Ethan's POVNagising nalang ako dahil kay Margaux ang likot sobra ! Napatingin ako sa bintana at kita kong sisikat na yung araw ! Kaya dahan dahan akong bumangon para magluto ng almusal naming dalawa ! Tuluyan akong lumabas sa kwarto habang tulog pa yung kasama ko dito at pumunta sa kusina para magluto ! Kinuha ko rin cellphone ko para magpatugtog habang nagluluto pinatay ko muna yung apoy ng kalan at lumabas sa bahay para bumili ng gatas sa malapit na grocery dito ! Yun kasi yung unang hinahanap ni Margaux sa twing mag aalmusal nang makabili na ako agad akong bumalik sa condo ko at pinagpatuloy yung pagluluto ! Maya maya pa'y biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at kita kong umiiyak si Margaux habang nakahawak ito sa balakang niya
" Ethan huhuhu "Iyak niya habang nakahawak sa balakang niya
Pinahinaan ko muna yung apoy at lumapit ako sa kanya ! Pinaupo ko siya sa sofa at tumabi ako sa kanya
" Anyare sayo? "Tanong ko
" Nahulog ako sa kama mo "Iyak niya
" HAHAHAHA "Tawa ko
" Bat ka tumatawa? "Iyak niya
" Ang likot mo kasi sobra yan tuloy nahulog ka "Wika ko
" Pag ikaw ba nasasaktan pinagtatawanan ba kita? Ha? "Iyak niya
" Sorry na ! Natawa lang ako eh tara na mag almusal na tayo "Wika ko
Pinatayo ko siya at hinain ko na yung niluto ko pinaupo ko siya sa hapag kainan at umupo na rin ako
" Sasama ka ba kila Tatay mo ?"Tanong ko
" Saan? "Tanong niya
" Sa kaarawan ni Sir Domingo "Sagot ko
" Mukhang di ako makakasama "Wika niya
" Bakit naman? "Tanong ko
" Galit ako kay Nanay "Sagot niya
Napatahimik nalang ako dahil sa sinabi niya alam kong magagalit siya sa Nanay niya dahil nilihim ni Nanay ang lahat ayaw niyang ipaalala sa anak niya dahil ayaw niyang maangkin ko ulit si Margaux pero ngayong nakabalik na kami di na ako papayag na hadlangan nila yung relasyon namin ni Margaux ! Dito ako masaya kaya ko siyang ipaglaban dahil mahal ko siya
" Papasok ka? "Tanong ko
" Hindi dito lang ako alam kong pupunta dun si Menandro "Sagot niya
" Menandro?! Bat Menandro tawag mo sa kanya di ba Tata - - - "
" Di ko siya Tatay wala akong Tatay "Galit niya
Di nalang ako nagsalita pa at bigla naman siyang tumayo at pumunta sa kwarto ko ! Alam kong malaki ang galit niya sa Tatay niya dahil noon gusto niya makilala Tatay niya pero dahil nga sa inilihim at itinago ni Nanay Roxie yung buong katotohanan nagtanim siya ng galit sa Nanay niya pero kakausapin ko yun mamaya sana maliwanagan siya !
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang matapos akong maglinis dito sa sala agad akong pumasok sa kwarto at nakita kong nakahiha si Margaux at nanonood ito kaya humiga din ako at yinakap ko siya
" Ano yang pinapanood mo? "Tanong ko
Ibinaba naman niya yung cellphone niya at humarap sakin agad kong pinapulupot kamay ko at hinawakan naman niya mukha ko
" Kiss mo ko "Utos ko
" Yuck "Wika niya
" Anong yuck? Nakakadiri ba ako? "Tanong ko
" Di na kita hahalikan ! Hinalikan na to ni Ethel eh "Wika niya sabay hawak sa labi ko
" Tsk dati pa yun "Wika ko
" Halikan mo sarili mo "Wika niya
" Si Raprap nga hinalikan ka niya eh ! Kala mo di ko malalaman "Wika niya
Bigla naman niyang pinokpok yung noo ko ! Ilalapit ko sana mukha ko kaso umiwas siya
" Wala pang may nakakahalik sakin maliban lang sayo "Wika niya
" Talaga? Sinungaling "Wika ko
" Di ka papasok? Anong oras na oh "Wika niya
" Di ako papasok pag di ka pumasok "Wika ko
" Baliw talaga to gusto mo bang pagalitan tayo pareho "Wika niya
" Oo para masaya "Wika ko
Yinakap ko siya at ramdam kong hinihimas himas niya buhok ko kaya pumikit ako at hinalikan ko kamay niya
" Timplahan mo nga ako gatas Tan "Utos niya
" May gatas naman si Tantan eh bat naghahanap ka pa ng iba "Wika ko
Bigla naman niyang kinagat yung leeg ko napatawa nalang ako ng malakas dahil nasa leeg yung kiliti ko
" Puro ka kalokohan ! Bilis naaaa "Utos niya
" Ito na "Wika ko
Isinuot naman niya headset niya at nanood ulit sa cellphone niya Hinalikan ko noo niya at bumagon ako para timplahan siya ! Nang makalabas ako sa kwarto bigla namang bumukas yung pinto ng condo ko at iniluwa nito si Edrian bigla naman siyang pumasok at lumapit sakin
" Nasan si Margaux? Ilabas mo siya alam kong nandito siya "Wika niya
" Ano naman kung nandito siya? "Tanong ko
" Ilabas mo siya alam mo bang kagabi pa siya hinahanap ng Nanay niya? "Tanong niya
" Oo alam ko "Sagot ko
Pupunta na sana siya sa kwarto ko ng bigla kong hawakan braso niya at ipinaharap ko siya sakin
" Ano bang problema mo? Bat mo ba palaging pinagbabawalan si Margaux dito sa condo ko? Bat mo siya pinagbabawalan na mamasyal kasama ako? Tapatin mo nga ako Edrian may gusto ka ba kay Margaux? "Tanong ko
Bigla naman siyang napatahimik at napatingin siya sa bintana ! Bat niya pinagbabawalan si Margaux pagkasama ko o kahit si Tristan lang ! Di naman niya masasabing wala siyang nararamdaman sa taong pag mamay ari ko dahil halata naman sa mga kilos niya
" Wala akong panahon sagutin yang tanong mo ! Ang pinunta ko dito si Margaux at wala akong oras makipag usap sayo ! Ilalabas mo si Margaux o sasabihin ko sa Tatay niya na nandito siya at magkasama kayo "Wika niya
" Makakaalis ka na di mo madadala si Margaux "Wika ko
" Ethan please lang ilabas mo si Margaux iuuwi ko siya sa bahay nila "Wika niya
" Para ano? Para siraan mo na naman ako kila Nanay Roxie? Edrian ano bang problema mo? Hayaan mong maging malaya si Margaux pag mamay ari ko na siya at ako lang dapat ang magbawal sa kanya ! Kaya makakaalis ka na di mo madadala si Margaux "Wika ko
Bigla namang nag iba timpla ng mukha niya at lumabas ito sa condo ko ! Di na niya makukuha pa si Margaux ! Noon gusto ko siyang saktan dahil siya palagi yung yinayakap ni Margaux tapos malalaman kong may girlfriend na pala siya? Anong akala niya sa girlfriend ko? Laruan?
" Ethannn nasan na yung gatasss "Sigaw sa kwarto ko
" Saglit lang "Wika ko
Nilock ko yung pinto ng condo ko at nagtimpla na ako ng gatas para kay Margaux pumasok ulit ako sa kwarto ko at nakita ko siyang nakaupo kaya lumapit ako sa kanya at binigay yung gatas niya
" Bat ang tagal ? "Tanong niya
" Tumawag kasi si Dave "Pagsisinungaling ko
Umupo ako sa sofa at bigla naman siyang tumayo at umupo sa hita ko
" Gusto mo? "Tanong niya sabay taas ng gatas
" Ayoko di naman ako bata eh "Sagot ko
Inilagay naman niya yung gatas sa mesa at bigla akong yinakap pinapulupot ko kamay ko sa bewang niya at yinakap ko rin siya
" Sorry sorry "Wika niya
" Kala ko di mo na ako maaalala "Wika ko
" Di ko maaalala ang lahat kung di sasabihin sakin ni Olga yung buong katotohanan ! Galit ako sa Nanay at Tatay ko bat nila sinekreto to ! Sabi sakin ni Nanay noon wala na akong Tatay tsaka nag iisang anak niya lang ako pero sino si Menandro? Sino si Ares na nakilala ko ! Limang taon na pala nililihim ni Nanay sakin yung totoo "Wika niya habang nakayakap sakin
" Lilipas din yang galit mo "Wika ko
" Gusto kong kausapin si Nanay kung bat niya ginawa to sakin pero ayoko siyang makita ayoko silang makita "Wika niya
Alam kong lilipas din galit niya dahil alam kong mahal na mahal niya Nanay niya
" Ngayong magkasama na ulit tayo asahan mong di na kita iiwan nandito lang ako para sayo tandaan mo yan "Wika ko
" Pano pag may makita kang magandang babae sa labas? "Tanong niya habang nakayakap sakin
" Simula nung nainlove ako sayo di na ako nainlove sa iba "Sagot ko
Bigla naman siyang humarap sakin at kumunot noo ito ano na naman kaya kasalanan ko
" Bat naghaharutan kayo ni Mia(Katrabaho namin) nung isang araw tapos sa harap ko pa "Kunot noo niya
" HAHAHA di mo ba napansin yun? Pinapaselos lang kita nun kung magseselos ka ! Syempre nakiusap ako kay Mia na tulungan niya ako na paselosin ka "Wika ko
" Kita mo na? "Hampas niya sa braso ko
" Kayo nga ni Edrian halos araw araw magkasama, siya pa nahahatid sayo minsan tsaka siya rin nagsusundo "Wika ko
" E ano naman? "Tanong niya
" Alam mo bang nagselos ako nun? Kasi ako palang yung nakakaalala sa tin? Ikaw nga tong todo landi sa kapatid ko eh "Wika ko
" Mabait kasi kapatid mo di tulad ng iba dyan "Wika niya
" Bakit masama ba ugali ko? "Tanong ko
" Sobra "Sagot niya
Hinila ko siya at yinakap ko siya ulit naramdaman ko namang pumulupot mga kamay niya sa bewang ko
" Gusto mo mamasyal? "Tanong ko
" Ayoko gusto ko yakap ko lang si Ethan "Sagot niya
Tumayo ako at isinara ko yung bintana dahil matutulog pa to humiga ako sa kama at pumatong siya sakin ! Hinayaan ko siyang matulog sa dibdib ko at natulog rin ako para mamaya paggising namin mamasyal na kami .
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
" Ethann bilisan mo na naiinip na ako "Sigaw ni Margaux sa labas ng kwarto ko
" Ito na lalabas na "Wika ko
Tapos na kasi siyang magbihis at ako yung nahuli lumabas na ako sa kwarto ko at kita kong nakasimangot yung taong mahal ko
" Tayo na ! Aalis na tayo "Wika ko
" Ikaw nalang mamasyal ! Tinatamad na ako "Simangot niya
" Baliw talaga to kung kelan nakabihis na ako sy - - - - - "
" Ang tagal tagal mo kasi eh ! Natuyo nalang yung buhok ko tapos ngayon ka lang lumabas sa kwarto mo "Sigaw niya sakin
" Bat ka naninigaw inano ba kita? "Tanong ko
Tumabi nalang ako sa kanya at nilambing ko muna ! Nakabihis na ako tapos aayaw siya ! Nakalimutan ko tuloy na mahirap tong lambingin at suyuin !
" Pagabi na oh "Wika ko
" Pake ko ba ?"Taray niya sakin
" Sige ganto nalang ! Pagsumama ka bibilhin ko lahat gusto mo pero kung hindi edi wala kang makukuha sakin "Wika ko
" Talaga? "Tanong niya
" Wag nalang ayaw mo eh "Wika ko
Huhubarin ko na sana yung sapatos ko dahil di kami tuloy ng bigla niya akong pigilan at hinila patayo
" Tara na alis na tayo "Wika niya
" O diba HAHAHA "Tawa ko
Tuluyan kaming lumabas sa condo ko at pumunta na sa kotse ko para pumunta sa mall magsha-shopping daw siya eh sigurado akong ibus na naman pera ko neto
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating kami sa mall agad kaming bumaba at pumasok sa loob ng mall
" Sinabi mo kanina sakin na bibilhin mo lahat gusto ko "Wika niya
" Oo nga sabi ang kulit "Kamot ko sa ulo
Pumunta kami sa second florr at hinanap yung watson ewan ko kung ano bibilhin niya
" Ayunn "Turo niya sa watson
Naglakad kami papunta dun at pumasok na ! Sinamahan ko siya at naghanap sa bibilhin niya
" Make up?!! "Tanong ko
" Oo "Sagot niya
" Tskk di mo naman kailangan yan eh "Wika ko
" Mauubos na kasi yung sakin eh bibili nalang ako ng bago "Wika niya
Napakamot nalang ako sa ulo ko at patuloy lang siya sa pagkuha ng mga make up at iba iba pa ! Naalala ko tuloy nung nag aaral pa ako hindi kami nun pumapasok ng mga kaibigan ko sa school lahat ng perang binibigay ng mga magulang namin ginagastos lang namin dito sa mall ! Minsan naman nag iinuman pero dahil nga sa gusto kong makapagtapos binago ko buhay ko
" Ito na "Wika niya
" Lahat yan?!!! "Gulat ko
" Oo sabi mo bibilhin mo gusto ko "Wika niya
" Pambihira ka talaga no "Pokpok ko ng mahina sa noo niya
Kinuha ko yung atm ko at ibinigay yun sa kanya napataas kilay nalang ako dahil di niya ito tinanggap
" Ikaw pumila dun ! Ikaw magbayad "Wika niya
" Ako pipila? "Tanong ko
" Oo "Sagot niya
Agad naman niyang ibinigay sakin yung mga pinamili niya ! Jusko baka pagkalaman akong bakla ! Lahat kasi mga make up eh
" Sige na maghihintay ako dito "Wika niya
" Tskk "Inis ko
Wala na akong nagawa kundi ang pumila at bayaran tong mga pinamili niya ! Nahihiya tuloy ako dahil nakatingin sakin yung mga estudyante napatingin ako kay Margaux at todo tawa ito
" Mamaya ka sakin "Taas kamao ko
Nang matapos akong magbayad agad akong lumapit kay Margaux at bigla niya akong yinakap
" Salamat "Yakap niya sakin
Imbis na magagalit ako bigla tuloy akong bumigay dahil sa yakap nito sakin
" Wala ka na bang ibang bibilhin? "Tanong ko
" Meron pa akin na atm mo "Sagot niya
Ibinigay ko sa kanya yung atm ko at nagpaalam ako na dun nalang ako sa kotse maghihintay ! Alas syete na kasi ng gabi e tsaka napapagod ako sa kakalakad ! Isinakay ko mga pinamili niya at pumasok ako sa kotse ko ! Maya maya pa'y bigla kong nakita si Matet at Dave kaya bumaba ako at lumapit ako sa kanila
" Davee "Tawag ko
Napalingon naman sila sakin at kita kong may mga dala sila ! Gusto ko lang naman malaman kung bumisita si Sir Doningo kanina
" Oh? "Tanong niya
" San kayo punta? "Tanong ko
" Secret lang "Sagot niya
" Bumisita ba si Sir Domingo kanina? "Tanong ko
" Di naman ! Bakit? "Tanong niya
" Wala lang "Sagot niya
" Teka lang Ethan ha ! Kasama mo si Margaux no? Lagot ka sa Kuya ni Margaux galit na galit hinahanap yung kapatid niya "Wika niya
" Alam ko yun Dave "Wika ko
" O sya aalis na kami "Wika niya
Mukhang may kakaibang binabalak na naman tong si Dave ! Pag to nakabuntis ewan ko lang talaga ! Agad naman silang umalis at sumakay sa taxi at tuluyang umalis .