Mean 45: Value
Gwynette's Point Of View.
Graduation Day.
Araw na hinintay ko akala ko kasi darating sila, hindi pala.
Nailaban ko ang pagiging Valedictorian ko, napasa ko nung kulang na quiz kaya inayos nila ang grade ko. Akala ko pag nailaban ko yun , uuwi sila pero hindi pala.
Nakipag-skype ako sa magulang ko ng maabutan ko silang online, masaya kong hinatid sa kanila ang balita na valedictorian ako at excited na kong umuwi sila para sabitan ako ng medalya. Akala ko matutuwa sila, akala ko finally uuwi na sila para sa akin pero hindi pala may excuse pa rin sila.
"Sorry, hindi ata kami makakauwi dyan para sa graduation mo, nung araw na yun pipirma ang ate mo sa isang entertaiment eh, dahil finally! Natanggap na siya! Magsisimula na ang career niya!"
Yan ang sabi nila sa akin. Buti pa si Ate lagi siyang sinusuportahan eh ako? Minsan lang akong humiling, hindi pa tinupad. Itong araw lang na ito ang hinihingi ko, pinagdamot pa.
Hindi ko nga alam kung matutuwa pa ko dahil valedictorian ako eh, aanhin ko ito kung walang magsasabit sa akin ng medalya?
Mag-isa lang ako ngayon, pinapila na kami dahil magsisimula na ang ceremony.
Lahat sila kasama parents nila at proud na proud dahil ga-graduate na ang anak nila. Napapikit ako lalo na ng may marinig ako.
"Nasaan ang magulang niya? Bakit wala? Siya pa naman ang Valedictorian. Kawawa naman." Hindi ko na inabalang tignan pa kung sino man ang nagsabi nun.
Nakakapagod na. Ang dami kong sinakripisyo para dito, nakipaghiwalay ako kay Brix na boyfriend ko noon dahil tingin ko ay makakasama lang siya sa pag-aaral ko, pineke ko ang sarili ko, na numg sa dati kong school nagagawa kong magtaray at magsuplada nung nag transfer ako dito tinago ko ang ugali kong iyon, nagpaka plastik ako sa lahat kahit na ayoko sa kanila, nakitungo ako ng maayos para lang hindi masira ang records ko at para maging valesictorian, para maging proud sa akin ang magulang ko at maalala man lang nila na may anak silang naiwan dito.
Nagsimula nang mag martsa, nilakasan ko ang loob at nakakatawa pa kasi ako nung pinakahuling pupunta sa upuan na kasama sana ang magulang, iisipin ko na lang na fashion show ito, kaya mag isa akong maglalakad.
Nang halos makapunta na ang lahat, naglalakad na rin ang Salutatorian which is si Arielle, nang mapadako ang tingin nila sa akin, nag simula silang magbulong- bulungan kung bakit wala akong kasama, hindi ko na lang pinansin.
Bumuntong hininga ako bago magsimulang maglakad nang may dalawang taong tumabi sa tabi ko.
"Late na ba kami ng Mommy mo?" Tanong sa akin ni Shaun.
Napakunot ang noo ko nang makita ko si Shaun at Misha sa tabi ko.
"Kami muna parents mo ngayon." Malamig na sabi ni Misha.
"Yeah, we're a happy family today."natatawang sabi naman ni Shaun.
Napailing na lang ako at nagsimulang maglakad kasama sila.
Sila na rin ang naglagay ng medalya sa akin at sa Valedictorian speech , simpleng pasasalamat at onting kwento lang ang sinabi ko, dahil wala akong gana.
Kung nandito sila, may saysay sana lahat ng sinabi ko.
Maraming nagpa-picture sa akin, lahat ng mga taong plinastik ko buti pa itong mga to nandito para suportahan ako, nakakaguilty tuloy.
Nasa isang sulok ako ng lapitan ako ni Brix at ng mga magulang niya.
"Congrats iha!" Bati ng mga magulang niya sa akin atsaka kami pinagtabi para sa isang picture.
Pagkatapos noon ay iniwan muna kani ni Brix ng mga magulang niya.
Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Brix.
"Sorry."sabi niya bago bumitaw at tuluyan siyang umalis. Hindi ko alam pero bumigat ang pakiramdam ko sa pagtalikod niya.
Lagi akong tumatalikod sa lahat oara sa isang bagay na gusto kong makuha kahit sino kaya kong talikuran paravlang sa bagay na iyon pero ang sakit pala pag tinalikuran ka ng taong minsan kang pinahalagahan pero tinalukaran mo lang siya noon at ngayon ganon ang ginawa niya sayo.
Well, i guess tinatamaan na ko ng karma.
"Oh bakit hindi maipinta yang mukha mo?" Salubong sa akin ni Shaun pagkabalik nila ni Misha sa akin.
"Wala."sabi ko at umiwas ng tingin.
Nilapitan ako ni Misha at hinarap.
"This is your day dapat masaya ka." Sabi ni Misha sa akin.
"Paano ako magiging masaya kung wala sila?" Sagot ko sa kanya at napapikit dahil nagbabadya ng tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Wag mo nang ipilit ang mga taong hindi ka naman vina- value, Oo mahalaga talaga sila para sayo pero ikaw mahalaga ka ba para sa kanila? Kasi kung Oo nandito dapat sila para sayo kaso wala sila eh. Wag kang umiyak dyan panget ka na nga mas lalo ka pang magpapanget. Hindi sila worth it ng luha at uhog mo tumigil ka na dyan, oh ito tissue mamaya lumabas nung kulangot mo niyan."sabi ni Misha atsaka hagis ng tissue sa akin. Napatawa ako. Walang hiya ang sakit ng sinabi niya ah.
"Ito talagang mag-ina ko." Biglang sabi ni Shaun atsaka hinatak kaming dalawa ni Misha at niyakap.
Pareho namin siyang tinulak ni Misha.
"Yuck, lumayo ka nga!" Sabi ni Misha kay Shaun.
Napakamot ng ulo si Shaun sabay aambang aalis.
"Edi lalayo." Seryoso nitong sabi at nagsimula ng maglakad palayo sa amin ni Misha.
Laglag panga namin tinignan ang inakto ni Shaun, seryoso siya?
Natauhan si Misha kaya agad niyang binato ang hawak niyang mineral bottled water sa direksyo ni Shaun na tumama sa ulo nito kaya malakas na napa 'aray' si Shaun.
Bumalik agad siya sa amin aamba na yayakapin si Misha na naghahandang umiwas na kaya binalaan siya ni Shaun.
"Iiwas ka? Sige lang, totohanin ko na ang paglayo sayo."sabi nito kaya walang nagawa si Misha kundi ang magpayakap kay Shaun.
Napa-iling na lang ako sa kanilang dalawa.
Value? Sa tingin ko nung mga taong dap mong i-value ay nung mag taong unexpected na darating para samahan ka, nung mga taong hindi nagbigay ng warning signal na darating sila para sayo at once na dumating sila, you should value them dahil rsre na lang ang mga taong ganyan.
Sa mundong to kung sino pa nung pinapahalagahan mo sila pa nung walang pakealam sayo at nung mga taong hindi mo masyadong pinapahalagahan. Ironic world.
Sa lahat ng taong iva value ko simula ngayon, kasama silang dalawa, mga kaibigan ko na feel na feel ang pagiging pangalawang magulang ko.
BINABASA MO ANG
Mean Girls In Disguise
Novela JuvenilMean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa kabilang banda, ang bawat isa sa kanila ay may mga kwento sa nakaraan nila naging dahilan kung ano si...
