Ethan's POVMatapos ang dalawang linggo naging mabuti naman ang lahat! Nagkaayos na rin kami ni Margaux at balak kong simulan yung panliligaw ko kaso habang patagal ng patagal parang may tinatago sakin si Margaux ayaw niya akong papasukin sa lumang bahay nila di ko alam kung bakit? Sila lang naman si Aleng Mina yung nandun pero bat ayaw niya akong papasukin? Ugh Margaux ka! Kasalukuyan akong nandito sa restaurant ko nagpahinga muna ako dito! May text din ng text sakin di ko alam kung san niya nakuha number ko gusto niya akong papuntahin sa Park na pinupuntahan namin ni Margaux noon pero di ko nalang pinapansin! Habang nakaupo ako nakita ko si Mama papasok sa restaurant ko agad naman siyang lumapit at umupo kaharap ko
" O Ma? Wala ka bang pasok?"Tanong ko
" Wala eh kaya napagpasyahan ko munang pumunta dito "Sagot niya
" Gusto mong kumain?"Tanong ko
" Ay hindi busog ako "Sagot niya
Kumuha nalang ako ng drinks at binigay ko kay Mama!
" Ano pang hinihintay mo? Pakasalan mo na si Margaux pwede mo na siyang buhayin Meron ka ng restaurant meron ka ng grocery ang hina mo talaga bata ka "Wika ni Mama
" Tsk! Si Mama talaga "Wika ko
" O bakit?"Tanong niya
" Ayaw nga magpahawak sakin pakasal pa kaya?"Sagot ko
" Hay nako nagpapabebe lang yan si Margaux nak sigurado ako "Wika ni Mama
" Pero Ma? Alam mo habang kasama ko siya parang kinakabahan siya na para bang may tinatago "Wika ko
" Tinatago? Ano naman itatago ng batang yun?"Tanong ni Mama
" Ayts! Wag mo na isipin Ma ako nalang bahala sa kanya "Wika ko
" O sya uuwi na ako baka dumating na Papa mo "Wika ni Mama
" Osige po ingat ka Ma "Wika ko
Dahil nga sa palubog na yung araw agad umalis si Mama at sumakay sa kotse niya! Si Mama at Gabriel lang yung kakampi ko sa bahay dahil ayaw ni Papa kay Margaux at ayaw niyang magsama kaming dalawa pero dahil sa kakampi ko si Mama susundin ko puso ko hanggang sa makuha ko ulit yung mahal ko
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makauwi ako sa condo ko agad akong humiga sa sofa at kinuha phone ko! Agad kong tinawagan si Margaux baka sakaling sumama siya sakin at kumain kami sa labas
• ON CALL •" Ano na naman kailangan mo? " -Margaux
" Kain tayo sa labas libre ko " -Ako
" Kumain ka mag isa kala mo sakin walang pera " -Margaux
" Sinabi ko? " -Ako
" Natutulog na yung tao tawag ka pa ng tawag " -Margaux
" Talaga natutulog ka na? Pagkakakilala ko kay Margaux alas onse natutulog eh! Alas syete pa lang naman ah " -Margaux
" Di nga ako lalabas may binabantayan ako kumain ka nalang mag isa " -Margaux
" Magbihis ka pupunta ako dyan bye " -Ako
• END OF CALL •Kala niya mauuto niya ako! Agad akong tumayo at naligo pupunta kasi ako kila Margaux sa ayaw at sa gusto niya kakain kami sa labas! Sino kaya kausap niya kanina habang kausap ko siya sa cellphone? Parang di naman yun si Aleng Mina! Boses bata ata yun! Nang matapos akong maligo agad akong humarap sa salamin at inayos sarili ko kinuha ko susi ng kotse ko at tuluyang umalis para puntahan si Margaux
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating ako sa bahay nila Margaux agad akong nagdoorbell at inayos ko ulit sarili ko! Ilang pindot na ginawa ko pero di pa rin lumalabas si Margaux! Napatingin ako sa relo ko at alas otso palang sigurado akong nakahiga lang yun sa kama! Maya maya pa'y nakita ko si Aleng Mina na lumabas at pinagbuksan ako
" Oh hijo? Gabi na ah "Wika ko
" Aleng Mina gising pa po ba si Margaux?"Tanong ko
" Si Margaux? Ahh oo nasa kwarto niya nakahiga "Sagot niya
Sabi ko na nga ba eh di pa yun matutulog dahil maaga pa
" Pakitawag naman po "Wika ko
" Osige "Wika niya
Agad naman siyang pumasok sa loob at napatingin ako sa bintana ng kwarto niya at bukas pa yung ilaw ng kwarto niya! Sumandal muna ako sa kotse ko habang hinihintay ko si Margaux! Maya maya pa'y nakita kong lumabas si Margaux at nakapantulog na ito lumabas naman siya at humarap sakin
" Tigas talaga ng ulo mo no? Sabi ko di ako sasama "Wika niya
" Magbihis ka na "Wika ko
" Umuwi ka nalang sa inyo matutulog na kami "Wika niya
" Kala mo aalis ako? Di ako aalis hanggat di ka nagbibihis! Tsaka libre ko naman eh "Wika ko
" Sabi ko di ako sasama "Diin niya
" Kahit ngayon lang sige na "Wika ko
" Gusto mo bang isumbong kita kay Kuya? Di nga ako sasama sabi "Inis niya
" Di rin ako uuwi dito nalang ako matutulog sa kotse "Biro ko
" Urghh kakainis na "Inis niya
" Sumama ka na kasi di naman tayo magtatagal eh "Wika ko
" Sarap suntukin mukha eh "Inis niya
" Sige na magbihis ka na "Wika ko
Napakamot naman siya sa ulo niya kaya tinulak tulak ko siya papasok sa bahay nila para magbihis na!
" Maghihintay ako sa labas ha! Tsaka bilisan mo "Wika ko
Napatawa nalang ako dahil biglang nagdabog! Susunod yun sakin pag pinilit ko siya HAHAHA! Kala niya di ko siya kilala eh! Hinintay ko siya dito sa kotse at kinuha ko muna cellphone ko! Hay Margaux ka doble yung hirap ko makuha ka lang pero di ako susuko mapasakin ka lang ulit .