CHAPTER 43

70 0 0
                                    

Ares POV

Kasalukuyan akong nandito sa hospital nagbabantay sa kapatid ko! Habang nakahiga si Kian a tabi ng Mama niya! Maluwag naman yung kama kaya kasya lang sila! Nasa taas si Nanay dahil kinakausap siya ng doctor habang nasa labas si Ethan bumibili ng pagkain dahil sabi ng doctor magigising na yung kapatid ko mamayang hapon o mamayang gabi! Kakauwi lang ni Olga tsaka ni Gabriel dahil kanina pa sila dito
" Tito kelan gising Mama?"Harap niya sakin
" Mamayang hapon daw o mamayang gabi sabi ng doctor "Sagot ko
" Papa gabi iyak Kian yakap Papa "Wika niya
" Mahal talaga ng Papa mo tong Mama mo iiyak talaga yun lalo na't di pa nagigising Mama mo "Wika ko
" Kian gusto gising Mama tas uwi "Wika niya
" Magigising din Mama mo mamaya tas di na iiyak Papa mo "Wika ko
Ngumiti naman siya at tinalikuran ako at humarap ito sa Mama niya! Buti na nga lang mawawala na yung mga pasa niya sa braso eh! Kagagawan daw yun ni Ethel pinapalo daw siya tskaa kinukurot yun yung sumbong niya samin! Tsaka nakakulong na ulit si Ethel at di na siya makakalabas pa sa kulungan lalo na't patong patong yung kaso niya! Tatanda siya sa kulungan dahil habangbuhay na siya dun!
" Oy Nay? Si Tatay?"Tanong ko
" Nasa taas pa kausap yung doctor ng kapatid mo "Sagot ni Nanay
" Ano sabi?"Tanong ko
" Madaming dugo daw nawala sa katawan ng kapatid mo pero kahit papano nakasurvive pa rin yung kapatid mo hinihintay nalang magising si Yanyan ng doctor niya "Sagot ni Nanay
" Kaya pala hinang hina maraming dugo pala yung nawala sa katawan niya "Wika ko
" Kumain na ba yan?"Tanong ni Nanay sabay turo kay Kian
" Di pa ayaw eh! Nagtimpla na ako ng gatas ayaw pa rin "Sagot ko
" Talagang batang to "Kamot ni Nanay sa ulo niya
Kinarga naman ni Nanay si Kian tsaka umupo sila!
" Kakain tayo "Wika ni Nanay kay Kian
" Ayaw "Iling iling ni Kian sabay takip sa bibig niya
Habang pinipilit ni Nanay kumain si Kian ay sya rin yung pagpasok ni Ethan dala yung mga pinamili niya sa labas!
" Ethan ikaw nga magpakain sa batang to ayaw sakin eh "Wika ni Nanay
" Osige Nay ako na po "Wika ni Ethan
Ewan ko ba sa batang to ang bata bata pa ang arte arte na sigurado akong maarte to paglumaki tsaka pala away!
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dahil sa tanghali na, ako si Nanay at Kian lang yung nandito sa kwarto! Gusto sanang pumunta ni Bianca dito kaso may trabaho pa siya baka mamayang hapon pa yun pupunta! Katabi ko anak ni Yanyan habang naghihintay sa dede niya ako nagtitimpla eh! Nakita ko namang napakamot na siya ng ulo tsaka nag iba timpla ng mukha nito! Binabagalan ko kasi magtimpla para mainip
" Mama Tito ayaw bigay dede "Inis niya
" Ares nasa hospital tayo baliw ka ba? Pag yan umiyak ikaw magpatahan ha "Wika ni Nanay
" Nagtitimpla pa nga eh "Wika ko kay Kian
" Bagal nina pa ayaw bigay "Inis niya
" Wag kang rereklamo ha ako na nga nagtimpla dede mo eh "Bulong ko sabay kurot sa pisngi niya
Iiyak na sana siya ng agad kong ibigay dede niya pag umiyak talaga to lagot ako kay Nanay
" Sumbong ikaw Papa "Wika niya
Hinalikan ko noo niya tsaka umupo siya sa tabi ni Nanay at dumede na!
" Hay nako Kian ka "Bulong ko
Sana kung magkaanak man ako gusto ko yung pareho kay Kian yung madaling mainis ba tas lumalaban! Nung nasa ibang bansa pa kami siguro dalawang taon pa siya nun ayaw na ayaw niyang tumatabi ako sa kanya dahil alam niyang pagtritripan ko siya kaya hanggang ngayon kaaway ko siya HAHAHA pero kahit ganyan yan mahal na mahal ko yan dahil simula pagkabata ako nag alaga sa kanya ako yung tumayo bilang isang ama niya dahil naghiwalay nun si Mama at Papa niya dahil sa problema .

Menandro's POV

Di ko akalain na may kulang sa pag iisip itong si Ethel kaya pala tawa ng tawa nung nahuli namin siya! Dinala namin siya sa mental hospital na malayo samin at sinabihan ang mga nagbabantay dun na wag magpapauto sa kanya dahil magaling yun gumawa ng paraan mauto lang niya yung mga nasa paligid niya! Sinigurado ko na di na siya makakawala pa dito sa kulungan niya! Kaya pala maraming nagtataka sa pagbabago niya dahil di pala siya si Olivia! Siya pala si Ethel! Nagawa pa niyang magpalit anyo mauto lang niya yung iba pero di niya mauuto yung anak ko dahil sa mga kilos na pinapakita niya kay Ethan
" Papatayin ko kayo hintay ka lang Menandro! Iisa isahin ko kayo makikita niyo kamandag ni Ethel pag nakawala ako dito! Wala akong kinakatakutan Menandro ilagay mo yan sa kukute mo "Galit niya
" Pasensya na hija pero malabong mangyari yang sinasabi mo! Habang buhay ka ng maninirahan dito "Wika ko
" Di totoo yan "Sigaw niya sakin
" Sorry hija pero kailangan mong pagbayaran yung mga ginawa mo sa anak ko! Inuulit ko habang buhay ka na dito "Wika ko
" Menandroooo "Sigaw niya sakin
Noon ginawa niya rin to sa anak ko kaya di ko na hahayaang gawin niya ulit yun kaya habang nasa tabi ako ng anak ko sigurado akong ligtas siya at walang mananakit sa kanya! Di ko na siya pinansin pa at lumabas na ako baka hinihintay na ako nila Roxie dun sa hospital gusto ko lang naman mamuhay ng tahimik! Gusto ko yung walang gulo dahil nadadamay yung anak ko .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT S2 (Completed)Where stories live. Discover now