Roxie's POVKasalukuyan akong nandito sa mga halaman ko dinidiligan ko para mamukadkad na to! Kasama ko yung taga sira ng mga halaman ko siya nagbibigay sakin ng tubig para sa mga halaman! Busy kasi si Ethan at Margaux kaya napagpasyahan kong ako muna magbantay sa batang to buti nalang walang pasok yung kambal
" Ikaw nagsira ng halaman ko no? Sabi ni Tito Miggy mo "Wika ko sa apo ko
" Tinik Kian kamay eh pokpok bato tas bunot Kian lahat "Sagot niya
Kaya pala parang nasalanta ng bagyo yung mga halaman ko kasi pinokpok pala isa isa
" Wag mo na uulitin yun nak ha "Wika ko
Tumango naman siya at nang matapos kaming magdilig sa mga halaman agad ko siyang kinarga at pumasok na kami sa loob ng bahay namin
" Ma? San Tito Miggy Ma?"Tanong niya
" Nasa taas ata Nak "Sagot ko
" Punta Ma "Wika niya
Dinala ko siya sa kwarto kung san naroroon si Miggy at Miguel makikipaglaro ata
" Miggy wag niyong paiyakin yan ha! Maglilinis lang ako sa baba "Wika ko
" Opo Nay "Sagot ng anak ko
" Miguel nakikinig ka ba?"Tanong ko
" Opo "Sagot niya
Hirap kasi sa dalawang to eh palaging nag aaway! Alam niyo namang ayaw magpatalo tong anak ni Margaux sa Tito Miguel niya kaya palagi maingay yung bahay pag nag aaway tong dalawang to
" Babye Mama "Wika ng Apo ko
Hinalikan ko siya at umupo na sa tabi ni Miggy di yun tatabi kay Miguel kasi kaaway niya yun! Habang pababa ako bigla nalang ako napatingin sa bintana dahil may humintong kotse sa labas ng bahay namin kaya lumabas ako sa bahay para puntahan yun! Nakita ko namang nagdoorbell yung lalake kaya pinagbuksan ko siya!
" Magandang araw po! Ito po ba yung bahay ni Sir Menandro Monroe?"Tanong ng lalake
" Oo dito nga! Sino sila?"Tanong ko
" Di mo na po kailangang malaman kung sino ako! Inutusan po kasi ako ni Madam na ipabigay tong sulat na to kay Sir Menandro "Wika niya sabay bigay sakin ng papel
" Para saan to?"Tanong ko
" Pakibigay nalang po kay Sir Menandro salamat "Wika niya
Magtatanong pa sana ako kaso tinalikuran na niya ako at napatingin ako sa bintana ng kotse at may nakita akong babaeng naka-sun glass! Gusto ko sanang titigan kung sino kaso biglang umalis yung kotseng yun!
" Ano kaya to?"Tanong ko sa sarili
Di ko nalang binuksan yung sulat para kasi to sa asawa ko pumasok nalang ako sa loob ng bahay at naglinis na! Mamaya ko nalang to ibibigay kay Menandro pag nakauwi na siya
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang matapos akong magluto ng meryenda tinawag ko yung tatlo at agad naman silang bumaba! Natatawa ako sa apo ko ang liit liit bulol pa kung magsalita tas sobrang daldal
" Mag meryenda na kayo dito "Wika ko
Agad namang umupo yung dalawa sa hapag kainan kaya kinarga ko Apo ko at pinaupo ko siya sa ibabaw ng mesa di pa kasi niya abot yung mesa pag nakaupo siya sa upuan
" Ma? Bat tagal Mama Papa "Mangiyak ngiyak tanong sakin
" Baka papunta na yun dito "Sagot ko
" Di ka na babalikan ng Mama tsaka Papa mo umalis na sila pumunta sila sa ibang bansa samin ka nalang daw "Pang aasar ni Miguel
" Too Ma? Alis Mama Papa?"Mangiyak ngiyak niyang tanong sakin
" Wag ka maniwala kay Tito uuwi sila Mama tsaka Papa "Wika ko
" Di too "Wika ng Apo ko sa Tito niya
Hinayaan ko silang mag meryenda dahil may inaasikaso ako para kay Menandro! Aalis kasi siya pupunta sa ibang bansa dahil inimbitahan siya ng sikat na businessman sa London!
" Sabihin niyo sakin kung tapos na kayo ha "Wika ko
" Opo "Sagot nila
Pumunta na ako sa mesa ni Menandro at inayos yung mga papel na dadalhin niya! Nakahanda na rin yung maleta niya dahil bukas na bukas aalis agad siya .Margaux's POV
Kanina pa ako ginagawang katulong ng lalakeng to! Bat kasi to pumapasok sa trabaho niya? Ano mapapala niya dito sa kompanya? Di naman siya dito nagtratrabaho eh sirang sira na talaga araw ko! Mapapresign ako nito ng maaga kakainis na!
" Oy nasa baba na asawa mo hinihintay ka "Wika niya
" Alam ko "Wika ko
Agad kong inayos yung bag ko at tumayo na! Maglalakad na sana ako ng bigla niyang iharang paa niya!
" David pwede ba? Kanina pa ako inis na inis susumbong na kita sa Papa mo paepal ka kanina pa "Wika ko
" Isumbong pa kita sa asawa mo na nakipagdate ka sa kambal niya "Wika niya
" Anong date pinagsasasabi mo?"Tanong ko
" Kinunan ko kayo ng picture ito oh pinunasan ni Edrian yung mukha mo "Wika niya
Nagulat nalang ako dahil sa ipinakita niyang litrato sakin
" Hoy David idelete mo yan! Nag meryenda lang naman kami kanina tsaka libre niya "Wika ko
" Ano? Natatakot ka? Ha?"Tanong niya
" Bakit? Sa tingin mo ba maniniwala si Ethan dyan?"Tanong ko
" Aba'y oo naman ikwekwento ko naman sa kanya kung pano ka makipaglandian "Sagot niya
" Di siya maniniwala sayo tsaka isa pa di ako nakipaglandian! Nilibre ako ni Raprap! Tabiiii "Tulak ko sa kanya
" Isusumbong kita "Wika niya
" Isumbong mo na rin kay Tatay tsaka kay Nanay para masaya "Wika ko
Di ko na siya pinansin pa at tuluyang lumabas sa opisina! Habang patagal ng patagal ako dito marami na akong bagong kaibigan dito pero si Olga lang talaga yung the best best friend ko! Nakita ko namang nakatayo si Ethan habang nakasandal sa kotse niya!
" Tannn "Wika ko
" Antagal mo naman "Wika niya
" May inayos pa kasi ako sa loob eh "Wika ko
" Tara na umiiyak na anak ko hinahanap na tayo "Wika niya
Sumakay na ako sa kotse at sumakay na din siya!
" Okay na ba dun sa resto?"Tanong ko
" Oo inayos na namin lahat yun wala ng problema dun "Sagot niya
" Mabuti naman "Wika ko
" Pagud ka ba mahal? Gusto mo magpahinga?"Tanong niya
" Di naman ko napagod Tan eh "Sagot ko
" Mamayang papagurin kita "Kindat niya
" Epal "Wika ko
Napatawa naman siya at nagsimula ng magmaneho at tinungo ang daan papunta sa bahay nila Nanay
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating kami sa bahay nila Nanay nakita kong nasa labas si Tatay habang karga karga yung anak namin! Natagalan kasi kami eh! Agad kaming lumabas sa kotse at lumapit ako kay Tatay
" O nandito na pala si Mama tsaka si Papa "Wika ni Tatay
Napatingin naman sakin yung anak ko at naawa ako sa anak ko dahil namumula mukha kakaiyak
" Bat antagal niyo? Kanina pa yan umiiyak kanina pa kayo hinahanap "Wika ni Tatay
" Nako pasensya Tay ha nabusy po kasi ako sa trabaho "Wika ko
" Okay lang yun importante nandito na kayo "Wika ni Tatay
" Si Nanay po?"Tanong ko
" Ayun nasa palengke "Sagot ni Tatay
" Maaaa uwi na Maaa "Iyak ng anak ko
Agad namang kinarga ni Ethan yung anak namin at pumasok na sila sa kotse
" Tay di na po kami magtatagal dito Tay uuwi na po kami pagud dun po kasi si Ethan "Wika ko kay Tatay
" Oo sige magpahinga na kayo sa bahay niyo "Wika ni Tatay
" Salamat Tay bye Tay "Wika ko
Kumaway ako kay Tatay at pumasok na ako sa kotse! Nagmaneho ulit si Ethan para umuwi na kami sa bahay! Kakapagod talaga tong araw na to dumagdag pa yung David na yun sobrang paepal! Kinuha ko anak ko at natulog siya sa dibdib ko .