CHAPTER 15

72 4 0
                                    


Margaux's POV

Dahil sa wala kaming pasok ngayon napag-isipan kong dito lang ako sa bahay para may uutusan si Nanay wala kasi dito yung maid namin umuwi muna dahil may sakit anak niya ! Sabi naman ni Kuya uuwi siya ngayon dahil di tuloy trabaho nila ! Si Tatay naman busy dahil kailangan nila matapos mga gawain nila bago sumapit ang pasko ! Mukhang malungkot yung pasko ni Olga dahil balita ko aalis na naman daw sila Nanay Teresa(Nanay ni Olga) papunta sa probinsya pwede namang dito nalang si Olga magpasko samin eh dahil kapatid ko na siya ! Naglinis nalang ako dito sa sala dahil natutulog pa si Nanay gusto ko sanang papuntahin dito si Olga para magpatulong kaso nasa trabaho siya ! Di ko alam pero isang araw palang dun si Ethan namiss ko agad siya wala kasi akong kaaway eh
" Nakkk "Sigaw ni Nanay sa taas
" Poo "Sagot ko
" Timplahan mo nga ng gatas si Nanay "Wika ni Nanay
" Wait lang po "Wika ko
Inilagay ko muna sa gilid yung walis tambo at pumunta sa kusina para timplahan ng gatas si Nanay ! Umakyat ako at pumasok sa kwarto ni Tatay
" Ito na po Nay "Wika ko
Umupo ako sa kama at tiningnan ko si Nanay napatingin ako sa tyan niya at hinawakan ko yun
" Di na ako makapaghintay Nay na lumabas tong dalawang anghel sisiguraduhin kong ako tagapagtanggol nila "Wika ko
" Yun din ang sabi ng Tatay mo anak di na daw siya makapaghintay "Wika ni Nanay
" Sa wakas may tutulong na din sakin "Wika ko
Napatawa naman si Nanay at hinalikan ko yung tyan niya lumabas ako para ipagpatuloy yung paglilinis ko sa baba
" Booo "Wika sa likod ko
Dahil sa gulat napahawak ako sa dibdib ko agad kong pinalo si Kuya gamit yung walis tambo napahawak naman siya sa hita niya
" Papansin tong Ares na to eh "Wika ko
" Ares lang tawag mo sakin? Sumbong kita kay Nanay "Wika niya
" Ikaw naman tong nangunguna "Inis ko
" Porket wala dito si Ethan ang init agad ulo mo no? Ireto nalang kita sa mga kaibigan ko? Ano? Gusto mo?"Tanong niya
Hahampasin ko na sana siya ng bigla siyang tumakbo papunta sa taas
" Sumbong kita kay Ethan lumalandi ka na dito ha porket wala siya mamaya ka "Wika niya
" Subukan mo lang di ka makakakain mamaya "Wika ko
Tumawa naman siya at pumasok na sa kwarto ni Tatay kala niya nakakatuwa siya eh siya yung isusumbong ko kay Ethan paepal sobra
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Di ko alam pero sa twing nakikita ko si Ethel kumukulo agad yung dugo ko pansin ko rin na di na niya kasama si Odette baka nag away yung mga demonyo
" Tingnan mo nga naman nakasalubong ko na naman tong hampaslupang to "Wika niya
" Mas Hampaslupa kayo mga magnanakaw ng pera "Wika sa likod ko
Nagulat nalang ako dahil nasa likod ko na pala si Tita Mathilda humarap naman siya kay Ethel
" Oyy nandito rin pala yung buntis kawawang bata walang ama HAHAHAH "Tawa ni Ethel
" Mas gugustuhin kong mawalan ng ama tong anak ko kesa sa tulad mong ampon lang ! Kilala ko buong pagkatao mo Ethel ampon ka lang ni Emman(Papa ni Ethel) tapos kung mang-apak ka wagas ! Sino mas kawawa? Ikaw na ampon o itong anak kong may sariling ina pero walang ama atleast yung anak ko may Nanay pero ikaw kahit niisa wala kasi nga ampon ka lang ni Emman "Wika ni Tita
" Gusto mo bang itulak kita para mawala yang nasa sinapupunan mo?"Tanong ni Ethel kay Tita
" Tita ako ba bahala sa kanya umuwi ka nalang baka madamay pa yung baby mo "Wika ko
" Di na kailangan Margaux sumusobra na to eh ito bagay sa kanya "Wika ni Tita
Bigla namang sinampal ng malakas ni Tita si Ethel kita ko namang napahawak si Ethel sa mukha niya at napapikit ito dahil sa sakit agad akong pumagitna baka itulak ni Ethel yung Tita ko
" Walang hiya kang babae ka "Sigaw ni Ethel
Aatakihin na sana ni Ethel si Tita ng bigla siyang hawakan ng mga gwardya
" Bitiwan niyo ko "Wika ni Ethel sa mga gwardya
" Kunin niyo yan mga sir mahilig sa eskandalo yang babaeng yan "Wika ni Tita
" Pag ako binitawan nila laglag yang bata sa sinapupunan mo "Wika ni Ethel
Lumapit naman si Tita kay Ethel at hinawakan niya mukha ni Ethel
" Wag ako ang hahamunin mo babaeng ampon! Kilala mo si Mathilda diba? Alam mo kung pano ako gumanti? Gusto mo bang magdusa ulit kayo? Wag ako ang tatakutin mo dahil di na bago sakin yang mga banta mo ! Ito ang tatandaan mo pag nakita kong kinakalaban mo pamangkin ko magtago ka na dahil sa naghihintay na sayo si satanas sa empyerno "Wika ni Tita
" Di ako titigil hanggat di ko nakikitang naghihirap yang pamangkin mo tandaan mo rin yun Mathilda ! Gaganti ako "Wika niya
Bigla namang sinampal ulit ni Tita si Ethel at tuluyang kinuha si Ethel ng mga gwardya napatingin sakin si Tita at yinakap ko siya
" Salamat Tita dahil nandito ka ! Sigurado akong away na naman gusto ng babaeng yun"Wika ko
" Sa susunod wag kang mamamalengke kung isa ka lang isama mo kaibigan mo dahil sumusulpot agad yung higad na yun "Wika ni Tita
" Opo Tita "Wika ko
" Tapos ka na bang mamalengke halika ihahatid kita sa inyo "Wika ni Tita
" Di na po Tita pupuntahan ko pa po kasi si Olga "Wika ko
" Osige mag ingat ka ha ! Tandaan mo nandito lang si Tita "Wika niya
" Opo "Sagot ko
Agad naman siyang kumaway sakin at umalis na ! Ewan ko ba dun kay Ethel di ko alam kung bat ako yung target niya ! Di lang naman ako yung kaaway niya ah pero kailangan kong maging alerto sa kanya lalo na't nagbabanta na naman siya
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
" Nakoo nanggigigil na naman ako sa babaeng yun "Galit ni Olga
" Hayaan mo na bii kailangan lang natin maging alerto binataan na naman niya ako bii "Wika ko
" Di ba siya napapagod? Hellooo ilang taon na siyang ganyan bat di niya matanggap na kayo talaga ni Ethan? Mababaliw lang yung babaeng yun pagpinagpatuloy pa niya yun "Wika ni Olga
Umupo nalang kami sa sofa nila at nagpahinga
" Alam mo bii pansin ko rin na di na niya kasama si Odette nag away ata yung dalawang yun HAHAHA "Tawa ko
" Balita ko nasa hospital daw si Odette di ko alam kung ano nangyari sa babaeng yun "Wika ni Olga
" Ahhh kaya pala "Wika ko
Dito lang muna ako kila Olga mamaya na ako uuwi aasarin na naman ako ni Kuya lalo na't wala siyang kasama dun maliban lang kay Nanay ! Ito namang Ethan na to ayaw sagutin tawag ko kagabi pa tong lalakeng to kakainis na .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT S2 (Completed)Where stories live. Discover now