CHAPTER 1

300 5 1
                                    


           
  - MAKALIPAS ANG LIMANG TAON -

Roxie's POV

Makalipas ang limang taon naging mabuti naman ang kalagayan namin pilit kaming dinadala ni Menandro sa bahay niya kaso di ako pumayag dahil di ko iiwan yung bahay na pinaghirapan ko! ganun parin yung kalagayan ng anak ko wala pa rin siyang maalala malliban lang kay Tristan at Olga, dahil nga sa tulong ni Menandro nakapagtapos ang anak ko noong nakaraang apat na taon dahil gusto ni Menandro na makapagtapos din yung bunso ko, minsan pag magkatabi kaming natutulog nagigising ako dahil binibigkas niya ng paulit ulit yung pangalan ni Ethan natatakot ako na baka maalala niya si Ethan dahil alam kong babalikan na naman niya yung batang yun! Kamusta na kaya si Ethan? Siguro may pamilya na yung batang yun, Kasalukuyan akong nandito sa kusina naglilinis at nandun sa sala si Margaux tinutupak na naman!
" Nayyy sige na Nayyyy " Wika niya
" Tigil tigilan mo ko Margaux ha sinabi ko sayo na sa susunod na! May hawak pa naman akong walis tambo dito baka maihampas ko to sayo " Wika ko
" Palagi nalang si Kuya binibilhan mo ng mga damit at kung ano ano tapos ako hindi! Si Kuya papaglinisin mo buong bahay tutal siya lang naman binibilhan mo bahala kayo di ako na maglilinis dito "Wika niya habang nakahiga sa sofa
" Menandro tingnan mo tong si Margaux oh tinutupak na naman "Sigaw ko
" Margauxxx ano na naman nangyayari sayo ha "Sigaw ni Menandro sa taas
" Ito kasi si Nanay Tayy "Sigaw niya
Ewan ko ba kung san minana ni Margaux yang ugali niya ! Magugulat ka nalang dahil tutupakin bigla
" Buntis ata tong si bunso Nay araw araw kasing may topak HAHAHAH "Tawa ni Ares
" Paepal tong Zodiac sign na to kala niya nakakatawa siya "Wika ni Margaux
" Iba naman yung Ares sa Aries eh HAHAHAH "Tawa ni Ares
" Aresss!! Alam mo namang may topak inaasar mo pa "Saway ko
Napatahamik naman si Ares at lumapit ako kay Margaux, umupo ako sa tabi niya at kinausap ko siya
" Sa susunod na kita bibilhan pag nagsweldo ulit si Nanay tsaka anak magtrabaho ka na para magamit mo naman yung pinag aralan mo! Di ka ba naboboring dito sa bahay? Kasi kung ako sayo magtratrabaho talaga ako para mabili ko mga gusto ko! Tsaka kung magswesweldo ka na sayo na lahat yun "Wika ko
" Magtratrabaho lang ako kung kasama ko si Kuya Nay "Wika niya
" Baliw ka talaga e no?! Alam mo namang seaman yang Kuya mo tapos ikaw iba yung pinag aralan mo tapos gusto mo ring magtrabaho sa pinagtratrabahuan niya "Wika niya
Nakita ko namang bumaba si Menandro at lumapit siya samin! Napatahimik naman si Margaux at umupo ng maayos
" Di mo na kailangan maghanap ng trabaho o sumama sa Kuya mo! Tanggap ka na dun sa kompanya ni Dominggo dahil kaibigan ko yun! Nasayo nalang kung kelan ka papasok "Wika ni Menandro
" Poo?!! "Gulat ni Margaux
" O yun naman pala e! May trabaho ka na "Wika ko
" Pero Nay di ko po kasama si Kuya!!! "Reklamo niya
" Bakit?!! Di ka ba makakalakad kung wala yang Kuya mo?! Di ka ba makakapagtrabaho kung wala yang Kuya mo?! "Tanong ko
" Aiiisshhhh "Kamot niya sa ulo niya
" Sama ka kay Tatay bukas pupunta tayo sa kompanya ni Dominggo "Wika ni Menandro
Dahil nga sa palubog na yung araw agad akong lumabas para linisan yung Garden ko! Maya maya pa'y biglang bumukas yung gate namin at nakita kong pumasok si Olga!
" Magandang hapon po Nay nandyan po ba sa loob si Margaux?! May kailangan lang po akong sabihin sa kanya "Wika niya
" Puntahan mo nalang sa kwarto niya, tingnan mo muna kung lumamig na ulo nun tinupak yun kanina "Wika ko
" HAHAHA opo Nay "Wika niya
Agad naman siyang naglakad at pumunta sa loob ng bahay namin! Noong nakaraang linggo nakita ko si Gabriel sa mall at May dala siyang bata ewan ko kung anak niya ba yun o pamangkin lang niya malaki rin yung pinagbago ni Gabriel ibang iba na siya ngayon kesa noon! Sigurado akong nandito na rin si Ethan sa Pinas dahil maging si Louise ay nakita ko rin sa isang birthday party kasama si Romeo!
" Nayyy "Tawag sa likod ko
Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Margaux at Olga kaya inihinto ko muna pagwawalis at humarap sa kanila
" Bakit?!! "Tanong ko
" Gusto ko sanang gumala kasama si Olga pwede po ba?"Tanong niya
" Kung pumayag Tatay mo papayag ako pero kung hindi, hindi rin!! Teka! Halos gabi gabi nalang kayong gumagala ah saan ba kayo nagpupupunta?"Tanong ko
" Kela Tristan lang po "Sagot niya
" Pag nalaman kong may boyfriend ka na malilintikan ka sakin bata ka "Wika ko
" Lahh si Nanay! Tsaka ano naman po kung may boyfriend na ako nasa tamang edad naman ako eh "Wika niya
" Nay, may gagawin lang po kami dun kela Tristan tsaka uuwi agad kami ng maaga "Wika ni Olga
" Bahala nga kayo sa buhay niyo ! Sige na alis na kung aalis kayo "Wika ko
Agad naman silang nagsitakbuhan palabas at pumasok na ako sa loob! Nakita ko namang nanood si Ares ng basketball hinayaan ko lang siya at pumunta na sa kusina para magluto! Ikwenento rin sakin ni Olga kung sino si Edrian at nalaman kong si Raprap pala yun at mas ikinagulat ko nung malaman kong kambal siya ng dati kong inaalagaan! Naalala ko bigla na siya yung naghahanap sa anak ko nung naaksidente pa nun si Margaux .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT S2 (Completed)Where stories live. Discover now