Mean 21

2.3K 62 0
                                    

Mean 21: Ezzytrice & Sean



Lhierya's POV.




Tahimik lang kami sa kotse hanggang sa makarating na kami sa resort nauna siyang bumaba tapos pinagbuksan na rin ako ng pinto tapos ayun dumiretso na siyang naglakad. Problema nun?



Sinalubong naman agad ako ni Ezzytrice.




"Lhierya! anyare? bakit nung bumalik nung kotse ko dito hindi na ikaw nung nagdadrive? kundi nung pesteng sean na yun na nung nagdadrive?"tanong ni Ezzytrice habang nakapameywang at may iritadong mukha.



Hindi ko siya sinagot dumiretso na lang akong maglakad.Wala ako sa mood makipag-usap Gusto kong magpahinga.Nakakapagod din kayang magdisguise.



Pumasok na ko sa loob sabay akyat. Bubuksan ko na sana nung pintuan ng kwarto ko nang may biglang humatak sa akin sabay niyakap ako.



"Help Me. I want her back. I really love her"mahinang sabi ni Ervin



Napapikit na lang ako ng mata ko.


Mukhang wala na kong choice.



"Ill Help you."pagkasabi ko nun mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.



"thanks"











***


Ezzytrice's POV.









"Lhierya! anyare? bakit nung bumalik nung kotse ko dito hindi na ikaw nung nagdadrive? kundi nung pesteng sean na yun na nung nagdadrive?"tanong ko kay lhierya nung pagkalapit ko sa kanya kasi kakababa niya lang ng kotse ni Kuya Ervin.








Pero ayun wala ata sa mood ang bruha at nilampasan na lang ako. Ang weird huh. Pati din si Kuya Ervin ni hindi man lang ako kinibo kanina tapos parang mukhang may problema pa. Puro sila Problema. Ano ba Problema  nila?







"Trice Bebs koooooo!"narinig kong tawag ni sean sa akin.Isa rin ito ang Problema ko -_- kaya medyo binilisan ko ang lakad.kunyari hindi ko siya naririnig pero ang tangkad kasi ng tao na ito eh kaya ayun naabutan ako.Hinawakan niya ko sa balikat sabay hinarap niya ko sa kanya.







"Bebs may problema ka ba?"tanong niya with a worry face.







"meron,Ikaw"sagot ko agad.






"Yieee! naks naman si Bebs! pumipick-up ka ba? alam ko na yan eh. I know ako nung Problema mo. Problema mo ng puso mo kasi alam ko pag nasa tabi mo ko malakas ang heartbeat mo nung tipong kinakabahan ka pero ang totoo kinikilig ka kasi kasama mo ko.Isa lang ang ibig sabihin niyan bebs! Inlove ka na sa akin! natatakot ka lang umamin! yun nung problema mo natatakot ka na baka mareject kita.Oh well bebs dont worry mutual feelings tayo! I love you too bebs!"sabi niya sabay ngumuso tapos nilalapit niya nung mukha niya sa akin. Anak naman ni Pucca na lola ni Spongebob. Tulong! Rapeeeeee~! Joke XD






Hinarang ko nung palad ko sa mukha niya.






"letche ka! wag ka feeler"sabi ko. Andami niyang sinabi ah.







"hahaha joke lang naman bebs pero less worry ka na at ako kasi i know in the end tayo din magkakatuluyan.Remember i am now your fiancee?"tapos bigla siyang nag smirk. Bakit ba kasi nauso dito sa wattpad ang arrange marriage? at pati ako naging biktima nun!






ako at si sean ay inarrange ng mga magulang namin. How dare they diba? pero at the same time okay na din. atleast hindi na ko mahihirapan humanap ng mapapangasawa ko hahaha joke lang! I never been inlove kasi kaya parang okay lang sa akin kung i arrange marriage ako ang ayoko lang sobrang kulit kasi ni sean nakakainis parang bata.





Simula nga ng pumasok yan sa buhay ko nasisira na ang poise ko as bratinella dito sa mean Girls nagiging highbloob na ko palagi eh -_-






naglakad-lakad muna ako sinabayan na rin ako nitong epal na ito.






"bebs naman hindi mabiro"sabi niya.






"tse"sagot ko daming kaartehan nitong tao na ito.






"bebs alam mo ang saya saya ko"biglang seryosong sabi niya.







napatingin naman ako sa kanya. Okay Anong Kadramahan nanaman ito?




dahil napagod na din akong maglakad umupo muna ako sa buhangin.Tapos ganun din siya umupo din.wala na siyang ibang ginawa kundi sundan ako hindi ba siya napapagod?




"ang saya saya ko kasi binigyan ako ng chance na makasama ka.Alam mo ba nung sa starlight ako nag-aaral noon 4th year na ko nun tapos ikaw 3rd Year nung flag ceremony nun tapos pinakilala ka ng principal sa buong campus kasi nga anak ka ng may-ari nun ewan ko hindi ko malimutan nung mukha mo nun hanggang pagtulog ko ng araw na yun pati nga sa panaginip ko eh nung mukha mo pa rin ang nakikita ko.Na love at first sight ata ako sa yo nun"sinasabi niya yun habang mukhang tangang nakangiti.




"Corny mo ah"sabi ko.




"Corny na kung corny Limited edition na nung ganitong klase ng lalaki sa mundo nuh nung gwapo na mayaman na malakas ang charms and higit sa lahat hindi natatakot na sabihin dun sa taong mahal niya nung mga bagay na nararamdaman niya kahit pa ang corny niya na. kaya swerte ka bebs nakuha mo ko"ang yabang talaga nito!



"last mo na yang kayabangan mo ah?"




"hahaha pero bebs seryoso..."huminto siya sa pagsasalita sabay hinawakan nung kamay ko at hinarap nung mukha ko sa mukha niya.



Pipiglas na sana ako ng magsalita siya




"Please Ezzytrice Give me 2 weeks na i prove ko sayo ang sarili ko na karapat dapat mo kong pakasalan. nasayo kung satisfied ka o hindi. nasayo kung gusto mo bang magpakasal sa akin o hindi.ikaw ang magdi-desisyon. Let me prove myself to you"seryosong sabi niya.

Mean Girls In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon