RATED SPGOlga's POV
Dahil sa mga nangyayari agad naming inihatid si Aleng Mina sa terminal para makauwi na siya sa probinsya ayaw kasi ni Margaux na madamay pa siya sa gulo dahil matanda na si Aleng Mina siguro kailangan na niyang magpahinga sa lugar na kinalakihan niya!
" Maraming salamat ng tulong niyo Margaux! Napakabuti niyo ang bait niyo sobra salamat dahil makakauwi na ako "Wika ni Aleng Mina
" Wag ka ng mag alala Aleng Mina! Makakauwi ka na magpahinga ka na dun sa lugar niyo "Wika ni Margaux
" Maraming salamat "Wika ni Aleng Mina
Agad sumakay si Aleng Mina sa bus at kumaway na! Napatalikod naman tong kasama ko at nakita kong pumatak luha niya
" Wag ka na umiyak "Wika ko
" Kakamiss bii eh! Ilang taon siyang nanilbihan samin tsaka di niya kami pinabayaan! Sana magkita ulit kami "Iyak niya
" Tara na umuwi na tayo baka may makakita pa satin dito "Wika ko
Agad kaming naglakad at sumakay na ng taxi! Lahat ng sekreto ni Olivia at ikwenento ko na kay Yanyan! Ngayong nakauwi na si Aleng Mina panahon na siguro para alamin ang pagkatao ni Olivia
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dahil sa ayaw muna namin isipin si Olivia gusto muna naming ipahinga tong isip namin kakaisip kay sa kanya ayaw na ayaw din ni Yanyan na sabihin to kay Ethan dahil alam niyang mas lalong magagalit si Ethan pag nalaman niyang nagsisimula na naman si Olivia. Kasalukuyan akong nandito sa puno ng mangga nila Nanay kumakain ng mangga dami kasing bunga eh ubos to mamaya! Nasa baba naman yung pinanganak ko at binigyan ko din siya ng mangga habang galit na si Yanyan dahil di ko siya pinapansin HAHAHA gustong gusto na kumain eh pero di ko pinapansin! Ganito din kami noon ako taga akyat sa puno tsaka si Raprap binibigyan lang namin si Yanyan dahil di siya marunong umakyat pareho kaliwa paa eh HAHAHA
" Olgaaaa kanina pa ako nakatayo dito! Di mo pa ako binibigyan "Wika niya
" Saglit lang bii bibigyan kita dalawa "Wika ko
" Dalawa? Tigas talaga ng mukha mo e no? Samin nga tong mangga na to eh "Wika niya
Kita niyo na? Reklamador talaga yan simula pagkabata sarap itali
" Sabi ni Nanay ubusin ko daw "Wika ko
" Pag di mo talaga ako bigyan babatuhin kita dyan! Pareho lang kayo ng anak ko kanina pa kayo kain ng kain samantalang ako kanina pa nakatayo di pa rin nabibigyan "Reklamo niya
" Oo na ito na "Wika ko
Tumayo ako at naghanap ng mangga! Yung isa nag aapoy na eh! Kami lang yung nandito sa bahay nila Nanay umalis kasi sila tsaka hinila ako dito ng pinanganak ko dahil gusto niya daw kumain ng mangga!
" Ito na bii oh "Wika ko
Inihagis ko yung mangga tsaka bumaba na ako kanina pa ako busog eh!
" Paepal tong Rolando na to eh "Wika niya
" Bii ano ba wag mo akong tawaging Rolando sakit sa tenga "Wika ko
" Kinakahiya mo pangalan mo?"Tanong niya
" Hindi "Sagot ko
" Baby halika na papasok na tayo "Wika ni Yanyan sa anak niya
Agad kaming pumasok sa loob tsaka umupo kami sa sala habang pumunta si Margaux sa kusina
" Sarap ba baby?"Tanong ko
" Opo "Sagot niya
Habang kumakain kami ng mangga nagulat ako dahil nasa likod ko na pala si Gabriel dahilan para mapatayo tong katabi ko at nagpakarga
" Tito kain mangga Kian "Wika ni Kian
" Hingi naman ako "Wika ni Gabriel
" Mama dami dun sina bigay Papa "Wika ni Kian
" Ano daw?"Tanong sakin ni Gabriel
" Nandun daw yung Mama niya sa kusina marami daw mangga para sa Papa niya "Sagot ko
" Ahhhh "Wika ni Gabriel
Di ata to pumasok tong mokong na to! Sa pagkakaalam ko may trabaho to eh mamaya ka sa bahay
" Oyyy Gabriel? Ngayon ka lang ba?"Tanong ni Margaux
" Oo "Sagot ni Gabriel
" May mangga dun sa kusina marami "Wika ni Margaux
" Di na kakakain ko lang bago ako pumunta dito "Wika ni Gabriel
" Si Kuya ba hinahanap mo?"Tanong ni Margaux
" Oo eh! Ano? Sure na ba kayo? Maghihintay sila Papa bukas dun sa bahay kung sasama kayo "Sagot niya
Pupunta kasi kami bukas sa sikat na beach resort tsaka icecelebrate dun yung anniversary ni Tito Romeo at Tita Louise!
" Ewan ko sa Kuya mo! Kung sasama siya sasama kami ni Kian "Wika ni Margaux
" Sabihin ko nalang kay Papa "Wika ni Gabriel
Gusto niya daw na dito lang muna siya! Kaya hinayaan ko nalang pero lagot to sakin mamaya di pumasok sa trabaho niya eh sabi ko sa kanya pumasok siya kaso tigas ng ulo