Margaux's POVKasalukuyan akong nandito sa kompanya habang may inaayos na papel! Laking pasasalamat ko dahil wala dito si David kaya makakakilos ako ng maayos at magagawa ko mga gusto ko! Ako lang yung nandito sa opisina wala dito si Sir Arthur kakaalis niya lang! Nandun pala kila Mama Louise si Kian kinuha ni Papa dun daw muna anak namin habang nasa trabaho kami ni Ethan! Di ko naman pwedeng dalhin dito anak ko baka makabasag yun dito sobrang likot pa naman nun! Kukunin ko sana cellphone ko para tawagan si Ethan ng biglang bumukas yung pinto ng office
" Margaux? May naghahanap sayo! Nasa baba siya "Wika ni Ella(Empleyado din dito sa kompanya)
" Sino daw?"Tanong ko
" Di ko kilala eh puntahan mo nalang nasa baba siya "Sagot niya
" Ahh oo sige puntahan ko nalang "Ngiti ko
Buti pa dito sa kompanya na to tahimik at walang away focus lahat sa trabaho dahil natatakot ang lahat na pagalitan ni Sir Arthur! Lumabas ako sa office at naglakad papunta sa baba! Alam kong di si Ethan maghahanap sakin e anong oras palang naman!
" Ella? Asan? Wala naman ah "Wika ko ko kay Ella
" Tsk ayun oh nakaupo "Turo niya sa lalakeng nakaupo
" Ahh "Wika ko
Naglakad ako papunta sa lalakeng yun tsaka napatingin ako sa relo pasado alas tres na pala ng hapon isang oras nalang mag uuwian na kami! Lumapit ako sa lalakeng naghahanap sakin at napatingin naman siya sakin
" Ryan?"Kunot noo ko
" Sabi ko na nga ba ikaw yung nakita ko kanina! "Wika niya
" Ano ginagawa mo dito?"Tanong ko
" Wala lang sinundan kita nakita kasi kita kanina "Sagot niya
" Saan?"Tanong ko
" Dun malapit sa Police Station "Sagot niya
" Ahhh pinuntahan ko kasi kanina si Raprap dun sa Police Station dun kasi siya nagtratrabaho "Sagot ko
" Talaga? Si Ethan?"Tanong niya
" Nandun sa resto namin tinutulungan mga empleyado "Sagot ko
" Bat ka pa nagtratrabaho eh mayaman na kayo?"Tanong niya
" Tsk! Ryan di kami mayaman ako pa rin to si Margaux "Wika ko
" Meryenda naman tayo dun sa malapit na Park "Wika niya
" Busog pa naman ako eh tsaka di pa ako tapos may ginagawa pa ako dun sa taas "Wika ko
" Pwede mo namang tapusin yun bukas! Tsaka libre ko "Wika niya
Dahil sa sinabi niya'y agad nawala yung stress ko! Libre niya daw Margaux libre niya!
" Talaga? Baka mamaya scam na naman yan kilala kita Ryan "Wika ko
" Libre ko nga "Wika niya
Dahil sa libre niya! Agad akong humiram ng payong kay Ella!
" Tara "Wika ko kay Ryan
Tuluyan kaming lumabas sa kompanya at naglakad papunta sa nagtitinda ng mga street foods! Syempre dahil fishball gusto ko fishball nalang tinusok ko! Nakita ko ring kumuha ng fishball si Ryan at napagpasyahan naming umupo sa Park at umupo
" Kamusta na si Olga?"Tanong niya
" Si Olga? Ayun masaya na sa piling ni Gabriel "Sagot ko
" Ganun ba mabuti naman "Wika niya
" Niloko mo kasi kaibigan ko kaya ayun kay Gabriel tuloy napunta "Wika ko
" Di ko naman niloko si Olga eh tsaka nagsorry na ako sa kanya tsaka pinatawad niya ako "Wika niya
Kakain na sana ako ng fishball ng makita ko si Ethan nakasandal ito sa malaking puno naka cross arm at galit yung mukha! Lagot ka Margaux! Nagulat nga ako dahil hawak na niya yung bag ko!
" Ahmm Ryan?! Aalis na ako "Wika ko
" Ha? Kakaupo pa nga lang natin dito ah "Wika niya
" Dumating na daw yung boss ko tsaka hinahanap ako "Pagsisinungaling ko
" Ganun ba? Ahh osige! Gusto mo bang ihatid kita?"Tanong niya
" Hindi na kaya ko naman eh "Sagot ko
Huhuhu galit si Ethan!! Diyos ko yung kaba ko natatakot ako lumapit kay Ethan! Gustuhin ko mang ngumiti kaso di talaga eh takot talaga yung nangingibabaw! Napalingon ako sa kinaroroonan ni Ryan at wala na siya dun kaya tuluyan akong lumapit kay Ethan at humarap sa kanya! Di pa rin mawala yung galit niya sa mukha niya! Mas nakakatakot pa kasi nga nakacross arm tsaka sama ng tingin sakin
" Ano? Bat ka lumapit sakin? Kala ko ba nasasarapan ka sa fishball dahil kasama mo yung Ryan na yun?"Tanong niya sakin
" Nilibrehan lang naman niya ako eh "Takot ko
" Masarap ba yung libre lalo na't galing sa lalakeng yun?"Tanong niya
" Tann naman kumain lang kami "Takot ko
" Pasok sa kotse! "Galit niya
" Kumain lang naman kami ah "Takot ko
" Pasok sabiii "Galit niya tsaka nilakihan ako ng mata
Dahil sa takot pumasok nalang ako sa kotse tsaka umupo na! Nakita ko namang dala niya bag ko tsaka pumasok na din siya sa kotse
" Yung bag naiwan yung may ari ayun nakipaglandian "Galit niya
" Di naman ako nakipaglandian eh "Wika ko
" Eh ano tawag mo dun? Ibang iba nga ngiti mo sa lalakeng yun eh "Galit niya
" Niyaya niya kasi ako kumain ng fishball kasi di - - - "
" Kasi di pa ako dadating dahil alas tres palang? Ganun?"Tanong niya
" Oo "Sagot ko
" Eh kung isumbong kita sa anak mo ha? Pag nakita ko ulit na magkasama kayo dalawa! Babasagin ko mukha nun! Iiwasan mo yung lalakeng yun o ako yung iiwas "Galit niya
" Iiwasan ko si Ryan "Takot ko
" Ano?"Tanong niya
" Iiwasan ko si Ryan "Sagot ko
" Lakihan mo di ko marinig "Wika niya
" Iiwasan ko si Ryannn "Sigaw ko
" Ayus ayusin mo lang talaga! Sakit niyo sa mata kanina "Wika niya
" Oo na malandi na ako "Wika ko
" Isusumbong kita sa anak mo dahil dyan sa mga ginagawa mo "Wika niya
" Epal to! Kumain lang naman kami ah "Wika ko
" Ano? Natatakot kang pagalitan ka ng anak mo? Isusumbong talaga kita! Pag gusto kong ilibre ka kahit anong gusto mo umaayaw ka pero pag kay Ryan kahit fishball lang okay na okay ka! Sino ba asawa mo ha?"Tanong niya
" Ikaw "Sagot ko
" Buti alam mo "Wika niya
Edi sana di nalang ako sumama kay Ryan! Malaki tuloy kasalanan ko nito! Di ko naman kasi alam na alas tres ako susunduin ng lalakeng to eh! Lagot pa ako mamaya kay Kian daldalero pa naman yun!
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating kami sa bahay nila Ethan agad kaming pumasok sa loob at nakita kong nanonood si Mama at Papa habang nasa gitna nila yung anak ko! Nang makita ako ng anak ko agad siyang sumigaw at tumayo
" Mamaaa "Yakap sakin ng anak ko
" O nandito na pala kayo "Wika ni Papa
" Uuwi na ba kayo?"Tanong ni Papa sakin
" Oo Pa pagud po kasi ako eh gusto kong magpahinga "Sagot ni Ethan
" Ma? Salamat pala sa pagbantay kay Kian "Wika ko kay Mama
" Oo naman "Wika niya
May ibinigay naman si Mama na mga damit kay Kian at dinala yung ni Ethan sabay kaming nagpaalam kila Mama at Papa at tuluyan kaming lumabas sa bahay nila at sumakay na sa kotse
" Maaa! Papa Romeo bili ingkrim(Ice cream) Ma tas kain kami nood TV Ma "Wika ng anak ko
" Kian? Alam mo bang naki - - - "
" Wag kang paepal nag uusap kami ng anak mo "Kurot ko kay Ethan
" Ano? Natatakot ka? Mamaya ka sa bahay "Wika niya
Tinarayan ko siya tsaka nagsimula siyang magmaneho! Kumandong naman sakin yung anak ko at nakipag usap ito!
" Tas bili Tito imbrel(Gabriel) yakult Ma inom Mama Louise tas Papa Romeo tas Kian tas Tito imbrel(Gabriel) tas busog na Kian "Hawak niya sa tyan niya
Minsan natatawa ako pag nagkwekwento yung anak ko! Mapapahawak ka nalang sa tenga mo kasi di siya humihinto kakakwento! Tsaka di naman ako bulol nung bata pa ako tsaka di naman natin masasabi na bulol tong nagmamaneho kasi mukha pala dragon na! Pero bat bulol yung anak ko tatlong taon na di pa rin makapagsalita ng maayos!
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating kami sa bahay agad kong binaba anak ko sa may sala habang nakita kong paakyat si Ethan papunta sa taas!
" Bebe dito ka muna ha pupunta ko lang si Papa "Halik ko sa anak ko
Tumango naman yung anak ko at iniwan ko siya sa sala para puntahan Papa niya! Papasok na sana si Ethan sa kwarto ng pigilan ko siya at hinawakan ko kamay niya! Dinala ko siya sa gilid baka makita kami ng anak niya
" Ano na naman? Papasok na ako sa kwarto maliligo ako "Wika niya
" Sorry na wag ka na magalit sakin "Wika ko
" Papasok na nga ako diba? Wala akong gana makipag usap ngayon "Wika niya
" Iniiwasan mo lang ako eh oo na di na ako sasama kay Ryan kahit kelan "Wika ko
Napahinga naman siya ng malalim at pinakalma niya sarili niya at humarap ulit sakin
" Alam mo naman diba na kaaway ko yung lalakeng yun? Bat lapit ka pa ng lapit sa kanya?"Tanong niya
" Di na ako lalapit Tan wag ka lang magalit sakin "Wika ko
" Di ako naniniwala "Wika niya
" Gusto mo ng patunay?"Tanong ko
Tumango naman siya kaya agad ko siyang hinalikan pero smack lang
" Yun lang? Di nga nag 1 minute eh "Reklamo niya
" Basta yun na yung patunay ko di na ako lalapit kay Ryan "Wika ko
" Di pa rin ako naniniwala! Gusto ko 1 minute eh para maniwala talaga ako "Wika niya
Napakamot nalang ako sa ulo ko tsaka hinalikan ko siya ulit! Matatagalan nga lang dahil 1 minute gusto niya!
" O tapos na "Wika ko
" 1 minute ba yun?"Tanong niya
" Oo "Sagot ko
" Osige basta wag ka ng sasama kay Ryan ha "Wika niya
" Promise "Wika ko
Bumaba ako at kinuha ko anak ko habang pumasok si Ethan sa kwarto dahil maliligo daw siya! Kaya pinaupo ko muna anak ko dito sa kama tsaka pinalitan ko sando niya
" Ma? Kelan balik Papa Mandro Ma?"Tanong ng anak ko sakin
" Ewan ko nak wala akong alam eh "Sagot ko
" Tito Ares bat di punta?"Tanong niya
" Baka busy si Tito Ares baka wala siyang time pumunta dito "Sagot ko
Bumaba naman siya sa kama at kinuha niya yung papel at lapis niya magsusulat ata! Dahil sa pagud ay napaupo ako sa sofa at huminga ako ng malalim! Sa wakas makakaalis na rin ako sa kompanya nila David! Napatingin ako sa bintana at kita kong palubog na yung araw kaya humiga muna ako sa sofa at natulog saglit .