Margaux's POVKasalukuyan akong nakahiga habang tulog pa si Ethan kaya kinuha ko nalang phone ko at nag online saglit ! Dami yung chat sakin ni Ryan kaso di ko pinapansin baka bugahan na naman ako ng apoy ni Senorito ! Inilagay ko sa mesa yung phone ko dahil nagugutom na ako kaya yinugyog ko si Ethan
" Tann "Yugyog ko sa kanya
Kumilos naman siya at itinakip yung unan sa tenga niya aba aba aba mukhang ayaw magpa-istorbo ah
" Ethan timplahan mo ko gatassss "Yugyog ko ulit
" Yanyan ikaw nalang inaantok pa ako eh "Wika niya sa ilalim ng unan
" Gusto mo bang mapilayan? Sige naaa "Inis ko
Napahampas naman siya sa unan at bumangon ito kita ko namang magkasalubong kilay nito habang nakatingin sakin
" Bilisan mo ha "Wika ko
" Oo na "Wika niya
" Bat galit ka? Inuutusan lang naman kita ah "Wika ko
" Kala mo babae eh sarap pektusan "Bulong niya
" Anong sabi moo? "Tanong ko
" Walaaa "Sagot niya
Kakainis talaga yung lalakeng yun pag siya inuutusan ko daming reklamo pero kung siya makautos sakin wagas tigas ng mukha ! Napatingin ako sa paa ko dahil parang namamaga kahapon pa to eh paghinahawakan ko di naman masakit ! Tumataba na ba ako? O baka ano lang to hays ayoko ng isipin yan ! Maya maya pa'y bumukas yung pinto at pumasok si Ethan dala yung gatas lumapit naman ito sakin at magkasalubong pa rin kilay
" Ayan na "Wika niya
Inilagay ko yun sa side table at humiga siya sa kama bumangon ako at pumatong sa kanya
" May topak ba si Tantan? "Lambing ko
Kinuha naman niya yung unan at itinakip sa mukha niya ! Ayaw mo kong pansinin ha?!
" Nagchat sakin si Ryan sabi niya magkita daw kami sa Mall dahil ililibre niya ako mamaya "Pagsisinungaling ko
Agad naman niyang tinanggal yung unan sa mukha niya at pinokpok ng mahina yung noo ko
" Sige sumama ka di mo na talaga ako makikita "Wika niya
" Bakit? San ka pupunta? "Tanong ko
" Umiwas ka nga "Tulak niya sakin
Dahil sa tinutulak niya ako yinakap ko nalang siya para di niya ako matulak
" Ang aga aga may topak na "Wika ko
" Iwas sabiii nakakai - - - "
Agad ko siyang hinalikan para mawala topak niya ! Isang minuto ko siyang hinalikan dahil alam kong ito lang yung gamot sa topak niya
" Ano? May topak ka pa? "Tanong ko
" Meron pa "Sagot niya
" Sinungaling "Wika ko
Humiga ako sa dibdib niya at rinig ko kung pano tumibok yung puso niya !
" Margauxxx bangon na kayo dyan mag almusal na kayo dito "Sigaw ni Tatay sa baba
" Opo babangon na "Wika ko
" Mamaya na tayo bumangon gusto kong kayakap ka "Wika niya
Bigla naman niyang hinawakan magkabilang pisngi ko at ngumiti ito ! Baliw lang?
" Nakss tumataba na yung Yanyan ko ahh "Wika niya
" Ha? "Takang tanong ko
" Tingnan mo yung pisngi mo may laman na ! Sa wakas tumaba ka na rin "Wika niya
" Sigurado ka? "Tanong ko
" Oo naman "Sagot niya
Napahawak ako sa pisngi ko at parang wala namang laman ! Niloloko lang ata ako ng lalakeng to eh pero yun din yung sabi ni Matet at Olga eh na tumaba daw ako
" Sabi ko na nga ba tataba ka pag ako kasama mo "Wika ni Ethan
" Ethan ayokong tumabaaa "Wika ko
" Bakit naman? Mas maganda yung tumaba ka kesa naman payatot ka habang buhay "Wika niya
Pano kaya ako naging mataba? Kunting kanin lang naman kinakain ko tsaka puro ako tinapay
" Yanyan aalis na kami bukas "Wika ni Ethan
" O ano naman? "Tanong ko
Kinuha ko yung gatas at ininom yun baka masayang lang to humiga ulit ako at tumabi kay Ethan
" Ano naman kung aalis kayo nila Sir Domingo? Wala namang hahadlang sa inyo "Wika ko
" Dalawang araw kami dun eh "Wika niya
" Tapos? "Tanong ko
" Syempre dalawang araw yun tapos wala ka dun, pagbigyan mo naman ulit ako Yanyan gawa ulit tayo ng baby "Wika niya
Napatawa nalang ako dahil sa mukha niya kala mo bata eh HAHAHA ito na sinasabi ko eh kaya nga ayaw ko nung una dahil alam kong hahanap hanapin na yun ni Ethan
" Sa susunod na katatapos lang natin Tantan "Wika ko
" Matagal na yun kailangan na nating sundan yun "Wika niya
" SA SUSUNOD NA "Diin ko
" Kakainis naman to ! Normal lang satin yun "Wika niya
" Isusumbong kita kay Tatay "Wika ko
" Kainisss "Kamot niya sa ulo niya
Hinila ko na siya para bumangon niligpit muna namin yung hingaan namin at lumabas na ! Katatapos lang namin tapos gusto na niya naman? Abay matindi HAHAHA!
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dahil sa wala kaming pasok naglinis nalang kami dito sa condo ni Ethan ! Ang daming kalat jusko pati mga brief ng lalakeng to nagkakalat sarap sunugin lahat para wala na siyang magamit ! Kala niya ganito yung lalakeng gusto kong mapangasawa? Manigas siya kung ipapatuloy niya tong katamaran niya ! Nawala lang ako ng ilang araw dito ang kalat na sobra! Dahil sa marami yung labahan niya binigyan ko siya ng sabon at powder para siya yung maglaba kala niya makakatas siya sakin ha ! Dun siya naglaba sa banyo niya dahil dun daw niya gusto ! Ayokong pumasok dun galit na galit sakin eh HAHAHA, ako yung naglinis dito sa sala niya pati dito sa kwarto niya
" Sabooonnn "Sigaw sa banyo
Napahinto ako sa paglilinis at pumunta ako sa banyo dinala ko yung walis tambo para maihampas ko to sa kanya
" Sabon sabiii "Inis niya
" Kinakain mo ba yang sabon? Ilang damit pa lang naman yung nalabhan mo tapos wala ng sabon? "Tanong ko
" Gusto mo ikaw maglaba dito? Ha? "Tanong niya
" Aba lumalaban ka na sa master mo ah "Wika ko
" Yanyan may washing machine naman dun eh yun nalang gamitin ko masakit na sa kamay "Reklamo niya
" Masakit na yung kamay mo? Kawawa naman si Tantan ! Parusa yan sa katamaran mo di ka gagamit ng washing machine kamay gamitin mo "Wika ko
" Pag ako talaga matapos dito magtago ka bakla ka ! Nasan na yung sabon?!! Ang bagal "Galit niya
Pinalo ko siya ng walis tambo at napahawak naman siya sa hita niya HAHAHA lumabas na ako sa banyo para kumuha ng sabon ! Binigay ko sa kanya yung sabon at kita kong masama tingin nito sakin
" Pag may nakita akong mantsa mamaya lalabhan mo yan ulit "Wika ko
" Pag natapos din ako dito magtago ka rin ikaw lalabhan ko bakla ka kakainis ka "Inis niya
" I love you Tantan HAHAHA "Tawa ko
Lumabas na ako sa banyo niya at pinagpatuloy yung paglilinis sa sala at kwarto niya ! Hay nako Ethan sabi mo magbabago ka na pero bat dala mo pa rin yang katamaran mo? Umupo ako sa sofa dahil biglang sumakit ulo ko napatakbo nalang ako sa lababo dahil sumama timpla ng tyan ko uminom agad ako ng tubig dahil nasusuka ako
" Yanyan okay lang dyan "Wika ni Ethan sa banyo
" Ha? Ahh Oo okay lang ako "Wika ko
Pagkatapos kong uminom nagpahinga muna ako ! Inilagay ko muna sa gilid yung walis tambo at nagpahinga na hayyy ano ba to? Bigla bigla nalang sasakit ulo ko ! Tinawagan ko si Olga para magpasama sa hospital gusto kong magpacheck up dahil ilang araw ko na tong nararamdaman di ko lang sinasabi kay Ethan dahil mag aalala yun sakin .