Ethan's POVMakalipas ang ilang linggo naging maayos naman kalagayan ko sa komapanyang hinahawakan ko kaso may kaaway ako dito eh ayaw na ayaw magpatalo ang kapal ng mukha ! Ibang klaseng tao siya eh gusto niya siya papansinin ng mga tao dito minsan nahahabol kong nakikipagchismisan siya dito kaya sinisigawan ko siya para pumasok sa office ko ! Kasalukuyan akong nandito sa kompanya uwian na kaya inayos ko mga gamit ko nakita ko namang nagmamadali si bakla kaya tinawag ko siya
" Hoy "Tawag ko sa kanya
" Bakit ?"Tanong niya
" May ipinapabili sakin si Sir Domingo kaya samahan mo ko "Sagot ko
" Bahala ka sa buhay mo bumili ka mag isa "Wika niya
" Sige wag ka sumama bahala ka rin "Wika ko
Kinuha ko na bag ko at lalabas na sana ako ng bigla niyang hawakan damit ko
" San na naman kasi tayo pupunta? Alam mo bang gabi na "Wika niya
" Kaya ko na wag ka na sumama "Wika ko
" Sasama nalang ako baka ano ano lang sabihin mo kay Sir eh "Wika ko
" Ano? Natakot ka? "Tanong ko
Tinarayan naman niya ako at tuluyan kaming lumabas sa office ko ! Lumabas na rin kami sa kompanyang pinagtratrabahuan namin ! Habang naglalakad kami napatingin ako sa kamay niya dahil kumikinang yung pulseras niya kaya tumakbo ako at hinawakan ko kamay niya ! Bigla nalang lumakas tibok ng puso ko dahil sa pulseras na ito napatingin ako kay Margaux at ramdam ko yung sunod sunod na tibok ng puso ko
" Bitiwan mo nga kamay ko "Reklamo niya
" Teka lang ! San mo nakuha to ?"Tanong ko
" Ito? Ah nakita ko lang to sa kwarto ko "Sagot niya
Agad kong binitiwan kamay niya dahil sumakit ulo ko ! Napahawak ako sa ulo ko dahil may gumugulo sa isip ko
" Hoy okay ka lang ?"Tanong niya
" Halika dito upo ka muna "Wika niya
Pinaupo naman niya ako sa concrete bench at umupo din siya ! Napapikit nalang ako dahil di pa rin mawala yung sakit
" Oyy nananakot ka ba ? Baka mamaya sabihin mong inano kita ! Ethann "Yugyog niya sakin
Tumayo ako at iniling iling ko ulo ko ! Hayss ano ba to ! Huminga ako ng malalim at sumakay na ako sa kotse ko
" Bukas nalang tayo bumili mukhang di ka kasi okay "Wika ni Margaux
" O sige "Wika ko
Sumakay din naman siya at nagmaneho na ako para ihatid tong kasama ko ! Napansin ko nung mga nakaraang araw na pag nagkakasalubong kami ni Margaux nahihiya na ako sa kanya ewan ko kung bakit at kung pano nangyari to ! Napansin ko rin na pasimple ko siyang sinusulyapan pag nagsusulat siya at napapangiti ako ! Urghh di pwede to .Roxie's POV
Di ko alam kung san ko iiwan yung bunsong anak ko aalis kasi kami ni Menandro dahil importante tong pupuntahan namin ! Si Teresa di pa daw umuwi nasa probinsya pa daw, si Olga pupunta din yun sa probinsya ! Si Ares di pa makakauwi dahil may trabaho pa ! Ayokong iwan mag isa dito yung anak ko ! Lalo na't lakwatsera pa naman yun
" San natin iiwan si Margaux? "Tanong ko kay Menandro
" Yun nga iniisip ko eh "Sagot niya
" Wala bang tao kila Matilda ?"Tanong ko
" Wala eh nagbakasyon sila "Sagot niya
Maya maya pa'y biglang bumukas yung pinto ng bahay namin at iniluwa nito si Margaux ! Agad naman siyang lumapit samin at yinakap kami
" Kumain na ba kayo Nay ?"Tanong ni Margaux
" Oo tapos na ! Ikaw kumain ka na dun "Wika ko
" Di po ako kakain gatas lang po sakin "Wika niya
" Osige ikaw bahala "Wika ko
Agad naman siyang naglakad at pumunta sa hapag kainan umupo naman sa tabi ko si Menandro at nag usap kami
" Pano kung dun muna siya kila Romeo? Dalawang gabi lang naman yun "Wika ni Menandro
" Kila Romeo? Alam mo namang magkaaway si Ethan tsaka si Margaux diba? "Tanong ko
" Di naman sila magsasama sa iisang kwarto eh ! May apat na kwarto naman sila "Sagot ko
" Nako Menandro alam mo namang madali lang uminit yung ulo ng anak mo eh ! Tsaka kilala ko yung ugali ni Ethan dahil dun ako nagtrabaho sa kanila ! 20 years akong naging kasambahay nila kaya kilalang kilala ko sila "Wika ko
" Anong sabi mo? Naging kasambahay ka nila Romeo? "Tanong niya
Oo nga pala di niya nun alam na naging kasambahay ako nila Romeo noon
" Oo naging kasambahay nila ako ! Dahil nung iniwan mo kami walang wala kami nun di ko alam kung pano kami babangon ng anak ko ! Kaya napag isipan kong pumasok sa bahay nila para maging katulong para may ipakain ako kay Margaux at makapagtapos siya "Sagot ko
" Sorry kung iniwan ko kayo ! Pinagsisisihan ko yung mga ginawa ko noon ! Di ko alam na kailangan niyo pala ng tulong ko nung panahong walang wala kayo ! Kaya hayaan mo akong mahalin ko kayo dahil simula ngayon di na yun mangyayari ulit "Wika niya
" Wag mo ng balikan yun Menandro ! Okay na sakin ang lahat , ayoko ng balikan ang nakaraan dahil ako yung nasasaktan "Wika ko
" San ba kasi nagmana yang anak mo? Di naman ganun ugali ko eh ang layo ng ugali nila ni Ares "Wika ni Menandro
" Simula nung naging grade one siya ganyan na talaga yung ugali niya ! Siguro epekto yan ng sili pinaglihi ko yan sa sili eh "Wika ko
" Tsk kaya naman pala "Wika niya
Habang nag uusap kami biglang lumapit si Margaux at umupo din siya sa gitna !
" Hayyyy "Wika niya
" Kamusta trabaho mo nak? "Tanong ni Menandro sa anak niya
" Ito , palaging sinisigawan ni Ethan ! Tsaka alam mo Tay? Parang di ako secretary dun parang katulong na ako ni Ethan , pinapagawa niya sakin yung mga gawain niya minsan namamaga tong kamay ko sa kakasulat "Wika ng anak ko
" Aba'y di na tama yan "Wika ni Menandro
" Baka inuunahan mo siya "Wika ko
Kilala ko si Ethan di niya papahirapan yung isang tao kung di siya inuunahan
" Naninigaw siya eh kaya hinahampas ko braso niya "Wika niya
" Yun naman pala eh kung ako sayo wag mo nalang siya pansinin "Wika ko
" Oo nga "Wika ni Menandro
" Nay? Tay? Kelan niyo ba ako papayagan magkameron ng boyfriend? Bente singko anyos na ako pero wala pa rin akong boyfriend ! Alam niyo bang naiingit ako sa mga kasama ko dun sa kompanya? Halos lahat sila meron tapos ako wala ! "Reklamo ni Margaux
Napatawa naman ng malakas si Menandro at biglang sumama tingin ng anak ko sa Tatay ko
" Ano ba nakakatawa Tay? Pag ako talaga nagkameron ng boyfriend aasawahin ko na para wala ng hiwalayan "Wika ni Margaux
" Alam mo payag naman ako eh pero tong Nanay mo ayaw "Wika ni Menandro
" Nayy payagan niyo na ako si Tatay nga pumapayag eh "Wika ni Margaux
" BAWAL "Diin ko
Di ko alam pero pansin kong di tumatanda anak namin eh walang may nagbago sa kanya
" Wag niyo na ako utusan ha tutal ayaw niyo naman akong payagan bahala kayo dyan "Diin ni Margaux
Tumayo naman siya tsaka tumakbo papunta sa taas ! Gaya nga ng sabi ko di ko na papayagang pumasok si Margaux sa relasyon dahil ayokong nababaliw yung anak ko.