Mean 9

4.7K 115 11
                                        

Mean 9: The Amazona

Sabrina Lee's Point Of View.


"Kailan ba ang laban?" tanong ko kay Sareeya na kausap ko sa cellphone ngayon.

"Next Week daw daw Lady S"sagot niya.

"Sige, sabihin mo na din yan sa iba ng makapaghanda sila, bye na."sabi ko atsaka binaba ang tawa

May laban nanaman pala next week, ano kayang grupo makakalaban namin? Dark Royalties kaya? Sana lang..hindi na ko makapaghintay na isa-isahing patumbahin ang miyembro ng gang group na yan lalo na ang leader nila.

Naglalakad na ko ngayon pauwi galing sa eskwelahan na pinapasukan ko. Grabe lang! peste yung Professor ko kanina! Kung pwede ko lang I sak-sak yung chalk sa makapal niyang labi ,sa loob ng lungs niya ,ginawa ko na! peste! Kasalanan ko bang masyado siyang mabilis magsalita kaya hindi ko nasagot ng maayos yung tanong niya?! Lintek talaga siya! Nakakapang-gigil!

Ako nga pala si Sabrina Lee also known as Lady S ,pagdating sa parte ng mga gangster, ako din ang leader ng pumapangalawang grupo sa gang world ang 'Black and White Mask gang' ,oo pumapangalawa lang may pinaka una pa kasi sa amin ang pinakamataas ,ang grupong Tim Mc Trouble na hinahangaan ko noon nung hindi pa ko kabilang sa gangster world.hinahangaan ko talaga sila paano ba naman ang miyembro ng grupong yan? 3 lang sila! Isang lalaki at dalawang babae,sila nga din ang mya pinaka onting grupo sa gang world pero kahit ganun sila ang pinakamalakas.

Sila ang pinaka madaming puntos ng panalo pagdating sa mga gang fight ang bawat isa sa kanila ay kayang talunin ang limang tao ng solo lang nila.

Ang grupo ko ay 'Black and White Mask Gang' pangalawa kami sa Tim Mc Trouble lima kami sa grupo ako ang leader ,LADY S yan ang tawag nila sa akin.

Hindi naman ako noon ganito madaming dahilan kung bakit pinasok ko ang bagay na ito..

Habang naglalakad ako nakasalubong ko ang isa sa members ng 'Lady Gaga's Gang' , si Chelsea na dating member namin pero lumipat siya...

Nagkatinginan kami pero walang pansinan.

Naiinis ako! Ano bang nagawa ko sa kanya?

Best Friends naman kami dati ah?! Pero ngayon kung ituring niya ko parang mortal na kaaway niya. Kasalanan ko bang sa akin nagkagusto yung taong mahal niya? Ni hindi ko na nga pinansin yun,para sa kanya.

Tapos in the end nang-iwan pa rin siya. Nakakainis yung mga kaibigan na iiwanan ka para lang sa mga lalaki nila. Pag hindi ako nakatiis dadalin ko siya dun sa lalaking yun at ipapasok ko ng buo sa bunganga niya para makasigurado siya na sa kanya talaga yun .

Napag-desisyunan ko na pupunta na lang muna ako ng Revenge bar para uminom.

Pagkapasok ko dun umorder ako ng isang basong Tequilla .

Nang may tumabi sa aking lalaki.

"Hey Sexy lady~"sabi niya tapos nung tono pa parang nangsi-seduce.

"Ayoko ng kantang yan."sabi ko sa kanya.

Nagtaka naman siya sa sinagot kaya napatanong din siya.

"Huh? Anong kanta?"

"Ayan! Yung Hey Sexy Lady mo! Oppa Gangnam style lang ang peg?!"sabi ko sa kanya sabay irap.

"Hahaha! Benta yun ah! Ang funny mo pala!"sabi niya habang tumatawa..ang babaw ng kaligayahan.

"I'm not joking so there's no reason for you to laugh, I'm dead serious I don't like that song."sabi ko.

"Oh, Alright then I will not sing it,anyway would you allow me to be with you?"sabi niya sabay naramdaman kong yung kamay niya nakapalibot na sa bewang ko.

Mean Girls In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon