MATAPOS ANG DALAWANG TAONMargaux's POV
Nang matapos ang dalawang taon naging tahimik at maayos ang buhay namin! Mahirap ang mawalay kila Nanay lalo na't di pa kami pinapayagang umuwi dun sa Pinas! Sabi din sakin ni Olga tuluyang ngang nilamon ng kabaliwan si Ethel at kinakausap nito ang sarili niya pero di daw niya maiwasang banggitin ang pangalan ko pati pati pangalan ni Ethan at sigurado akong di na siya makakalabas dun! Dito rin nakatira sa France sila Matet! May bahay kasi dito yung Papa ni Tristan! Tsaka sa twing walang makausap si Matet palagi siyang pumupunta sakin at gustong gusto na niya daw umuwi ng Pinas lalo na't ayaw ng mga babaeng kapatid ni Tristan sa kanya! Minsan dito yun natutulog kasama anak niya dahil di niya kaya yung ugali ng mga kapatid ni Tristan lalo na si Trisha(Nakababatang kapatid ni Tristan)! Tsaka oo tama kayo nagkaanak ulit kami ni Ethan at pinangako ko sa sarili ko na sakto na tong dalawa lalo na't mas maldito yung isa!
" Kuyaaaa "Tawag ko kay Kian
Pinahinaan ko muna yung apoy ng kalan at pumunta ako sa sala para hanapin si Kian
" Kuyaaaa "Tawag ko ulit kay Kian
Nandito lang yun kanina eh sinasagutan yung mga assignment niya tas ngayon wala na! Lalabas na sana ako ng bigla kong nakita anak ko tumatakbo ito papalapit sakin
" San ka galing?"Tanong ko
" Kila Mikael Ma "Sagot niya
" Ano ginawa mo dun? Sabi ko sayo wag kang pupunta dun pag nandun si Trisha diba? Pag ikaw pinagalitan nun lagot ka "Wika ko
" Naglaro lang naman kami ni Mikael sa bahay nila tas wala dun si Ate Trisha "Wika niya
" Pasok na! Pag nakita ka ng Papa mo dito sa labas papaluin ka na naman nun! Pasok na uuwi na Papa mo "Wika ko
" Ma tapos ko na pala sagutan yung mga assignment ko Ma "Wika niya
" Ibalik mo yung mga gamit sa bag mo tas puntahan mo si Baby bantayan mo muna siya dun! Nagluluto kasi ako dito sa kusina dahil pauwi na Papa mo "Wika ko
" Opo "Sagot niya
Sinunod naman niya yung utos ko at napangiti nalang ako habang nililigpit niya mga gamit niya! Buti nalang nawala pagkabulol ng anak ko kala ko dala niya yun hanggang sa paglaki niya eh! Yung Kian na makulit at palaging naka diaper noon palaging nangungunahan na sa school ngayon!
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dahil sa tapos na ako maglinis dito sa baba agad akong pumunta sa taas para puntahan yung anak ko! Nakita ko namang tulog yung Kian ko habang naglalaro yung dalawa! Kaya sumakay ako sa kama at tumabi ako kay Ethan
" Si Mama panget si Papa gwapo "Wika niya kay Karl(Baby namin)
Kakaiba din tong isa na to eh mahilig magpabebe pag nakikita niya Papa niya tas iiyak kahit walang nakakaiyak! Minsan nagugulat nga ako dahil bigla bigla nalang umiiyak
" Tigas ng mukha "Wika ko kay Ethan
Kinarga ko baby namin tsaka humiga ako sa kama at pinaupo ko baby namin sa dibdib ko! Humiga naman tong isa tsaka tumabi sakin! Dahil nga sa walang damit si Ethan nanggigigil ako sa braso niya kaya dahan dahan kong inilapit mukha ko sa braso niya agad kong kinagat yun
" Arayyyy "Sigaw niya
" Baliw ka ba?"Tanong niya
" Nanggigigil ako eh "Sagot ko
" Sarap mong batukan "Wika niya
Bigla naman niyang pinalo mukha ko gamit yung unan! Napatingin ako sa anak ko at bigla itong tumawa
" Akin na kasi si baby matutulog kami "Wika ni Ethan
" Gusto ko din magpahinga eh "Wika ko
Pinahiga ko sa gitna yung anak ko at agad namang kinuha ni Ethan yung pacifier ng anak niya!
" Wag kang malikot ha! Magpapahinga kami ni Mama "Wika ni Ethan
Minsan anong oras na akong natutulog dahil sa batang to eh! Anong oras na to natutulog pag gabi mapabukas man ang ilaw o hindi .Roxie's POV
Kasalukuyan akong nagliligpit ng mga gamit dahil pupunta kami sa France bibisitahin namin yung anak ko dahil nagpupumilit ng umuwi dito kaso di pa sila pinapayagan ni Menandro! Kasama namin sila balae dahil gusto din nilang makita sa personal yung bagong anak nila Ethan! Kasama din namin yung kambal tsaka si Ares! Habang nagtutupi ako biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at pumasok yung anak ko
" Nay penge naman pera Nay "Wika ni Miguel sabay higa nito sa kama
" Ano na naman gagawin mo sa pera Miguel ha?"Tanong ko
" Nandyan kasi sila Troy(Kaibigan niya) Nay gusto nilang pumunta sa Mall tsaka gusto kong sumama kaso di ako binigyan ni Tatay ng pera nasayo daw "Sagot niya
" Tigil tigilan mo ko Miguel ha! Araw araw nalang kayo pumupunta sa Mall gayahin mo kambal mo nasa bahay lang palagi di lumalabas ng bahay "Palo ko sa kanya ng unan
" Nanay naman! Syempre wala namang kaibigan si Miggy eh kaya dito lang siya sa bahay! Naayy penge na pera Nayyy "Pamimilit niya
" Sige mamili ka bibigyan kita ng pera pero di ka kasama pagpunta kila Kuya mo ha "Wika ko
" Si Nanay palagi nalang may kapalit "Kamot niya sa ulo niya
" Sarap mong batukan bata ka "Wika ko
Kinuha ko nalang wallet ko dahil alam kong di ako tatantanan ng batang to! Binigyan ko siya ng pera tsaka agad naman siyang ngumiti
" Humingi ka pa bukas ha! Iiwan talaga kita dito sa bahay "Wika ko
" Salamat Nay I love you Nay "Wika niya
" Wag kang magtatagal dun Miguel ha! Pag naabutan ka ng alas tres ng hapon lagot ka sakin "Wika ko
" Opo Nay I love you Nay "Flying kiss niya
Agad naman siyang lumabas sa kwarto at pinagpatuloy ko na ginagawa ko! Pansin ko ding habang palaki ng palaki yung kambal namamana ni Miguel yung kilos ng Tatay niya nung bata pa si Menandro! Buti na nga lang yung isa'y tahimik at mahinhin lang! Lalabas lang yun sa kwarto kung kakain o may pasok sa eskwela pero pag wala nasa kwarto lang yun nagbabasa ng mga libro
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dahil sa handa na yung maleta namin agad kong inilagay sa gilid yun! Tinawagan ko din si balae Louise kung handa na sila at sabi niya handa na daw! Mamaya kami aalis dahil nandun pa si Ares sa bahay nila Bianca!
" Miggy anak "Tawag ko sa anak ko
" Pooo "Sigaw niya sa kabilang kwarto
" Punta ka muna dito sa kwarto namin Nak "Wika ko
Natatamad kasi ako bumaba dahil masakit mga tuhod ko! Bumukas naman yung pinto at iniluwa nito ang anak ko
" Bakit po Nay?"Tanong niya
" Ibigay mo nga to kay Tatay mo nasa baba siya "Sagot ko sabay bigay ng mga papel sa kanya
" Nay? Nasan si Kuya asan?"Tanong ng anak ko
" Nasa mall na naman Kuya mo kasama mga barkada niya "Sagot ko
" Kaya pala di ko naririnig boses niya "Wika ng anak ko
" Osige na ibigay mo na yan kay Tatay mo! Baka hinihintay niya yan "Wika ko
Kailangan kasing matapos yun ni Menandro lalo na't aalis kami bukas ng umaga! Namiss ko din yung Apo kong si Kian lalo na't sa video call ko lang siya nakakausap tas minsan sisingit yung isa kahit di pa marunong magsalita! Di na ako makapaghintay na mahawakan yung isa kong apo lalo na't kamukha ito ng anak ko .