CHAPTER 17

69 2 0
                                    


Ethan's POV

Matapos ang ilang linggo naging tahimik naman ang lahat ! Tuluyan kaming lumipat sa kompanya ni Tito Menandro dahil dun yung gusto ni Yanyan ! Pero di pa rin ako tinatantanan ni Ethel lapit pa rin siya ng lapit sakin pag wala si Margaux sa tabi ko ! Tsaka di ko alam kung anong nangyayari sa Yanyan ko palagi nalang mainit ulo sakin minsan naman paglate ako umuwi halos di na ako papasukin sa condo ko ! Buti nga ngayon walang topak eh ! Kasalukuyan akong nakaupo sa sala habang nakahiga si Yanyan sa dibdib ko na parang bata ! Iyak to ng iyak kagabi dahil di ko nabilhan ng mangga
" Tan uwi tayo Tan "Wika niya
" Tsk kakauwi pa nga lang natin dito eh tapos uuwi ulit tayo kila Nanay "Wika ko
" Ayaw na ayaw ah ! May babae ka no "Wika niya
Napatingin ako sa kanya at humarap siya sakin ! Ano ano na naman pinagsasasabi ng baklang to
" Sapakin pa kita eh "Wika ko
" Kala mo di ko alam na nakikipagkita ka kay Ethel ha ! Nagkita kayo sa Park ! Sige ipagpatuloy mo lang yan crush ko pa naman kapatid mo "Wika niya
" Alam mo sarap mong batukan eh andali mo lang maniwala sa mga sinasabi ng iba ! Bakit? Nandun ka ba ha para sabihin yan sakin?"Tanong ko
" Sus sabihin mo na lang sakin kung may relasyon kayo para matapos na to "Wika niya
" Andito na naman tayo eh di ka ba nagsasawa? Palagi nalang tayo mag aaway dahil dyan sa mga pinagsasasabi mo, iniiwasan ko nga si Ethel tapos makikipagkta pa ako sa kanya sa Park?! Malabong mangyari yun Yanyan "Wika ko
" Sinasabi ko lang sayo na kung may gusto ka ng iba sabihin mo nalang sakin dahil ako yung iiwas para maging masaya ka "Wika niya
" Wala akong iba kuntento na ako sa Yanyan ko "Wika ko
" Siguraduhin mo lang talaga "Wika niya
" Promise ikaw lang mamahalin ko habangbuhay wala ng iba "Wika ko
Yinakap niya ulit ako at humiga ulit siya sa dibdib ko ! Yinakap ko siya dahil Mahal ko si Yanyan tsaka di ko alam yung sinabi niya sakin kanina di ako nakipagkita kay Ethel
" Tann masakit tyan ko huhuhu "Iyak niya sa dibdib ko
" Ano bang meron dyan ha araw araw nalang yan pati ulo mo sumasakit din "Wika ko
" Nahihilo ako "Wika niya
" Magpahinga ka muna dyan sige na dadalhin nalang kita sa kama "Wika ko
" Huhuhu "Iyak niya
" Wag ka na umiyak "Wika ko
Gusto ko siyang dalhin sa hospital kung anong meron sa kanya kaso natatakot siya ayaw na ayaw niya ! Sabi rin sakin ni Edrian na nakita niya si Olga at Yanyan palabas ito sa hospital di niya daw alam kung anong ginawa nila dun ! Pumulupot naman mga kamay ni Yanyan sa bewang ko at natulog na ito
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang matapos akong magluto agad kong dinala yun sa may hapag kainan para makakain na si Yanyan ! Pumasok ako sa kwarto para gisingin si Margaux sigurado akong gutom na yun ! Nakita ko naman siyang nakayakap sa panda na bili ko kahapon
" Oyy Yann gising na kakain na tayo "Yugyog ko sa kanya
Napakamot naman siya sa ulo niya at yinakap ulit yung panda
" Yannn "Yugyog ko
Agad naman siyang bumangon at kinuskos mga mata ! Lumapit ako sa kanya at inayos ko buhok niya
" Di na ba masakit yung tyan ni Yanyan?! "Tanong ko
" Di na "Yakap niya sakin
Sabay kaming lumabas sa kwarto namin at umupo na sa hapag kainan kukuha na sana ako ng kanin ng bigla akong napatingin kay Margaux
" Bat ganyan tingin mo sakin?"Tanong ko
" Magdamit ka nasa harap ka ng pagkain "Sagot niya
" Tsk naiinitan ako "Wika ko
" Mas maiinitan yang katawan mo pag binuhusan ko yan ng sabaw "Wika niya
" Si Marg - - - "
" Ang sabi ko magdamit ka "Singit niya
Wala na akong nagawa kundi ang sundin si Margaux kinuha ko yung sando sa sofa at isinuot ko yun ! Bumalik ulit ako sa hapag kainan at nagsimula ng kumain
" Pasok tayo bukas ha "Wika ko
" Oo sige "Wika niya
Napangiti nalang ako habang kumakain siya ewan ko ba kung bat ganto ako ! Dati kasi ayaw ko sa mga bakla eh kasi feeling ko katawan lang gusto nila pero di pala lahat may bakla pala na wagas magmahal ibinigay niya sakin lahat kaya di ko siya papakawalan pa !
" Bat ayaw mong kumain?! Gusto mo ako pa magpakain sayo?! Tigas ng mukha mo ah "Wika niya
" Sinabi ko ba?!"Tanong ko
" May pangiti ngiti ka pang nalalaman "Wika niya
" Syempre kaharap ko mahal ko eh yiee kinikilig yann "Hawak ko sa kamay niya
" Gusto mo bang mamaga yang mga kamay mo?!"Hawak niya sa tinidor
" Ito na kakain na "Wika ko
Napatingin ako sa kanya at kita kong di siya kumukurap pag di ko kinakain pagkain ko kaya kinikindatan ko siya para mamula HAHAHA
" Pag ako di mo tinigilan bulag yang kanang mata mo "Wika niya
" Wag ka magsungit nasa harap tayo ng pagkain "Wika ko
" Nyenye "Wika niya
Ano kaya inilihi ni Nanay Roxie kay Margaux?! Iba iba mood eh minsan bata minsan yung tunay na Margaux madalas may topak kakainis hirap pang suyuin sarap kutongan ! Nang matapos kaming kumain umupo muna ako sa sofa at siya naghugas ng pinagkainan namin
" Tan labas tayo "Wika niya
" Ano naman gagawin natin sa labas "Wika ko
" Gala "Wika niya
" Hay nako di ka ba nagsasawa?! Nakakailang gala nga kayo ni Olga sa isang linggo eh "Wika ko
" Iba si Olga iba si Tantan "Wika niya
" Sino ba yang Tantan na yan?!"Tanong ko
" Di mo siya kilala?! Nakooo siya lang naman yung lalakeng kala mo kung sino ! Wagas makautos gusto niya nandyan agad yung inuutos niya di marunong maghintay ! Pag may topak di namamansin ng ilang araw ! Dapat susundin mo siya dahil kung hindi lagot ka at higit sa lahat panget ugali "Wika niya
Napatawa nalang ako sa mga sinasabi niya dahil lahat yun di totoo mabait kaya si Tantan
" Mabait kaya ako "Wika ko
" Mabait daw pilayan pa kita dyan "Wika niya
Nang matapos siyang maghugas umupo din siya sa sofa at humarap sakin
" Sarap ng upo ni Señorito ah parang walang labahan dun sa kwarto niya "Wika niya
" Ikaw naman maglalaba eh "Wika ko
" Kapal ng mukha mo uuwi nalang ako sa bahay kung gagawin mo lang akong katulong "Wika niya
" Joke lang "Halik ko sa kanya
Nagpahinga kami dahil mamasyal daw kami mamaya bigla naman niya akong yinakap at humarap sakin
" Baho mo boyy ligo ka na "Wika niya
" Lol kakaligo ko lang kanina sapakin pa kita dyan eh "Wika ko
" HAHAHA joke lang "Wika niya
Humiga naman siya sa hita ko habang nanonood kami ng movie ! Pansin ko rin na antukin na si Yanyan minsan pag nasa work kami nakikita kong natutulog siya sa mesa niya minsan hinahayaan ko nalang baka pagod eh .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT S2 (Completed)Where stories live. Discover now