Mean 34: Baby
Lhierya's Point Of View.
Habang nagkukwentuhan at nag da dramahan sila, nag paalam muna ako ng pupunta akong comfort room, feeling ko kasi ang haggard ko na, nalusaw na ata make up ko amd yes i need to pee.
Pumasok agad ako sa cubicle pagkatapos ko, inayos ko na muna ang sarili ko bago lumabas ng cubicle nang may narinig akong pamilyar na boses.
"Hello? Ervin? Nandito lang ako sa C.R."sabi ng pamilyar na boses. Sabi na nga ba eh, it's her.
"Don't worry baby, babalik din agad ako." Malambing na sabi niya sa kung sino mang baby damulag na kausap niya sa cellphone niya.
Napairap na lang ako sa kawalan at nakapag decide na lumabas na, ba't ba ko nagtatago? Bwisit.
Dumiretso agad ako at tinignan ang sarili ko sa salamin atsaka nilabas ang mga pang retouch ko sa purse ko.
Nakita ko naman sa gilid ng aking paningin na medyo napaawang ang bibig niya ng makita niya ko.
"Oh, Hi." Sabi niya sabay ngumisi ng hilaw. Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy na lang ang paglalagay ko ng lipstick.
Bahagya siyang tumawa na parang nang-aasar sabay bumulong siya na sadya rin namang pinarinig sa akin "Bitter." Sabi niya.
Napataas ang kilay ko ngunit hindi ko pa din siya tinitignan.
Nang makatapos siyang makalagay ng lipstick niya ay agad siyang nag-ayos at aambang lalabas na pero bago siya lumabas nagbitiw siya ng mga salita.
"Umasa ka no? Kawawa ka naman Lhierya."sabi niya sabay pekeng umiling-iling. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinarap siya ngunit ng hinarap ko siya ay siya namang ang mabilis niyang pag-alis.
Napasabunot na lang ako sa aking sarili sa sobrang inis. Bwisit.
Pagkabalik ko sa inuupuan namin ay hindi na sila kumpleto.
"Asan nung iba?" Tanong ko kay Ezzytrice na abala sa kanyang cellphone.
"Andun nakikipag sayawan na."
Umupo na lang ako sa gilid ng sofa at sumandal, tinatamad ako.
"OMG!" OA na nag-react si Ezzytrice kaya agad akong napatingin sa kanya na nakataas ang isang kilay.
"Naninibago lang."sagot niya sabay ngumisi. Na wiwirduhan na ko dito.
"Tahimik mo kasi these past few days, hindi ka na masyadong nakikipagflirt. May the one na ba, Lhierya?" Nakakaloko niyang tanong, gusto kong matawa at masuka sa sinasabi niya.
"Alam mo nung Baliw, Ezzytrice?"tanong ko sa kanya, nagtaka siya sa tanong ko kaya kumunot ang noo niya.
"Baliw, minsan nasa mental hospital , madalas kausap ko lang. Nasa harap ko nga ngayon eh. Kaya tigilan mo ko sa kabaliwan mo." Sabi ko sa kanya.
Napahagalpak naman siya sa tawa kaya talagang naiirita na ko dito.
"Lhierya, Bitter, minsan Ampalaya, madalas ikaw. Hahahahahaha!"
Napairap na lang ako sa kanya. Kainis.
Bitter? Bakit naman ako mabi-bitter? Para lang dun sa lalaking yun? Nung nakakainis na yun na pagkatapos ng lahat, iiwan ako sa ere atsaka babalik dun sa impaktang anghel na yun? Ganun? Pagkatapos ng lahat. Kainis. Akala ko iba siya sa iba, yun pala pare-pareho lang malandi ang mga lalaki, pare-parehong paasa. Mga lalaki? Mimsan paasa, madalas paasa pa rin talaga.
Nasa kalagitnaan ako ng pagrereklamo sa utak ko nang may dalawang lamang lupa na dumating.
"Oh, hi Ervin and ?.."bati ni Ezzytrice.
"Michelle."ngiting-ngiti na pagpapakilala nung babae.
"Hi Michelle."bati ni Ezzytrice.
Nanatili ang tingin ko sa baso na may lamang tequilla nang magsalita sila.
"Can we sit here?"tanong ni Michelle.
"Oo naman, diba Lhierya?" Sa mga oras na ito, hindi na ko magtataka pag nabato ko ng sapatos si Ezzytrice.
Tinignan ko lang sila, nakita ko rin ang tingin ni Ervin sa akin. Sarap isigaw na wag ka nga tumingin, sarap tusukin ng mata mo.
Pagkatapos ko silang tignan agad din akong bumaling ng tingin sa mga nagsasayawan.
Tumayo ako atsaka nagsalita.
"Go lang upo na kayo, lamunin nyo pa kung gusto nyo eh. Punta lang akong dance floor."sabay baling ko ng tingin kay Ezzytrice.
Narinig ko namang humalakhak si Michelle habang papalayo ako sa kanila. Kapal talaga ng mukha.
Makikita nyo, i will have my new boy,ha!
As usual nagsimula naakong sumabay sa beat ng tugtog nang may lumapit na lalaki sa akin.
"Hi" bati niya na medyo lumapit pa siya sa tenga ko para marinig ko dahil na rin sa sobrang lakas ng music.
"Oh, Hi."sagot atsaka siya nginitian.
"Im Sonny."pagpapakilala niya habang sumasayaw kami.
"Lhierya here."sagot ko.
"So,how are---"hindi na natapos ni Sonny ang sasabihin niya nang may brasong pumulupot sa baywang ko at inilayo ako sa kanya. What the?!
"Sorry pre, Off Limits siya." Ani ni Ervin. Napaawang na lang ang bibig ko sa sinabi niya.
"Oh? Bakit? Ano mo ba siya?"tanong ni Sonny.
"She's my wife." Madiin na sinabi ni Ervin. Kumunot na lang ang noo ko.
"Ganun ba? Next time kasi bantayan mo, baka maagaw yan ng iba. Anyway Nice meeting you Lhierya."sabi ni Sonny atsaka tuluyang umalis
Bumaling ako ng tingin kay Ervin na matalim akong tinitignan ngayon. Problema nito? Diba dapat ako ang magagalit? Bakit siya?
"Dance with me." Sabi niya. It sounds like an order though.
Aamba na kong magwa-walkout nang bigla niya kong hatakin at yakapin. The Eff?
"Baby..." bulong niya na bahagyang kumiliti sa akin.
"Alam mo nung Bwisit Ervin? Minsan si Michelle, madalas ikaw."sagot na bahagya niyang ikinatawa atsaka mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.
"I'm sorry."puno ng sinseridad niyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Mean Girls In Disguise
Genç KurguMean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa kabilang banda, ang bawat isa sa kanila ay may mga kwento sa nakaraan nila naging dahilan kung ano si...