Mean 1 : The Maldita
Mishalyn Argoso's POV
"Maam Misha? gising na daw po kayo tanghali na" narinig kong tawag sa akin ng aming yaya sa kabila ng aking precious door.
Ano naman kung tanghali na? Porket tanghali na kailangan gising ka na?
"Whatever Yaya ,mag-sawa ka sa kakatawag sa akin at kaka-katok dyan." sagot ko sa kanya.
Habang inaayos ko ang pagkakahiga, napatingin ako sa wall clock ko and SHOOT! 11:30 na! I remember! Mag-sha-shopping pala ako ngayon!
Tumayo na ko agad sa aking fabulous bed at inayos ang aking pretty face.
Pagkababa ko ayun sama ng tingin sa akin ni Kuya.
"Buti naman at naisipan mo pang gumising Mishalyn Agroso." cold na pagkakasabi ni Kuya Austin.
"Edi, okay...Oo nga buti ng at naisipan ko pang gumising, galing ko no?" sabi ko with full of sarcasm.
"Umayos ka nga ng mga sagot mo."
"Maayos ako sumagot, na-misinterpret mo lang ata yung way ng pakikipag-usap ko. It's normal for me, Kuya." sabi ko habang maayos na nilalagay sa pouch ko yung cellphone ko.
"Misha! Baka gusto mong i-cut ko ang allo---" bago pa niya matapos ang sinasabi niya, I cut him off agad.
"Ika-cut mo allowance ko? Go lang Kuya! I have my savings baka nakakalimutan mo, I have my own bussiness." that made him shut up.
Akala niya ah. Hindi na ko ang Misha na kayang-kaya nilang mapasunod dati, kung anong gusto ko nakukuha ko.
Lumabas na ko ng bahay at sa veranda namin ayun naka-upo at nagbabasa ng makapal na libro ang isa ko pang kapatid .
Lumapit ako sa kanya.
"Oh! The fault in our star by John Green. Himala kapatid nagbabasa ka ng ganyan? Love story? Iba na ata ang kinahiligan mo ngayon ah dati puro science book ngayon ganyan? Haha! baka naman nag-fi-feeling Augustus Waters ka na dyan para kahit man lang sa imagination mo may lovelife ka or let's just say meron kang Hazel Grace" sabi ko.
Napayuko siya nun at dahan-dahang isinarado ang librong binabasa niya.
Sabi ng iba, napaka mean ko daw sa mga kapatid ko, ano naman?
Yun lang kasi nakikita nila, yun lang ang alam nila. Mahirap kasi sa mga tao ngayon, once may nakita sila sayong ginagawa mo tapos hindi pa maganda, huhusgahan ka na agad na yun ang buong pagkatao mo.
Gosh, judgemental people.
They only know my name, the attitude that I'm showing, but they don't know my story.
Iniwan ko na ang kapatid kong nakayuko at mukhang napahiya nanaman sa akin.
I get in to my car. Sa wakas makakalayo na rin ako sa mga kapatid kong iyon.
Si Kuya Austin, strikto siya, gusto niya lahat tama ,sa totoo lang takot talaga ako sa kanya , pero dati yun.
Dahil ngayon kaya ko na siyang pantayan at si Yoobi ang bunso. 1 year lang ang tanda ko sa kanya. Nerdy siya, may makapal na eyeglasses na akala mo sobrang labo na ng mata, may pang 80's na hairstyle pati damit.
Hindi ko sila parehong ka-close. In fact, I hate them, well that's along story to tell.
Nakarating na ko sa mall, pumunta muna ako sa starbucks doon kasi meeting place namin ng friend ko.
"My Ghaaaad! Misha! You're late! I almost waited for an hour here!" sabi ng maarte kong kaibigan, kung hindi ko lang talaga to kaibigan malamang kinuha ko na itong mocha frappe na nasa harap ko ngayon at tinapon sa kanya.

BINABASA MO ANG
Mean Girls In Disguise
Teen FictionMean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa kabilang banda, ang bawat isa sa kanila ay may mga kwento sa nakaraan nila naging dahilan kung ano si...