Mean 44

1.3K 42 1
                                    

Mean 44: May Lovelife

Gwynette's Point Of View.

Announcement ngayon ng mga nakapasok sa honor and i'm so excited because i know i will be on the highest place!

I'm expecting to be the Valedictorian, Oh not. I'm not expecting. I deserve to be a valedictorian.

Afterall this school year was one of a hell year for me, nag transfer ako dito para mag-aral talaga and to get what i want para naman mapauwi ko ang parents ko sa bahay, para naman may dahilan sila para balikan nung anak nila dito sa Pilipinas.

Habang naglalakad ako papunta sa pila, nasalubong ko si Arielle kasama nung nga forever tagasunod niya.

"Oh, Gwynette the two faced bitch, kinakabahan ka ba?" Out of the blue niyang tanong sa akin.

"Bakit naman ako kakabahan?" Kalmado kong tanong kahit nang-iinit na ang dugo ko at gustong gusto ko na siyang ingudngod sa lupa.

"Bakit ka kakababahan? Because you see ngayong araw na ia-announce na mas magaling ako sayo."sabi iya sabay may effect pa na, nilalapit niya nung mukha niya sa akin. Drama nitong bruha na ito?

"Ah ganun ba? Tignan na lang natin."nanatiling kalmado ang sagot ko dahil maraming nakatingin sa amin.

Nilagpasan ko na siya atsaka ako sinalubong ng mga kaklase ko atsaka ako pinush up na ako daw abg maguging valedictotianat hindi daw si Arielle. Well i know. Hindi na bila kailangang sabihin, ang baho ng mga bunganga nila.

Nanatili akong tahimik na naghihintay sa kung sino mang bakulaw na teacher na yan ang mag-aannounce ng mga nakapasok sa honor. Naiinip na ko kaya napalinga muna ako sa iba't ibang direksyon at dun ko nasalubong ang mga ni Brix na nakatingin sa akin na agad kong inirapan.

Tinitingin tingin niya? Oo alam kong alam niya kung anong iniisip ko ngayon at kung anong ini-expect kong makuha ngayong araw dahil ito rin naman ang dahilan kung bakit ako nakipag break sa kanya bago ako pumasok sa school na ito.

Mga ilang minuto nang sa wakas ay dumating na rin ang pa importanteng teacher na ito.

"Okay, i will announce nung mga nakapasok starting 8th honorable mention hanggang sa valedictorian. Excited na ba kayong malaman?" Sabi niya. Bwisit, dami pang sinsabi, pa suspense pa hindi naman siya maganda.

Sinimulan niya nang i-announce sa mula 8th pataas , nung inannounce na nung 2nd honorable mention, natigil ang lahat at maraming nagbulong-bulungan, maging nung mga nakapasok mula 8 hanggang 3 eh nag-react.

Nung nakapasok kasi sa 2nd honorable ay pamangkin ng principal at oo hindi naman talaga siya karapat dapat diyan dahil sa nakita ko eh hindi naman talaga siya nagpursigi , puro landi lang ang ginawa niyan eh.

Pinatigil sa pag-iingay ang mga estudyante bago i announce nung first honorable mention.

"First Honorable mention, Brix Cari." Walang nag-react at puro palakpak lang, i see Brix should be in top.

Bahagyang nawala ang pagre-react bg mga tao dun sa 2nd honorable dahil salutatorian and valedictorian na ang i aannounce. Napakagat labi ako sa excitement. Ito na nung pinakahihintay ko! This is the only way para maging proud sa akin si Mom and Dad para umuwi sila para sa akin.

"Salutatorian is Gwynette Park!" Napahinto ako sa narinig ko. Teka--

Salutatorian?

May mga pumalakpak at may mga nag-react. Hindi ako makakilos, bakit salutatorian lang? Bakit?

"Ms. Park kindly go on stage." Sabi ni Mrs. Imperial.

Walang gana akong naglakad papunta sa stage, kung hindi ako ang valedictorian, sino? No, don't tell me...

Mean Girls In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon