CHAPTER 16

67 3 0
                                    


                      (RATED SPG)
             

Roxie's POV

Ang hirap talaga gisingin si Menandro pareho lang sila ni Margaux ! Hinayaan ko nalang siya at lumabas na sa kwarto para magluto ng almusal gusto kong gisingin sila Margaux kaso baka natutulog pa kaya bumaba na ako para magluto ng almusal ! Kaarawan ngayon ni Domingo at sabi ni Menandro di daw kami dadalo dun dahil baka ano lang mangyari sakin mas mabuting manahimik nalang dito sa bahay naiintidihan naman yun ni Domingo ! Habang nagluluto ako narinig kong nag aaway na naman si Margaux at si Ethan sa taas pinahinaan ko yung apoy ng kalan at umakyat papunta sa kwarto nila ! Nagulat nalang ako dahil daming kalat dito sa kwarto nakita ko namang nakahiga sa sahig yung anak ko habang kamot nito ulo niya
" Margaux ! Ethan ! Ano na naman nangyayari sa inyo ha? Natutulog pa si Menandro sa kabilang kwarto pag yun nagising ewan ko lang sa inyo "Wika ko
" Ito kasi si Ethan Nay ! Tinago niya wallet ko Nay "Iyak ni Margaux habang nakahiga ito sa sahig
" Lah di ko po tinago Nay "Wika ni Ethan
" Anong hindi?! Nandito lang yun kagabi tapos ngayon wala na "Iyak ni Margaux
" Ako na maghahanap bumaba na kayo mag aalmusal na tayo "Wika ko
" Pag di yun nakita ni Nanay lagot ka sakin mokong ka "Iyak ng anak ko
" Ang sabihin mo ulyanin ka tapos pag di mo nakikita gamit mo sakin mo isinisisi "Wika ni Ethan
" Di ako ulyanin "Sigaw ng anak ko
" Ayaw niyo talagang tumigil ha "Wika ko
Kukunin ko na sana yung walis tambo ng biglang tumayo si Margaux at lumapit ito kay Ethan at nagtago sa likod ! Ang aga aga ang ingay ingay na
" Bababa na po kami Nay "Wika ni Margaux sa likod ni Ethan
" Ang titigas talaga ng ulo niyo no? Pag may narinig akong ingay mamaya di kayo makakalabas sa kwarto na to ! Baba naaaa "Galit galitan ko
" Una ka Nay susunod kami "Wika ni Margaux
Inilagay ko sa gilid yung walis tambo at lumabas na sa kwarto ! Minsan naiinis ako sa dalawang yun pag may topak yung isa tutupakin din yung isa ! Ang galing talaga tapos kung mag away parang wala ng bukas ang lalakas pa ng boses ! Pumasok ako sa kwarto namin ni Menandro at kita kong kakahilamos lang niya
" Baba ka na mag aalmusal na tayo "Wika ko
" Tara sabay tayo "Wika niya
Nakita ko namang bumaba yung dalawa at bumaba na rin kami ! Sakto lang dahil luto na yung niluto ko !
" Ang aga aga ang ingay niyo na "Wika ni Menandro kay Margaux
" Ito kasi si Eth - - - "
" O ako na naman "Singit ni Ethan
" Tinago mo wallet kooo "Kurot ni Margaux sa braso ni Ethan
Hay nako ewan ko ba sa dalawang yan buti nalang talaga di naging babae anak ko dahil sigurado akong kawawa anak nila pareho kasi ugali umupo na rin ako para makapag almusal na
" Kumain na kayo mamaya na yan "Wika ko
Tumahimik naman yung dalawa at nag simula ng mag almusal ! Pansin kong may nagbago sa anak ko bigla nalang tumaba dati kasi payatot yan pero ngayon may laman na yung mukha ! Baka pinapagalitan ata ni Ethan pag di kumakain ng maayos mabuti nga yan eh kesa bumalik yung dati niyang katawan .
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
" Aalis muna ako pupunta lang ako sa kompanya may problema daw "Wika ni Menandro
" Osige wag kang magtagal dun ha "Wika ko
" Babalik agad ako "Wika niya
Agad namang lumabas si Menandro sa bahay at kita kong kinukunan ng video ni Ethan yung anak ko habang naghuhugas ito ! Mainit ulo ng anak ko dahil di yun binigyan ng pera ni Menandro kanina
" Nay si Margaux di inaayos paghuhugas "Wika ni Ethan
Sinenyasan ko si Ethan na umupo dito sa sala ! Baliw talaga tong batang to alam na niyang may topak anak ko inaasar pa ! Di ko nalang sila pinansin at umakyat na ako papunta sa kwarto ni Menandro para magpahinga muna bahala sila .

Ethan's POV

Ang saya ko dahil may topak tong Yanyan ko di kasi siya binigyan ng pera ni Tito kanina tapos inutusan pang maghugas ng mga pinggan ayun doble yung topak HAHAHA
" Nayyy si Margaux halos basagin mga pinggan tsaka basoo "Sumbong ko kay Nanay
" Margauxxx pag ako makababa dito ewan ko lang "Wika ni Nanay
" HAHAHA "Mahina kong tawa
" Masaya ka na niyan? Ha?"Tanong sakin ni Margaux
" Kawawa naman si Yanyan di binigyan ng pera "Pang aasar ko
Tumakbo ako dahil kinuha niya yung kutsilyo kita ko namang galit na galit ito sakin
" Bumalik ka pa dito hospital pupuntahan mo tingnan mo lang "Sigaw niya sakin
" I love you mwuah "Pang aasar ko
" Mamaya ka sakin pag natapos ako dito magtago ka ! Hmmm gusto ko na manakit "Panggigigil niya
" Iiyak na yan ! Iiyak na yan ! "Pang aasar
Tinarayan naman niya ako at naghugas ulit ! Umupo ako sa sala at pinanood yung video habang naghuhugas siya ! Di niya alam na ako yung nagtago sa wallet niya HAHAHA nung nakaraang linggo ko pa siya napapansin na bili siya ng bili ng mangga kaya tinago ko wallet niya baka maibusan na naman yun ng pera
" Ngayon ka "Sabunot ni Margaux sakin
Nagulat nalang ako dahil kaharap ko na pala si Yanyan
" Aray ko Yann "Reklamo ko
" Masakit?! Halika dito tayo sa kwarto mag away kala mo di ako gaganti ha "Hila niya sakin
Napatayo nalang ako dahil bigla niyang hinila buhok ko
" Bilisannn mooo "Panggigigil niya sa buhok ko
" Aray ko Yanyann masakit "Hawak ko sa kamay niya
" Pinainit mo ulo ko tapos ngayon aaray aray ka "Hila niya sa buhok ko
Nang makapasok kami sa kwarto bigla naman niya akong tinulak sa kama at kinuha niya sinturon ko !
" Sorry na di ko na uulitin promise "Wika ko
" Sorry? Ito sorry "Hampas niya sakin ng sinturon
Napahawak nalang ako sa hita ko dahil sa ginawa niya ! Tatayo na sana ako ng bigla niyang hilain damit ko dahilan para mapahiga kami sa kama at pinatungan niya ako
" Sabi ko wag mong papainitin ulo ko "Hampas niya sakin
" Oo hindi na promise "Wika ko
Kinuha ko yung wallet niya sa bulsa ko at binigay ko yun sa kanya napatingin naman siya sakin at bigla akong binatukan
" Napakasinungaling mo talaga no "Wika niya
" Sorry na "Wika ko
" Bilhan mo nalang ako mangga para bati ulit tayo kahit pitong piraso lang "Wika niya
" Pitoo?!! Dami nun ah "Wika ko
" Edi wag "Wika niya
Tatayo na sana siya ng bigla ko agad hawakan kamay niya at pinaupo ko ulit siya sa kama
" Oo bibili si Tantan "Wika ko
" Nakoo ang bait talaga ni Tantan "Gulo niya sa buhok ko
Bigla naman niyang hinalikan noo ko kala niya nakakalimutan ko ginawa niya sakin?! Sakit kaya yung ulo ko dahil sa pagkasabunot niya kanina !
" Gawa nalang tayo baby "Bulong ko sa tenga niya
" Gumawa ka mag isa "Bulong niya sa tenga ko
" Kakainis talaga "Inis ko
" Katatapos lang natin tapos susundan naman?! Aba di na mabuti yun "Wika niya
" Isang buwan na yung nakalipas tapos hanggang ngayon ayaw pa rin "Wika ko
" Sa susunod na taon na "Wika niya
" Tsk "Inis ko
Yinakap naman niya ako at humiga kami sa kama ! Wala na akong mahihiling pa dahil nandito na tong tao na to sakin ! Mahal ko to sobra kahit may topak araw araw kakainis .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT S2 (Completed)Where stories live. Discover now