Ethan's POVKasalukuyan akong nakaupo dito sa sala kumakanta habang naggigitara napatigil nalang ako dahil biglang lumabas si Margaux sa kwarto ko may dala itong kumot kaya inilagay ko muna sa mesa yung gitara ko at kumandong naman siya sakin ! Nagsisi tuloy ako na ginawa namin yun nilagnat tuloy tong mahal ko
" Tannn "Yakap niya sakin
" Yung gamot ininom mo na ba? "Tanong ko
Tumango naman siya at todo kuskos naman siya s ilong niya napapangiti nalang ako dahil parang bata kung makayakap
" Hachoo "Bahing niya
Inayos ko yung dala niyang kumot ! Humigpit naman yung yakap niya sakin kaya yinakap ko rin siya ! Pano kaya kung magkaanak kami? Posible ba? Kasi kung oo aanakan ko talaga to para tatlo na kami kaso baka magmana sa kanya yung ugali eh magiging dalawa tuloy kaaway ko nito
" Huhuhu "Iyak niya
" Wag ka na umiiyak mawawala din yan "Wika ko
Bigla naman siyang humarap sakin at napatawa nalang ako dahil namumula ilong niya
" Ikaw may kasalanan nito eh "Hampas niya sa dibdib ko
" Lah bat ako lang? Ginusto naman natin yun eh "Wika ko
" Kahit na "Wika niya
Yinakap niya ulit ako at natulog siya sa dibdib ko hay nako paiba iba talaga ugali nito pano na kung dadagdag pa kami ng isa? Edi ako yung kawawa ! Di muna ako pumasok sa trabaho dahil wala siyang kasama dito
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dahil nga sa tulog pa yung mahal ko nagluto muna ako ng makakain niya di pa kasi yun kumain eh ! Pumasok ako sa kwarto ko at nakita kong gising na siya
" Kain ka muna "Wika ko
Napabangon naman siya at humarap ako sa kanya napatingin naman siya sa niluto ko at tumingin din ito sakin
" Bat walang gatas? "Tanong niya
" Wala na kasing gatas dun eh naubusan "Sagot ko
" Aishhh "Kamot niya sa ulo niya
" Kainin mo muna to bibili nalang ako mamaya para sayo "Wika ko
" Bahala ka ayoko "Wika niya
" Kainin mo muna kasi to sabi ! Kala mo natutuwa ako ha? Kainin mo yan "Wika ko
Napatigil naman siya at tinarayan niya ako subukan niya lang talaga na wag kumain batok aabutin niya sakin
" Pano ako makakakain ng maayos kung nakatitig ka sakin? "Tanong niya
" Ano naman? Binabantayan lang kita baka di mo yan kainin "Sagot ko
" Tumalikod ka kasii "Tulak niya sakin
" Ayaw "Wika ko
Wala naman siyang nagawa at nagsimula ng kumain syempre di ako kumukurap pag di ko nakikitang di niya nilulunok yung pagkain ! Kala niya mauutakan na naman niya ako?
" Ayaw ko na "Pabebe niya
" Ibusin mo yan "Wika ko
" Ayaw ko na sabi eh "Wika niya
" Ibusin mo yann "Wika ko
Bigla naman siyang uminom ng tubig at nagkumot agad ! Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil matigas talaga ulo niya
" Mamaya ka sakin "Wika ko
Dinala ko sa lababo yung pinggan na ginamit niya at pumasok ulit ako sa kwarto ko humiga ako sa kama at humarap ako sa kanya ! May napansin ako sa taong to eh di na siya makatitig sakin ng maayus bigla nalang niyang itatago mukha niya sa kumot pag nagkakatitigan kami
" Uuwi ka ba sa inyo? "Tanong ko
" Oo bukas "Sagot niya
" Pwede bang dito ka nalang tumira? Gusto ko kasing kasama ka palagi eh "Wika ko
" Kung di lang sana ako papagalitan ni Nanay tsaka ni Tatay dito talaga ako titira "Wika ko
Umusog naman siya at humiga sa braso ko napatingin siya sakin kaya hinalikan ko siya pero smack lang
" Nasa tamang edad naman tayo eh pwede na tayong magsama "Wika ko
" Yun nga sabi ni Tatay kaso ayaw ni Nanay "Wika niya
" Alam mo? Pag kasal at magkasama na tayo? Dadalhin kita sa ibang bansa at dun tayo titira dun tayo bubuo ng pamilya at dun tayo magsasama hanggang sa pagtanda "Wika ko
" Pamilya? Pano tayo makakabuo? Eh parehas tayong lal- - - - "
" Iba na ang panahon ngayon mahal basta may pera lang tayo makukuha at magagawa natin yung mga gusto natin "Singit ko
Humilata naman siya at tumingin siya sa kisame kaya bumangon ako at ako yung pumatong sa kanya ! Sya nga pala magreresign na kami dun sa kompanya ni Sir Menandro dahil gusto ni Margaux na dun sa kompanya ng Tatay niya kami magtratrabaho .Roxie's POV
Nasan na ba yung batang yun bat di pa umuuwi ! Pag ako talaga nagalit ikukulong ko na naman yun dito sa bahay mamaya yun sakin mapepektusan yun sakin ! Kasalukuyan akong nagtutupi ng mga damit at pinapanood ko yung panganay ko parang baliw eh ngiti ng ngiti
" Hoy ! Patingin nga cellphone mo "Tawag ko kay Ares
" Lah si Nanay "Wika ko
" Patingin sabi "Wika niya
" Wala to Nay kaibigan ko lang to "Wika niya
" Abaaa mukhang may girlfriend na yung anak ko ah "Wika ni Menandro sa likod ko
Napatingin ako sa kanya at umupo naman siya sa tabi ko napatingin ulit ako sa anak ko na Kasalukuyang nakaupo
" Ngiti ng ngiti parang baliw "Bulong ko kay Menandro
" May girlfriend na yan ayaw lang sabihin satin "Bulong ni Menandro
" Si Margaux bat wala pa dito "Wika ni Menandro
" Ewan ko ba sa batang yun wala na atang balak na umuwi pa dito ! Ares sunduin mo nga yung kapatid mo dun sa condo ni Ethan "Utos ko
" Mamaya Nay "Wika niya
Pinagpatuloy ko yung pagtutupi ng mga damit dahil mamaya pa babalik yung maid namin ! Mamaya talaga sakin si Margaux naiinis na talaga ako !
" Tawagan mo nga yung anak mo "Utos ko kay Menandro
" Osige "Wika ni Menandro
Lumabas naman siya sa kwarto at dinala ko sa kwarto ni Ares yung mga damit nila ng kapatid niya ! Hay nako may dalawang pasaway na naman sa dito sa bahay, gusto ko sana dalawang babae eh kaso parehong lalake tong nasa sinapupunan ko
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Mukhang di kami makakapunta sa kaarawan ni Domingo bukas dahil pupunta kami bukas sa hospital siguro si Ares at Margaux lang yung dadalo dun ! Dahil nga sa gabi na tumayo ako dahil may bumusina sa labas ng bahay namin alam kong si Menandro at si Margaux na to dali dali akong lumabas at nakita ko namang lumabas si Menandro sa kotse niya kasabay yung anak niya
" Bat ngayon ka lang ha? "Tanong ko kay Margaux
Napatingin naman siya sa Tatay niya at tumingin ulit ito sakin may sakit ata to mukhang matamlay eh
" Ahmm ano kasi Nay "Kamot niya sa ulo
Pumasok naman si Menandro sa loob at naiwan kaming dalawa dito sa labas
" Halika nga dito lapit ka sakin "Wika ko
" Mauna ka na Nayy susunod naman ako eh "Wika niya
" Lapit ka sabiii "Wika ko
" Si Nanay di naman ako tatakbo eh "Wika niya
" Isa "Bilang ko
Napakamot naman siya sa ulo niya at lumapit ito sakin dahil nga sa inis ko agad kong kinurot yung tenga niya
" Arayy huhu Nayy "Wika niya
" Ang sabi ko pwede di ka pwedeng magtagal dun kay Ethan pero bat ngayon ka lang ha "Kurot ko sa tenga niya
Binitawan ko tenga niya at humarap siya sakin todo kuskos naman siya sa tenga niya
" Si Ethan pagalitan niyo Nay siya nagsabi na wag daw ako umuwi "Wika ko
" Pasokkk "Wika ko
" Opo papasok na po "Wika niya
Agad naman siyang pumasok at tumakbo papunta sa loob ng bahay namin sumunod ako at nakita kong pumasok siya sa kwarto ng Kuya niya
" Tapos ka na ba kumain?! "Tanong ko kay Ares
" Opo Nay "Sagot niya
" Pasok na sa kwarto mo matulog na kayo ng kapatid mo "Wika ko
Agad naman siyang umakyat at sumunod ako pumasok siya sa kwarto niya kaya pumasok ako sa kwarto namin ni Menandro humiga ako sa kama at nakita kong may ginagawa pa si Menandro
" Magpahinga ka na madali lang to "Wika ni Menandro
" Matulog ka na rin ha pagkatapos niyan "Wika ko
Nagsimula akong pumikit at natulog na, balak namin ni Menandro na palihim naming papaghiwalayin si Margaux at Ethan dahil di sang ayon si Menandro sa mga kilos ni Romeo pero alam kong masasaktan naman yung anak ko kaya nagdadalawang isip pa kami kung itutuloy ba namin to .