Mean 49: Birthday Gift
Nopphire's Point Of View.
Tatlong araw na kong naiinis sa mundo at sa sarili ko. Kaya mas dumoble ang hindi ko pagsasalita sa loob ng tatlong araw puro tango at iling lang ang naisasagot ko sa mga taong kumakausap sa akin.
Ganito ba nung feeling?
Nung pakiramdam na narealize mong ehem ano, inlove ka? Kasi kung Oo, may gamot ba dito? Kung meron io-Overdose ko ang sarili ko.
Nung sa mall nung nakita ko si Orick na may kasamang iba , nawalan talaga ako ng gana kaya hindi rin nagtagal nun ay nagpaalam ako kila Misha na sumama pakiramdam ko. Sinisi pa nga ni Misha si Shaun eh baka kung ano namaman daw ang pinaggagawa kaya sumama pakiramdam ko pero sinabi ko namang walang ginawa si Shaun, kawawa naman eh. Under din pala siya kay Misha. Hindi pumapalag that time eh.
Nakakamiss pala.
Ngayon lang ako naniwala sa sinabi nila na kapag oras na nawala sayo nung taong hindi mo ganun pinapahalagahan ay saka mo lang mare-realize nung worth niya.
Sa tatlong araw na yun, dun ako nagsimulang humiling na sana totoo na lang nung relasyon namin ni Orick. Mahirap kasing lumaban kung wala naman kayong pinanghahawakan ng taong mahal mo.
Pero sana kasi diba bago siya nakipag date sa ibang babae ininform man lang ako na wala na kami, na tapos na nung pagku kunwari.
Nakaka frustrate naman talaga kasi! Ganun na lang ba yun? Pagkatapos ng lahat walang paalam siya na aalis tapos hindi ka kakausapin and the worst makikita mo na lang na may kasama siyang iba.
Tapos ang nakakainis pa.
Birthday niya ngayon! At wala akong panregalo! Gusto ko sana meron para kahit papaano man lang, may maiwan akong remembrance sa kanya.
Kakabigay lang din kasi sa akin ng invitation ni Rappiea, ito kasing bruha din na to! Nakalimutan daw niya kaya ngayon lang din daw niya naibigay.
"Kasi Rappiea! Bakit ngayon mo lang binigay? Hindi ko napaghandaan! Wala tuloy akong regalo tsaka ano na lang susuotin ko." reklamo ko.
"Bakit ka ba nag aalala dyan? Wala naman kayo diba? Kahit pumunta ka lang dun ayos na yun." Sagot ni Rappiea na nagpatahimik sa akin.
Ang hard ha.
Pero sabagay may point siya, hindi naman ako ang special visitor niya dun kung tutuusin. Nung babae na kasama niya, ayun. Yun siguro baka nga hindi niya rin ako pansinin eh pero paano naman nung pinagsamahan namin? Atleast man lang...friends kami diba?
Argh! Nakakainis naloloka na ko.
7:00 pm magsisimula nung birthday party niya. Semi formal iyon kaya nag dress ako na above the knee. Humugot na lang ako ng kung anong dress, hindi na ko na kailangang bonggahan, hindi naman niya ko papansinin at higit sa lahat maganda na ko. Mas lalo akong gaganda pag pinabongga ko pa.
Nagsuot din ako ng shades sa hindi ko malamang dahilan. Eh samantalang gabi na.
Lumabas na ko atsaka chineck ang phone ko, wallet, lipstick at foundation ko sa itim kong pouch partner na kulay sa itim kong dress.
Nakita ko na si Austin at Rappiea sa labas na nagku kwentuhan at tawanan. Naaalala ko tuloy pag magkausap kami ni Orick, hindi ako sumasagot nun pero may mga ginagawa siyang paraan mapasalita lang ako hanggang sa naging natural na kapag mag uusap kami, sumasagot na ko.
"Err..Ano yang suot mo? May patay?" Puna ni Rappiea sa suot ko.
"Fashion to no. Fashion." sabi ko.
"Bitter ka ba?" Tanong bigla ni Austin na ikinagulat ko. Wow! Alam pala ni Austin ang salitang yan?! Wow! Seryosong tao kasi ang tingin ko kay Austin dumagdag pa na naghahandle na siya ng business ngayon kaya hindi ko talaga expect alam niya din nung ganitong bagay. Ang OA ko na. Idol ko kasi si Austin, sakanya ko nga ata nakuha ugali ko eh.
Tinignan ko silang dalawa at napaisip ako.
"Iba talaga ang nangyayari sa tao pag inlove." sabi ko na ikinamula nilang dalawa kaya pinadali kong kinuha ang phone ko at pinicturan sila.
Nakarating kami sa venue ng party sa isang hotel ng mga around quarter to seven. Hindi pa nagsisimula pero halatang engrande at hindi rin ako nainform na white themed pala ang party na ito. Puro color white ang mga decoration at ang matindi pa lahat ng tao ngayon eh kulay white din ang suot! Ngayon ko lang napansin na white din ang suot ni Austin at Rappiea. Bakit hindi nila sinabi sa akin? Tapos nung tinanong ko ang dahilan nila eh nakalimutan nilang sabihin.
Pinagtitinginan tuloy ako kanina. Natural! Nung kontrang kulay ang isinuot ko. Sino ba kasing may sabing mag itim ako?
Tapos ang sama pa nitong mga kaibigan ko may kanya kanya kasi silang date na kasama well except for Sab na nasa ibang bansa ngayon at kay Gwynette na walang inatupag ngayon ay nung chocolate fountain.
Naiirita din ako dun sa grupo ng mga babaeng modelo na whichbi conclude na mga kaibigan ni Orick model din kasi dati si Orick kasi ay nagquit siya dahil mas kailangan daw niya munang asikasuhin ang business nila. Hassle daw kasi dun sa modelling company nila. Hindi naman niya pwedeng pagsabayin kasi ano daw mawawalan daw siya ng time sa akin nun kaya nag quit siya sa pagmo model pero baka bumalik na yun dun wala naman na kami eh.
Napag desisyunan kong pumunta munang comfort room para mag retouch. Hindi kasi ako mapakali mamaya mukha na pala akong haggard tapos bigla siyang dumating ugh. Nevermind pero pumunta pa rin akong comfort room.
Bago pa ako makapasok ng comfort room ay may nabangga akong babae.
"Sorry." Sabay naming sabi.
Natigil naman ako ng makita ko nung itsura nung babae. Siya nung kasama ni Orick sa mall!
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at alam kong medyo nainsulto siya dun.
"Excuse me?" medyo nananaray niyang sabi.
"Ah. Sorry." Tangi kong nasabi.
"Alondra! Hinahanap ka ni Orick." Tawag ng isang babae.
"Alright! Coming!" sabi niya at bago siya umalis ay nginitian niya ko.
Andyan na si Orick ? At hinahanap ni Orick nung babae? Ako kaya hinahanap din niya? Malamang hindi.
Nawalan tuloy ako ng ganang mag retouch.
Mabagal akong naglakad papuntabsa mismong venue ng party. Maganda nung babae, hindi man siya ganun kaputi kasi morena siya pero kitang kita nung magagandang features niya tapos mas lalo pa siyang gumanda dahil sa puting dress na suot niya.
The fudge? Bakit parang naiinsecure ako?
Sinuot ko muli ang shades ko. Madilim na nga mas lalo pang dumilim. Nakayuko akong maglakad. Bahala na kung mukha akong nagluluksa.
Uuwi na lang ako. Naiiyak na ako eh sa hindi ko malamang dahilan.
Patuloy lang ako sa paglalakad masyadong wala ang isip ko sabginagawa ko kaya hindi ko namalayang nasa pinaka madilim akong hotel na to napunta.
Tumingin ako sa paligid. Bakit wala akong makitang? Nung ilaw sa venue, asan na? Hala. May ba dito? Pero parang wala naman. Wala akong maramdaman na puno eh.
Naliligaw na ata ako!
Sisigaw na sana ako ng tulong nang may spotlight na tumapat sa akin at sa lalaking nakaitim na tuxedo sa harap ko ngayon.
"Orick?"
Kunot noo ko siyang tinignan. Teka hindi ko masink in tong nangyayari ah.
Lumuhod siya bigla at may nilabas na maliit na pulang box. Napatakip ako ng bibig ko sa sobrang gulat ng nakita ko ang laman nun.
"This time i will it real, no lies, no pretending just pure truth and loyalty. Will you marry me Nopphire Yadao?"
Naluluha ko siyang tinignan.
I guess?
may birthday gift na ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Mean Girls In Disguise
Novela JuvenilMean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa kabilang banda, ang bawat isa sa kanila ay may mga kwento sa nakaraan nila naging dahilan kung ano si...
