CHAPTER 45

90 0 0
                                    


                       RATED SPG

Roxie's POV

" Mama "Yakap sa likod ko
Agad akong napalingon sa likod ko at nakita ko yung apo ko
" Oy bat ka nandito? Asan Mama mo?"Tanong ko
" Sama Kian Mama Papa uwi "Sagot niya
" Asan Mama mo?"Tanong ko ulit
" Labas "Sagot niya
Dahil nga sa nakita ni Menandro Apo niya agad niya itong kinarga tsaka pumunta sila sa kwarto! Nakita ko namang pumasok yung anak ko nakangiti pa ito
" Si Kian Nay? Nandito na ba sa loob?"Tanong ng anak ko
" Nasa taas dinala ng Tatay mo! Tsaka bat kayo nandito? Ang aga ah "Wika ko
" Iiwan ko kasi dito si Kian Nay "Sagot niya
" San ka naman pupunta Margaux ha?"Tanong ko
" Dun kila Matet! Pinapunta ako dun eh! Tsaka Nay di ako magtatagal dun "Sagot niya
" Sabi mo yan ha! Pag nagtagal ka dun dadalhin ko anak mo dun "Wika ko
" Tsk! Nandito naman si Tatay eh "Wika niya
" Nag almusal ka na ba? Mag almusal ka muna dun "Wika ko
Buti nga wala dito si Ares eh! Siya lang naman nagpapaiyak sa Apo ko tas antagal pa tumahan! Pumunta naman yung anak ko sa hapag kainan tsaka nagtimpla ito ng gatas! Napangiti nalang ako dahil nakita ko yung singsing na bigay sa kanya ni Ethan! Noon binubuksan ko kwarto niya tsaka naririnig ko yung mga panalangin niya na pakasalan siya ng taong mahal niya kaya ito na matutupad na pangarap niya
" Si Kuya Nay?"Tanong anak ko
" Inihatid yung kambal sa eskwelahan tsaka pupunta daw siya sa bahay nila Bianca "Sagot ko
" Buti nalang "Wika niya
" Nay? Pupunta ba sila Lolo tsaka si Lola(Mga magulang ko) sa kasal?"Tanong niya
" Nako hindi nak eh! Sabi ni Nanay kailangan daw nila mabantayan yung mga alagang hayop nila tsaka kailangan din nilang bantayan yung lupang pag mamay ari nila Nanay lalo na't gusto itong agawin ng mga kapatid ni Tatay "Sagot ko
" Edi sana sumama nalang ako sa inyo nung pumunta kayo ni Tatay sa probinsya para makita sila "Wika niya
" Pero binigyan kami ni Tatay ng tuba "Wika ko
" Tuba? Ano yun Nay?"Tanong ko
" Yun yung alak na galing sa puno ng niyog! Yun yung iniinom namin ng mga kaibigan ko nung nasa probinsya pa ako "Sagot ko
" Lah! Ngayon ko lang nalaman yun Nay "Wika niya
" Dito ka kaso lumaki sa Manila "Wika ko
" Kakalungkot naman! Matagal ko ulit makikita sila Lolo "Wika niya
Simula ng makilala ng anak ko yung Lolo't Lola lagi niya itong tinatanong sakin pag umuuwi ako sa probinsya kung okay lang ba sila dun di ko yan isinasama dahil may trabaho dito si Ethan! Nang matapos siyang mag almusal agad naman siyang tumayo at umalis na!
" Mag ingat ka Margaux ha "Wika ko
" Opo Nay "Wika niya
Pinagpatuloy ko na paglilinis ko tsaka kailangan ko tong tapusin agad sigurado akong mangungulit na naman yung isa lalo na't wala dito yung kambal
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dahil sa tanghali na kailangan kong patulugin tong isa dahil maglalaba ako! Nakita ko namang pumasok yung anak ko dahilan para mapatayo tong apo ko at lumapit ito sa Tita niya
" Labas selas linis Mama "Wika niya sa Tito niya
" Di naman yun sinabi ni Nanay ah tsaka dinadala ko naman dito sa loob yung tsinelas ko "Wika ni Ares
" Labas selas linis Mama "Wika ng apo ko habang nakapamewang ito
Napakamot naman tong isa tsaka iniwan sa labas yung tsinelas niya! Bumalik naman sakin yung Apo ko tsaka umupo ito sa tabi ko
" Ikaw? Bat ka nandito? Nung isang araw pumunta ako sa inyo tas di mo ko pinapasok tas ngayon nandito ka sa bahay namin? Umuwi ka "Wika ni Ares
Agad ko siyang pinalo ng walis tambo tsaka umupo ito sa harap namin
" Di man galit Mama Kian dito "Wika ng Apo ko
" Ares para kang baliw! Pati bata pinapatulan mo "Wika ko
" Sarap kalabanin Nay eh! Sumagot sagot HAHAHA "Tawa niya
" Di mo ba kasama si Bianca?"Tanong ko
" Ayaw sumama may topak! Ayaw lumabas sa kwarto niya kaya umuwi nalang ako tas sakto lang nandito tong supot na to "Sagot niya
" Teka lang magluluto lang ako ng ulam para makakain ka na "Wika ko sa anak ko
" Ma sama Kian Ma "Wika ng Apo ko
" Dito ka lang kay Tito "Wika ko
" Away "Wika niya
" Puntahan mo ko sa kusina pag inaway ka! Manood ka lang dyan magluluto lang si Mama "Wika ko
Tumayo ako at pumunta na sa kusina para magluto na! Hinayaan ko muna yung dalawa dahil sigurado akong nagugutom na rin si Menandro kakasulat sa mga importanteng papeles na dadalhin niya .
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dahil sa tulog yung isa naisipan kong bukas nalang maglaba! Nagtahi nalang ako dahil nasira yung bag ni Miggy kaya ayun binilhan nalang siya ng bago ng Kuya niya! Nanood naman si Menandro habang may ginagawa si Ares! Habang nagtatahi ako bigla nalang mag bumalabog sa taas dahilan para mapatingin sakin si Menandro
" Ano yun?"Tanong niya sakin
" Di ko alam "Sagot ko
" Puntahan mo nga "Wika niya
Inilagay ko sa mesa yung bag ng anak ko tsaka pumunta ako sa taas para tingnan kung ano yun! Hanggang sa nakita kong wala na sa higaan yung Apo ko!
" Kian "Tawag ko
Nabalot naman ng katahimikan yung kwarto tsaka narinig kong bumukas yung shower sa banyo kaya agad akong pumasok sa banyo at nakita kong naglalaro na naman ng tubig yung Apo ko
" Leche kang bata ka nandito ka na naman! Tigas talaga ng ulo mo "Lapit ko sa kanya
" Laro man Kian Mama "Wika niya
" Basa ka na naman! Wala ka ng damit Kian! Pinapalabas mo talaga sungay ko bata ka "Wika ko
Hahawakan ko sana siya para lumabas kami ng banyo ng bigla siyang tumakbo palayo dala pa yung tabo
" Ayaw laro Kian Mama "Wika niya
" Wag mong paglaruan yung tubig! Sa baba ka maglaro nandun naman mga laruan ng Tito Miggy mo "Mahinahon kong sabi para di ako tuluyang uminit ulo ko sa batang to
" Ayaw laro man "Wika niya
" Pinapainit mo talaga ulo ko bata ka "Wika ko
Kala ko natutulog to eh tas ngayon nandito na pala sa banyo!
" Ares! Kunin mo nga yung walis tambo papaluin ko lang tong batang to "Panakot ko sa Apo ko
" Ayaw Mama "Iyak niya
" Ayaw? Pinainit mo ulo ni Mama eh kaya palo ka sakin ngayon "Wika ko
Agad naman niyang binitawan yung tabo tsaka lumapit sakin
" Ayaw palo Mama ayaw palo "Iyak niya
Pumasok naman si Ares tsaka dala nito yung walis tambo
" Lagot ka kay Tatay basa ka na naman "Wika ni Ares
" Akin na yan papaluin ko talaga to! Pinapalabas sungay ko eh "Panakot ko sa apo ko
Todo tawa naman tong isa habang iyak ng iyak tong apo ko! Dinala ko siya sa sala tsaka hinubad ko damit niya! Pinunasan ko siya tsaka pinalo ko siya ng mahina
" Huhuhu "Iyak niya
" Ano? Pupunta ka pa sa banyo?"Tanong ko
" Di ulit Mama Kian tulog na "Iyak niya
" Tulog? Di ka nga natutulog eh kanina ka pa pasaway sakin "Galit galitan ko
" Di ulit Ma "Iyak niya
" Ngayon wala ka ng damit wala ka na rin susuotin "Wika ko
Tumayo muna ako tsaka naghanap ng damit sa lalagyan ng damit ni Miggy baka may magkakasya sa Apo ko! Nakita ko namang umupo siya sa sofa tsaka iyak pa rin ng iyak! Bumalik ako sa kinaroroonan niya tsaka pinasuot yung damit ng Tito Miggy niya
" O tingnan mo yung sarili mo parang walang may nagmamay ari sayo anlaki ng damit mo "Wika ko
" Wag galit Mama "Iyak niya
" Hindi! Hindi tayo bati "Wika ko
Di naman siya tumigil kakaiyak tsaka kumuha ako ng diaper niya! Kinarga ko siya tsaka bumaba na kami! Napatingin naman sakin si Menandro dahil narinig niyang umiiyak Apo niya
" Roxie ano na naman to?"Tanong niya
" Naglaro na naman ng tubig sa banyo "Sagot ko
" O ito diaper ipasuot mo sa kanya! Di ko yan bati "Wika ko kay Menandro
" Di ka kasi natutulog eh nagalit tuloy si Mama "Wika ni Menandro
Agad naman niyang pinahiga niya Apo niya tsaka ipinasuot yung diaper! Sasabihan ko talaga si Margaux na wag na sila magdagdag pa ng isa! Isa pa nga lang anak na stress na ako pano na kung dalawa? Ganto din dati si Margaux palagi ko yun pinapalo dahil sa tigas din ng ulo nun! Minsan tatalon pa sa bintana makatakas lang sakin .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT S2 (Completed)Where stories live. Discover now