Margaux's POVNang makauwi kami sa bahay agad akong pumasok sa kwarto ni Tatay at humiga ako sa kama niya ! Bat ko kaya nagawang yakapin si Ethan kagabi? Tapos nagising nalang ako dahil nakayakap sakin si Ethan ! Bat kaya siya umiiyak kagabi? Hiwalay na ba sila ni Ethel? Urgh tama na Margaux imposible tong nasa isip mo
" Bunsoooo "Sigaw ni Kuya
" Ohh "Wika ko
" Nasan ka? "Sigaw niya ulit sa baba
" Andito sa kwarto ni Tatay "Wika ko
Hay nako bat di mawala sa isip ko yung kagabi, alam niyo di ko alam kung bat ko pinunansan luha ni Ethan kasi habang umiiyak siya nasasaktan ako kaya nagkunwari akong inaantok at narinig ko pa yung bulong niya sa tenga ko na mahal niya daw ako
" Sama ka ?"Tanong ni Kuya
" Saan? "Tanong ko
Sumakay naman siya sa kama at umayos ako sa pagkakahiga ko san na naman kaya pupunta tong lalakeng to
" Pero bago yun sagutin mo muna tanong ko "Wika niya
" Ano? "Tanong ko
" May nangyari sa inyo ni Ethan no "Sagot niya
Bigla nalang nagsitayuan mga balahibo ko dahil sa pinagsasasabi ng Kuya ko
" Yuck kadiri ka andumi ng utak mo "Wika ko
" Diba nagsama kayo sa iisang kwarto? "Tanong niya
" Oo "Sagot ko
" Edi may nangyari nga talaga HAHAHAH "Tawa niya
" Nayyyy si Kuya "Sigaw ko
Dahil sa inis ko lumapit ako sa kanya tsaka kinurot ko yung tenga niya ! Andumi ng utak nito
" Pag ikaw nabuntis lagot ka talaga kay Tatay HAHAHA "Tawa niya
" Kuyaa ano baaa "Inis ko
" Joke lang "Wika niya
" Lumabas ka nga dito ! Gusto ko magpahinga "Wika ko
" Nako halatang may nabubuo sa sinapupunan mo ah HAHAHA "Tawa niya
" Ayaw mo talagang tumigil ha "Inis ko
Akmang hahawakan ko na damit niya para suntukin ko siya ng bigla siyang kumaripas ng takbo at lumabas sa kwarto ni Tatay
" Tayyy si Margaux nabuntis ni Ethannn "Sigaw ni Kuya sa baba
Minsan natatakot talaga ako magkaboyfriend eh dahil nandyan si Kuya baka ano ano lang sabihin nun kay Tatay ! Pero mabait naman talaga Kuya ko nakakainis nga lang !
" Wag ka maniwala kay Kuya Tayyy "Sigaw ko
Dahil nga sa inaantok pa ako humiga ako sa kama ni Tatay at natulog muna dahil masakit pa mata ko ! Hay nako Ethan ano bang meron sayo?! Bat nasasaktan ako pag umiiyak ka? Bat nasisiyahan ako pag nakangiti ka? Alam niyo sa twing nakikita kong nakangiti si Ethan napapangiti rin ako ewan ko kung bakit
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nagising nalang ako dahil sa yugyog sakin ni Tatay ! Agad kong kinukos mata ko at napatingin ako sa bintana nagulat nalang ako dahil gabi na pala !
" Baba ka na kakain na tayo "Wika ni Tatay
" Opo susunod na po "Wika ko
Kinuha ko cellphone ko at sumunod ako kay Tatay nakita ko namang nakahanda na yung pagkain
" Nay si Kuya? "Tanong ko
" Ayun umalis na bumalik na sa trabaho niya "Sagot ni Nanay
" Ganun ba? "Wika ko
Umupo kaming tatlo sa hapag kainan at nagsimulang kumain ! Ano kaya ginagawa ni Ethan?! Urghhh Margaux tama na sa kaiisip sa lalakeng yun ! Napapokpok nalang ako sa ulo ko dahil ayaw ko ng isipin si Ethan
" Nak okay ka lang? "Tanong ni Tatay sakin
" May gumugulo po sa isip ko Tay "Sagot ko
" Wag mo ng pansinin yun kumain ka na "Wika ni Tatay
" Opo "Wika ko
Kumain nalang ako at di ko na inisip pa si Ethan ! Nang matapos akong kumain agad akong pumunta sa sala at umupobsa tabi ni Tatay ! Inakbayan naman ako ni Tatay at nagpahinga muna ako
" Tay? "Tawag ko kay Tatay
" Hmmm "Sagot niya
" Pwede po bang magtanong ?"Tanong ko
" Oo naman tungkol ba sa trabaho mo ?"Tanong ni Tatay
" Di po "Sagot ko
" E ano? "Tanong niya
Kinakabahan ako baka ano lang kasi isipin ni Tatay eh baka pagalitan niya ako
" Ahmm Tay? Ano po yung sign na inlove ka? "Tanong ko
Bigla naman siyang napatingin sakin at biglang kumunot noo niya ! Lagot na !
" Bat mo naman natanong yan? "Tanong niya habang nakakunot noo
" Tayy gusto ko pong malaman kung pano mainlove yung tao "Wika ko
" Abaaa!! Inlove ka no?!! Roxi---- "
" Tayyyy sagutin mo na tanong ko ! Bahala ka di kita titigilan hanggat di mo sinasabi sakin "Singit ko
" Batang to "Wika ni Tatay
Napatingin naman siya kay Nanay at bigla siyang ngumiti ! Siguro naiisip niya yung panahon na inlove siya kay Nanay
" Nung binata pa ako pag naiinlove ako palagi kong sinusundan yung babaeng gusto ko ! Tsaka nahihiya ako pag nakakasalubong ko yung babaeng yun ! Pero iba tong Nanay mo anlakas ng tama niya sakin ! Di ko alam pero nainlove ako sa kanya kahit may girlfriend pa ako nun ! Lagi ko na siyang sinusundan at siya palagi yung nasa isip ko ! Minsan napapatanong nalang ako sa isip ko kung anong ginagawa ng Nanay mo ! Kung kumain na ba siya o nasaan siya ! Dahil di ko na mapigilan sarili ko hiniwalayan ko yung girlfriend ko at niligawan ko yung Nanay mo ! Nag antay ko ng isang taon hanggang sa sinagot na ako ng Nanay mo ! "Kwento ni Tatay
" Wohh! Isang taon?!! Ang tagal nun Tay ah "Wika ko
" Ganun yun noon ! Di tulad ngayon isang chat o text lang kayo na agad ! Kami noon bago namin makuha yung babaeng gusto namin may pinapagawa muna samin yung magulang ng nililigawan namin bago namin maaangkin yung gusto naming babae "Wika ko
" Wohhh "Mangha ko
" O ngayong alam mo na ! Sabihin sakin kung kanino ka inlove di mo naman masasabing di ka inlove kung di ka magtatanong sakin diba? Sino yang lalakeng yan ?"Tanong ni Tatay
Bigla akong kinabahan dahil biglang nagseryoso si Tatay ! Ano ba tong nangyayari sakin? Bat ko pa tinanong kay Tatay pwede naman kay Olga eh ! Margaux namannnn
" Ano na?! Naghihintay ako "Wika ni Tatay
" Tayy? Wag niyo pong sasabihin kay Nanay ha ! "Wika ko
" Oo "Wika ni Tatay
" Sus kilala kita Tay sasabihin mo kay Nanay "Wika ko
" Di nga sabi kulit mo "Wika ni Tatay
Huminga ako ng malalim at nag sign of a cross nakita ko namang napatawa si Tatay !
" Tay?!! Wag niyo pong sasabihin kay Nanay ha "Wika ko
" Tskk ! Bahala ka nga dyan "Inis ni Tatay
Tatayo na sana si Tatay ng bigla kong hawakan damit niya at pinaupo ko ulit siya
" Ito na "Wika ko
" Ang tagal tagal kanina pa ako naghihintay "Inis ni Tatay
" Tay ano po kasi eh ahmm inlove po ako kay Ethan "Hiya ko
Bigla naman siyang napatawa ng malakas dahil sa sinabi ko kaya tumingin ako sa kanya ganto talaga sila ni Kuya pag may inaamin ako sa kanila pinagtatawanan lang ako
" Ano bang nakakatawa Tay? Ha? "Inis ko
Napatigil naman siya sa kakatawa at tumingin sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin
" Sabi ko na nga ba eh maiinlove ka rin sa anak ni Romeo "Wika ni Tatay
" Tayy boses mo nandyan si Nanay "Wika ko
" Kala mo di ko napapansin? Kasi nung nakaraang linggo puro Ethan yung nasa bibig mo ! Galit na galit ka sa kanya habang nagtutupi ka ng mga damit mo tapos ngayon inlove ka na sa kanya ! Ganun din yang Nanay mo tindera siya noon sa palengke at sobrang sungit yang Nanay mo noon naging kaaway ko yan kumukulo agad dugo ko noon pag nakikita ko yan hanggang sa unti unti na pala akong naiinlove sa kanya "Wika ni Tatay
" Tay gusto ko po si Ethan "Wika ko
" Ito tandaan mo nak gawin mo gusto mo nasa tamang edad ka naman eh wag mong isipin si Nanay ako na bahala sa kanya "Wika ko
" Talaga Tayy?!!! "Wika ko
" Oo "Wika niya
Dahil sa sinabi ni Tatay agad ko siyang yinakap ! Sa wakas magagawa ko na rin gusto ko
" Salamat Tayy "Wika ko
" Matulog ka na dun "Wika ni Tatay
" Opo "Sagot ko
Tumayo ako at masayang umakyat papunta sa taas ! Yess nakalaya din ako sa kamay ni Nanay magagawa ko na gusto ko dahil yun sabi ni Tatay ! Agad akong pumasok sa cr ni Tatay para maglinis ng katawan ! Alam niyo nawala yung feelings ko kay Raprap dahil minsan nalang kami magkita ! Mas gusto ko na ngayon si Ethan dahil nasa kay Ethan na yung kasiyahan ko .
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nagising nalang ako dahil tumutunog yung cellphone ko ! Bumangon ako at kinuha ko cellphone ko nagulat nalang ako dahil tumatawag sakin si Ethan kaya agad kong sinagot yung tawag niya