon ka na kay Misha!" Pagtataboy ko.

Mean Girls In DisguiseMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon