CHAPTER 21

65 1 0
                                    


Ares POV

Galing kami kanina sa hospital para kumuha ng matibay na ebidensya na nagpapatunay na nagdadalang tao yung kapatid ko dahil di naniniwala si Tatay dahil lalake daw kapatid ko hanggang sa lumabas yung resulta at dalawang buwan na palang may laman yung tyan ng kapatid ko ! Agad tinawagan ni Tatay si Ethan para ipaalam ito sa kanya pero  nagpalit na daw ng phone number si Ethan at aalis ito sa bansa mamaya pupunta na ito sa London ! Kasalukuyan kaming nandito sa bahay nagliligpit ng mga damit dahil aalis din kami ng kapatid ko dun daw muna kami maninirahan sa States dahil may bahay naman kami dun at napagpasyahan ni Tatay na dun isilang ang bata !
" Okay ka lang ba? Gusto mo ba ng mangga? Bibilhan kita "Wika ko sa kapatid ko
" Di na Kuya okay lang ako "Mahinahon niyang sabi
" Mukhang di ka okay eh ! Tara mamasyal muna tayo bago tayo umalis dito "Wika ko
" Tsk si Kuya tapusin nalang natin to para makaalis na din tayo "Wika ni Margaux
" Iniisip mo na naman ba si Ethan? Pano mo siya malalapitan o makausap man lang?"Tanong ko
" Kuya ayoko munang isipin si Ethan "Sagot niya
" Bat ang lungkot lungkot mo?"Tanong ko
" Di ako malungkot Kuya masaya ako dahil di ko akalain na mangyayari sakin to ! Pero natatakot ako baka hanapin ng anak ko yung Papa niya "Lungkot ng kapatid ko
" Sabihin mo nalang sa anak mo yung totoo para mawala yang takot mo "Wika ko
" Di pwede Kuya ! Hayaan mo't ako nalang gumawa ng paraan para dyan "Wika niya
" Nandito naman ako eh pwede naman akong maging Papa at Tito ng anak mo eh "Wika ko
Napangiti naman siya at yinakap ako ! Yinakap ko rin kapatid dahil sa wakas di na siya mag iisa
" Kuya salamat dahil nandyan ka palagi para alagaan at protektahan ako ! Salamat Kuya sa lahat "Wika niya
Lahat gagawin ko mapasaya ko lang ang kapatid ko ! Dahil nga sa may panibago siyang pagsubok sasamahan ko siya para di siya mag isa .

Margaux's POV

Nang matapos kaming magligpit agad namang inilagay ni Kuya sa gilid yung mga maleta at lumabas muna siya ! Tumayo ako at humarap ako sa salamin titinigan ko sarili ko at hinawakan ko tyan ko ! Pano kung pumunta ako kila Ethan at sabihin ko sa kanya to? Pero di na niya ako kinakausap at pinapansin man lang ! Umupo nalang ako sa kama namin Kuya at pinagmasdan ang araw ! Ano kaya ginagawa ngayon ni Ethan? Urgh bat di siya mawala sa isip koo
" Margaux baba ka na kakain na "Wika ni Nanay
" Opo Nay "Sagot ko
Kelan ba mawawala sa isip ko yung lalakeng hinahanap hanap ko? Kelan ba mawawala tong sakit na nararamdaman ko? Bumaba na ako at nakita ko namang nakaupo na si Nanay, Tatay at Kuya sa hapag kainan kaya lumapit ako at umupo na rin
" Kain na "Wika ni Nanay
" Tay? Pwede bang dito nalang kami ni Kuya? Di po ako sanay na mawalay sa inyo ni Nanay "Wika ko
" Ako ang Tatay mo anak ako ang magdedesisyon ako ang masusunod aalis kayo ng Kuya mo at dun mo isisilang yang anak mo "Wika ni Tatay
Di nalang ako sumagot pa baka humaba pa yung usapan ! Gusto ko kasing dito lang ako sa Pinas at dito papalakihin yung anak ko kaso wala akong magagawa dahil si Tatay na yung nagdesisyon !
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating ako sa bahay ng mga Verdeflor agad akong bumaba ! Oo tama kayo nandito ako sa bahay ng mga Verdeflor dahil gusto kong maabutan si Ethan gusto kong sabihin sa kanya na magkakaanak kami wala na akong paki kung papagalitan ako ni Tatay ang importante maabutan ko siya
" Ethannn "Tawag ko sa kanya
" Tannn "Sigaw ko
Bigla namang bumukas yung pinto ng bahay nila at nakita kong lumabas si Tita kasama si Tito Romeo agad naman nila akong pinagbuksan at humarap sakin
" Oh? Margaux anong ginagawa mo dito hijo?"Tanong ni Tita sakin
" Tita nandyan pa po ba si Ethan?! Tita please po gusto ko po siyang makausap "Wika ko
" Nako hinatid na siya ni Kim ngayon lang "Wika ni Tita
" Po?"Tanong ko
" Papunta na yun sa airport aalis na yun mamayang alas singko "Wika ni Tito
" Alas singko?"Tanong ko
Napatingin ako sa relo ko at nagulat ako dahil ilang minuto nalang mag aalas singko na ! Nagpaalam ako kila Tita at agad akong sumakay sa taxi ! Diyos ko kailangan kong maabutan si Ethan tulungan niyo naman ako huhuhu
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating ako sa airport agad namang hinanap ng mga mata ko si Ethan ! Napatingin ako sa gilid gilid naka umuupo siya ! Hanggang sa nakita ko si Kuya Kim(Bodyguard ng mga Verdeflor) agad akong lumapit sa kanya at nagtanong
" Kuya Kim nasan si Ethan?"Tanong ko
" Margaux?"Gulat niya
" Kuya nasan po siyaaa gusto ko po siyang makausap "Wika ko
" Nako sorry Margaux ha aalis na ako eh "Wika niya
" Kuya sabihin mo muna sakin kanina pa ako naghahanap alam kong alam mo kung nasan siya "Wika ko
" Sorry talaga "Wika niya
Agad naman siyang umalis at napahawak ako sa ulo dahil natataranta ako baka di ko makita si Ethan dito ! Napalingon ako sa likod ko at nakita kong nakatayo si Ethan dala yung maleta niya kaya agad akong tumakbo at di ko na pinansin yung mga tao
" Ethannn "Tawag ko sa kanya
Dahil sa maingay dito di niya ako marinig diyos ko pigilan mo muna si Ethan
" Eth- - - - "
" At san pupunta bakla? Hm?"Hawak ni Ethel sa braso ko dahilan para mapahinto ako
" Ethel bitiwan mo ko gusto kong makausap si Ethan "Wika ko
" Sa tingin mo ba kakausapin ka pa niya? Margaux tingnan mo yang hitsura mo iba ka na ngayon kesa noon ! Kaya kung ako sayo umuwi ka na wag mo na siyang guluhin pa "Wika ko
" Bitiwan mo ko "Tulak ko sa kanya
Napaupo naman siya at tumakbo ulit ako para maabutan si Ethan napahinto ako at tumulo yung luha ko dahil nakita kong nakasakay na si Ethan sa eroplano ! Bigla nalang bumigat yung balikat ko dahil di ko man Lang nakausap si Ethan ! Napaupo nalang ako sa gilid dahil wala na akong magawa ! Bat ka ba ganto sakin panginoon?! Bat ganto ka sakin? Wala naman akong ginawang kasalanan pero pinapamukha mo sakin na wala na akong pag asa!
" Tannnn "Iyak ko
Napahawak nalang ako sa pulseras na bigay niya sakin ! Sabi niya kay Tatay na pasasalamat daw niya ito sakin ! Pinunasan ko luha ko at hinubad ko yung pulseras na yun !
" Simula ngayon kakalimutan na kita ! Simula ngayon di kita ipapakilala sa anak natin ! Darating ang araw na ikaw ang maghahabol samin "Bulong ko
Itinapon ko yung pulseras na bigay sakin ni Ethan at tumayo na para lumabas sa airport nakita ko namang nakalipad na yung eroplanong sinakyan ni Ethan at napagpasyahan kong umuwi na rin .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT S2 (Completed)Where stories live. Discover now