• AFTER 5 YEARS •Roxie's POV
Matapos ang limang taon naging mabuti naman ang kalagayan namin ! Naging tahimik at wala ng gulo ! Sa awa ng diyos di naman ako nahirapang isilang yung kambal tuwang tuwa naman yung magkapatid na nasa labas nung makita nila yung kambal na kapatid nila ! Nagdadalawang isip din si Menandro kung papauwiin ba niya dito si Margaux dahil sa hitsura ng anak niya ! Mukhang di maitatago ni Margaux na si Ethan ang ama dahil kopyang kopya ng bata yung mukha ng Papa niya ! Gustong gusto na ni Margaux at Ares na umuwi dito at pinag iisipan pa yun ni Menandro ! Tatlong taon na rin yung kambal at marunong na rin makipag usap samin kaso napansin namin na mahiyain sila sa ibang tao ! Nag aaral na yung dalawa sa malapit na Day Care dito samin ! Si Mina(Kasambahay namin) yung naghahatid at sumusundo sa kambal ! Tinutulungan ko kasi si Menandro pero kahit papano di ko pinapabayaan yung kambal !
" Tao poooo "Sigaw sa labas
" Nanay may tao sa labas Nay "Wika ni Miggy(Anak ko)
" Ako na lalabas mag aral kayo dyan "Wika ko
Siya nga pala Si Miguel yung naunang lumabas at nahuli si Miggy ! Sila yung kambal na anak namin ni Menandro ! Agad akong lumabas at nakita kong nakatayo si Olga habang kasama si Gabriel
" Nay "Tawag sakin ni Olga
" O? Bat nandito kayo? Wala ba kayong pasok sa trabaho niyo?"Tanong ni Olga
" Wala po "Sagot ni Gabriel
" Halikayo pasok kayo mainit dito "Wika ko
Agad naman silang pumasok at umupo sa sala ! Sinenyasan ko si Mina(Kasambahay namin) na bigyan ng pagkain si Olga at Gabriel
" Hi Miggy "Kaway ni Olga
" Hello po "Kaway ng anak ko
" Nasan Kuya mo?"Tanong ni Olga
" Nasa taas nagsusulat pa po pangalan niya ako tapos na "Sagot ng anak ko
" Ahh "Wika ni Olga
" Nanay gugutom na ako "Wika ng anak ko
" Punta ka kay Nanay Mina "Wika ko
Agad naman siyang umupo sa mesa at humarap ako kila Olga
" Bat kayo naparito?"Tanong ko
" Ah Nay kelan ba kasi uuwi sila Margaux? Gustong gusto ko na makita kaibigan ko "Sagot ni Olga
" Ewan ko kay Menandro siya naman nagdedesisyon ! Pero uwing uwi na yung mga anak ko dito "Wika ko
Alam kong gustong gusto na makita ni Olga yung anak ni Margaux ! Sinesekreto lang namin kay Gabriel dahil alam namin na magsusumbong siya sa Kuya niya kung malaman niyang may anak si Margaux
" Sige na kumain na kayo dyan puntahan ko lang si Miguel "Wika ko
" Osige po "Wika ni Olga
Iniwan ko muna sila at pumunta ako sa taas sigurado akong inis na inis na naman tong anak ko dahil naunahan siya ni Miggy
" Ano tapos na?"Tanong ko
Inutusan ko kasi silang magsulat ng pangalan nila
" Pano ako matatapos Nay? Ang haba haba ng pangalan ko "Sagot niya sakin
" Di yan mahaba ilang letra lang yan ! Si Miggy nga tapos na "Wika ko
" Limang letra lang naman kay Miggy eh "Wika niya
" Ang bagal mo kasi magsulat "Wika ko
" Tapos pupunuin ko pa tong papel na to kakainis na "Inis niya
" Si Kuya Margaux mo nga nung bata pa siya alam agad ng Kuya mo kung pano isulat yung pangalan niya "Wika ko
Di naman siya sumagot sakin at pinagpatuloy yung pagsusulat niya ! Ang akin lang naman eh maisulat nila ng mahusay yung pangalan nila ! Natatawa nalang ako pag naaalala ko si Margaux noon ! Palagi ko yun pinapalo pag tinatamad magsulat minsan naman nagtatago sa ilalim ng kama dahil natatakot sa kahoy na ipapalo ko sa kanya ! Minsan tumatakas para makipaglaro lang kay Olga .Ethan's POV
Sa loob ng limang taon nakaya ko kahit wala sa tabi ko si Margaux ! Nakaya ko dahil sa tulong ng Lolo't Lola ko ! Tinupad ko yung sinabi ko na di na ako iibig pa ! Maraming magagandang babae ang inerereto sakin ng mga kaibigan ko pero nangako ako na di na ako iibig pa kaya bumangon ako mag isa kinaya ko yung sakit na dala ko nung una ! Bumalik ako dito sa Pinas para pakinggan si Margaux pero huli na ako dahil umalis din pala sila kasama yung Kuya niya ! Kaya tinanggap ko nalang na ganito talaga kapalaran ko ! Wala naman akong malaking kasalanan pero bat pinaglalaruan ako ng diyos? Nabalitaan ko rin na nakakulong na si Ethel di ko alam kung bat siya nakulong ! Sabi rin sakin ni Gabriel na uuwi ngayong taon si Margaux kasama Kuya niya pero parang kinabahan ako sa pagbabalik niya
" Umuwi ka dito bukas ha Birthday ng Papa mo "Wika ni Mama
" Opo Ma di ko po yun makakalimutan "Wika ko
" Osige na mag ingat ka "Wika ni Mama
" Bye Ma "Wika ko
Kumaway naman si Mama at tuluyan akong lumabas sa bahay ! Dun muna ako sa condo gusto ko kasing mapag isa ! Gusto ko tahimik lang ! Sumakay na ako sa kotse at tuluyang umalis .
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang matapos akong maglinis ng katawan agad akong umupo sa sala ! Kahit anong gawin ko di talaga mawala sa isip ko kung pano ako alagaan at pahirapan ni Margaux dito sa condo !