CHAPTER 32

64 1 0
                                    


Margaux's POV

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa kama habang nakatingin sa anak ko! Ewan ko ba sa batang to tinutupak na naman! Ayaw magpakarga sakin tsaka ayaw din magpahawak! Nakadapa lang siya sa kama habang iyak ng iyak! Hirap talaga pag kaugali mo anak mo parang araw araw kong kalaban sarili ko eh minsan pinapalo pa ako ng walis tambo pag di ko siya binibigyan ng limang peso! Si Ethan naman naliligo dahil pupunta siya sa grocery niya tsaka ngayon araw papasok na ako sa kompanya nila Sir Arthur dahil ngayon schedule ko!
" Baby tara bili tayo sa labas! Ano gusto mo? Bibilhin lahat ni Mama "Wika ko
" Wag hawakkk "Hampas niya sa kamay ko habang umiiyak
Lumabas naman si Ethan sa banyo at nakabihis na ito
" Ano? Masarap ba intindihin yang kaugali mo? Hirap din suyuin no "Pang aasar ni Ethan
" Epal "Wika ko
Tumayo naman yung anak ko at humarap sakin! Gusto ko sanang hawakan kaso baka kagatin ako eh
" Paaa sama Kian Paaa "Iyak niya
" O sama daw siya sayo "Wika ko
" Bihisan mo para maaga akong makapunta sa grocery tsaka sa restaurant "Wika ni Ethan
" Halika nak bibihisan ka ni Mama "Wika ko
Lumapit naman sakin yung anak ko at pinunsana ko luha niya! Dahil sa busy pa si Ethan kakaayos sa mga papel napagpasyahan kong paliguan nalang to!
" Wag kang malikot dun ha "Wika ko
Tumango naman siya at lumabas na kami sa banyo! Binihisan ko siya dahil tinatawag na siya ng Papa niya! Hinalikan ko anak ko at tumakbo siya papunta sa Papa niya
" Wag mong hayaang matuyuan yan ng pawis ha "Wika ko
" Oo naman "Wika ni Ethan
Kumaway ako sa anak ko at dahil nga sa may topak pa di ako pinansin at sumakay na sa kotse! Napatingin ako sa relo at mag aalas nwebe na! Kaya inihanda ko na yung uniporme ko! Umakyat ako papunta sa kwarto para ayusin sarili ko! Kakainis talaga yung David na yun chat pa ng chat sakin kagabi kala niya di ako papasok kaya siniseen ko nalang paepal sobra eh! Nagbihis na ako at tuluyang lumabas sa bahay! Sumakay ako ng taxi at tinungo ang daan papunta sa kompanya ni Sir Arthur
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating ako sa kompanya agad akong pumasok dahil mainit! Sinuot ko ID ko at maglalakad na sana ako ng biglang may tumawag sakin!
" Margaux "Tawag sa likod ko
Nakita ko si Raprap papalapit ito sakin habang may dalang pagkain
" Oh Raprap?"Wika ko
" Dito ka ba nagtratrabaho?"Tanong niya
" Oo eh "Sagot ko
" Pag may nakita kang police station sa likod ng kompanyang to dun ako nagtratrabaho "Wika niya
" Talaga?"Tanong ko
" Oo nandun ako araw araw "Sagot niya
" San ka galing?"Tanong ko
" Bumili ako ng snack aalis na sana ako kaso nakita kita "Sagot niya
" Osige Raprap papasok na ako "Wika ko
" Osige! Kung may free time ka pwede kang pumunta sa police station "Wika niya
" Oosige "Wika ko
Agad naman siyang sumakay sa motor niya at umalis na! Pumasok na ako sa kompanya baka hinihintay na ako ni Sir Arthur
" Hi Sir! Hinahanap mo ba si Sir Arthur? Tara samahan kita sa office niya! Alam ko kasing ikaw yung bagong empleyado dito "Wika ng babae
" Ay hindi na! Kaya ko na "Wika ko
" Ahh okay po "Wika ng babae
" Salamat nalang "Ngiti ko
Tuluyan akong naglakad at pumasok na sa office ni Sir Arthur! Nakita ko namang nakaupo siya at napatayo siya ng makita niya ako
" Hi Sir! Good morning po sorry po kung late ako ng 10 minutes "Wika ko
" Okay lang yun! Tsaka nandun yung mesa mo! Pumunta ka rin sa taas ha may meeting tayo mamaya "Wika ni Sir
" Opo "Wika ko
Lumabas naman siya kaya umupo na ako sa mesa ko! Kukunin ko sana cellphone ko ng biglang pumasok si David at napatingin ito sakin kaya di ko nalang siya pinansin
" Oyy pumasok pala yung maarte! Kala ko ba ayaw mo sa kompanya namin? Tapos ngayon nakauniporme ka?"Tanong niya
" Di ko naman po sinabing ayaw ko dito Sir! Tsaka ikaw lang naman gumawa ng kwentong yan para sabihin mo sa Papa mo tama po ba ako Sir?"Tanong ko
" Magalang ah "Wika niya
" Di naman po kasi ako tulad ng iba dyan "Wika ko
" Balita ko mababait daw mga anak ni Tito Menandro eh! Mabait si Ares tsaka mabait yung kambal! Pero ikaw? Di na nga mabait maarte pa "Wika niya
Abaa namemersonal ata to ah! Sasagutin ko sana siya ng biglang pumasok si Sir Arthur dahilan para mapatahimik ako
" Oh? David? Kala ko nagtratrabaho ka?"Tanong ni Sir sa David na to
" Day off ko po ngayon Pa kaya dito ako maghapon "Sagot ni David
Mukhang masisira ata araw ko ah dahil nandito yung tukmol na to maghapon!
" Margaux? Dahil sa first day mo palang ngayon di ko muna ibibigay sayo yung mga ipapagawa ko! Tulungan mo nalang ako ayusin yung mga papel na to para maipasa ko to mamaya "Wika ni Sir Arthur
" Oo naman po "Wika ko
Napatingin ako sa David na to at narinig kong ginagaya yung mga sinasabi ko! Okay lang sana kung wala tong lalake na to dito kaso mukhang nandito to araw araw para asarin ako
" Sige iwan ko muna kayo! Dapat pagbalik ko nakaayos na to "Wika ni Sir
" Opo Sir "Wika ko
Lumabas naman si Sir Arthur at ibinalik ko sa bag ko yung cellphone ko! Namiss ko agad anak ko eh tsaka si Tantan!
" Ano pang inuupo upo mo dyan?"Tanong ng David na to
" Ito na po Sir sorry po "Wika ko
Pag napuno talaga ako dadalhin kita si Ethan dito! Kakainis! Habang inaayos ko yung mga papel puro kuda naman yung tukmol kaya di ko nalang siya pinansin at sinunod yung utos ni Sir!
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dahil sa nagugutom na ako lumabas muna ako sa kompanya para bumili ng snack! Kakatapos lang namin mag usap ng anak ko tsaka susunduin nila ako mamaya dito! Dahil nga sa tapos na yung ginawa ko kanina pwede ko ng gawin yung gusto ko
" San ka pupunta?"Tanong ni David
" Bibili "Sagot ko
" Ay sakto bilhan mo din naman ako ng pang meryenda o ito pera "Wika niya
" Bili ka mag isa! Utusan mo sarili mo "Wika ko
" Baka nakakalimutan mo anak ko ng boss mo "Wika niya
" Kahit anak ka pa ng presidente wala akong paki "Wika ko
Tuluyan akong naglakad at di ko na siya pinansin pa! Pag nakauwi talaga ako isusumbong ko yun kay Ethan paepal eh!
" Mamaya ka sakin bakla ka "Sigaw niya
Sarap isumbong kay Raprap eh sigurado akong isang suntok lang ni Raprap tulog agad yun HAHAHA! Nang makabili na ako ng meryenda agad akong bumalik sa loob ng kompanya at nagpahinga muna .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT S2 (Completed)Where stories live. Discover now