CHAPTER 29

149 0 0
                                    


Margaux's POV

Kasalukuyan kaming nakahiga habang nasa gitna yung anak namin! Oo dito natulog si Ethan dahil gusto niya daw! Todo yakap naman sakin yung anak ko baka agawin daw ako ni Ethan! Inis na inis naman si Ethan dahil di niya ako mahawakan dahil may bantay sa gitna lingon naman ng lingon yung anak ko kay Ethan tinitingnan kung hinahawakan ba ako
" Usoggg "Wika ni Kian kay Ethan
" Nandito na nga ako eh di ko naman nanakawin yang Mama mo! Ako nga yung Papa dito dapat ako katabi ng Mama mo "Wika ni Ethan
" Ayaw "Iling iling ng anak ko
" Tskkkk "Kamot ni Ethan sa ulo niya
" Maaaa ayaw sunod Papa Maaa "Wika ni Kian
" Patayin mo yung ilaw para makatulog na to anong oras na "Wika ko
Agad namang bumangon si Ethan para patayin yung ilaw! Humiga naman siya at tumalikod samin halatang galit HAHAHA siguradong away to araw araw
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Naalimpungatan nalang ako dahil kumilos si Ethan nakita ko namang kinarga niya anak ko at inilipat sa gilid
" Hoy baliw ka baka mahulog yan malikot pa naman yan "Bulong ko
" Di yan "Bulong niya
Nilagyan naman niya ng unan sa gilid para di mahulog yung anak namin!
" Ethan malikot yan "Hampas ko sa kanya
" Di nga yan may unan naman eh "Wika niya
Humiga naman siya sa tabi ko tsaka tiningnan anak niya baka magising
" Ngayon solo na kita "Yakap niya sakin
" Tsk nakayakap sakin yung anak ko kanina tapos kinuha mo "Wika ko
" Kasi nga tabi tayo "Wika niya
Humarap ako sa kanya at humiga ako sa braso niya
" Namiss mo ba ako?"Tanong niya
" Sobra "Sagot ko
" Ang saya ko dahil kasama ko na kayo "Wika niya
" Ako din Ethan! Noon kasi akala ko hindi tayo yung para sa isa't isa tsaka natatakot ako nun na baka di na tayo magkita sa loob ng limang taon "Wika ko
" Sabi ni Mama pag nahanap mo na daw yung true love mo kahit maghiwalay kayo ng ilang beses gagawa daw ng paraan yung tadhana para makapiling ulit natin yung isa't isa "Wika niya
" Tapos punta ka pa sa bar ha? Dadalhin ko talaga yang anak mo dun para malaman nilang may anak ka na "Wika ko
" Tsk! "Bulong niya
Yinakap ko siya tsaka natulog na ako! Sana wala ng gugulo samin! Gusto ko mang gumanti kay Ethan noon pero ano nga bang magagawa ko dahil naawa ako sa kanya! Kaya ngayong kasama na namin siya di na ako maghahanap ng iba pa .
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nagising nalang ako dahil kay Kian iyak ng iyak ito habang nakapatong sakin! Ano na naman kaya kailangan nito! Tulog pa yung katabi ko habang humihilik pa ito yinakap ko anak ko at bumangon na kami dahilan para bumangon din si Ethan!
" Bangon na mag aalmusal na "Wika ko kay Ethan
Sabay kaming bumaba at pinaupo ko anak ko sa ibabaw ng mesa
" Anyare dyan?"Tanong ni Ethan sakin
" May topak "Bulong ko
Tinimplahan ko ng gatas yung anak ko tsaka binigay ko yun sa kanya! Kinarga naman ni Ethan anak niya at umupo sila sa sala nagluto na rin ako ng aalmusalin namin dahil wala dito si Aleng Mina! Tsaka natanggap na ako dun sa kompanyang inaplyan ko! Kay Aleng Mina ko iiwan yung anak ko dahil may negosyo din si Ethan! Nang matapos akong magluto agad kong hinain yun at dinala sa mesa
" Ethan halika na dito "Wika ko
Agad naman siyang tumayo habang karga yung anak niya! Pinaupo niya ulit ito sa mesa at umupo na
" Hirap naman patahanin to "Wika ni Ethan
" Sinabi mo pa "Wika ko
Napatingin ako sa anak ko at nanlaki nalang mata ko dahil sama ng tingin nito sakin
" Bakit?"Tanong ko sa anak ko
" Gabi Kian gitna tulog, gising gilid na "Iyak ng anak ko
" Bat ka nakatingin sakin? Si Papa sisihin mo inilipat ka niya sa gilid "Wika ko
" Bat lipat?"Tanong ni Kian sa Papa niya
" Kasi nga ako yung Papa dapat ako katabi ng Mama mo tsaka ikaw baby namin sa gilid ka lang "Pang aasar ni Ethan
" Di payag "Iling iling ng anak ko
" Kala mo matatalo mo yan?"Bulong ko
" Aba'y oo naman "Wika ni Ethan
" Bibilhan kita ng sarili mong kama para masolo ko Mama mo "Pang aasar ni Ethan
" Mamaaaaa "Iyak ng anak ko
" Ethan ano ba "Hampas ko sa kanya
Napatawa naman siya dahil sa anak ko! Ginusto ko nga dito sa lumang bahay dahil wala dito si Kuya tapos nandito tong Ethan na to para paiyakin din anak ko
" Gagawa kasi ulit kami ng bagong baby diba Mama?"Tanong sakin ni Ethan
" Ma ayaw Maaaa "Wika ng anak ko
" Wag kang makinig sa Papa mo paepal yan "Wika ko sa anak ko
" Gagawa kami ng bagong Kian "Pang aasar ulit ni Ethan
" Di too "Wika ng anak ko
Nag almusal na kami habang dumedede yung anak namin! Nung nakaraang araw nag usap kami ni Tito Romeo humingi siya ng tawad sakin dahil ayaw na ayaw niya sakin noon para kay Ethan kaya pinatawad ko si Tito Romeo alang alang sa anak ko! 
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Wala dito yung dalawa lumabas muna tsaka sila lang namasyal di ako sasama dahil inaayos ko yung mga papel na gagamitin sa susunod na linggo dahil may trabaho na ulit ako para sa anak ko! Buti pa si Ethan nakapagpatayo ng business samantalang ako wala! Kaya nga ako magtratrabaho para makapag-ipon ng pera tsaka gusto ko din magpatayo ng business! Habang may pinipirmahan ako nakita kong papasok si Olga at Gabriel sa bahay dahilan para mapatigil ako kakapirma! Pumasok naman sila at lumapit sakin
" Kiannnn "Tawag ni Gabriel
" Nako wala sila dito ni Ethan lumabas sila namasyal "Wika ko
" Himala nagpaiwan "Wika ni Olga
" Tsk! Kita mo to?"Turo ko sa mga papel
" May ibibigay pa naman ako kay Kian "Wika ni Gabriel
" Mamaya nalang Gab pag umuwi na sila "Wika ko
Umupo naman sila sa sofa tsaka kumuha ako ng makakain nila!
" O ito bii kain muna kayo "Wika ko
Inilapag ko sa mesa yung pagkain at may ibinigay sila sakin para daw kay Kian
" Salamat "Wika ko
" Iwan muna kita dito ha kailangan ako ni Papa "Wika ni Gabriel kay Olga
" Ano ba naman yan Gabriel kala ko gusto mong pumunta dito?"Tanong ni Olga kay Gabriel
" Kailangan nga ako ni Papa babalikan kita dito "Wika ni Gabriel
" Wag kang magtatagal dun ha "Wika ni Olga
" Oo "Wika ni Gabriel
Agad namang umalis si Gabriel at naiwan kami ni Olga! Napatingin ako kay Olga dahil nakakunot noo ito
" Tinitingin tingin mo? Maganda ba?"Tanong ni Olga
" Oo mukhang palanggana "Sagot ko
" Grabi ka ah "Bato niya sakin ng unan
" Bii? Kinakabahan ako dahil magtratrabaho na ulit ako "Wika ko
" Tsk! Para sa anak mo yan diba? Bat ka kakabahan?"Wika niya
" Eh kasi nga puro lalake mga empleyado dun sa kompanyang yun tsaka apat lang ata mga babae "Wika ko
" Ano naman?"Tanong niya
" Ughh bahala na nga "Wika ko
" Bii? Alam mo sa twing lalabas ako ng bahay parang may sumusunod sakin kaya simula nung mapansin kong may sumusunod sakin di na ako lumalabas ng bahay pag di ko kasama si Gabriel "Wika ni Olga
" Baka namamalikmata ka lang "Wika ko
" Hindi bii parang sinusundan talaga ako eh nakakatakot na lumabas "Wika niya
" Wag mo nalang pansinin yun bii "Wika ko
Habang nasa kalagitnaan kami ng pag uusap ni Olga bigla nalang may bumusina sa labas ng bahay namin
" Tara bii samahan mo ko "Wika ko
Sabay kaming tumayo at lumabas sa bahay para tingnan kung sino yung bumusina kaya binuksan ko yung gate at napakunot noo nalang ako dahil di ki kilala tong kotse na to bigla namang bumukas yung bintana nito at nakita ko yung magandang babae
" Pwede po magtanong?"Tanong niya
" Oo naman "Sagot ko
" Dito ba nakatira si Ethan Verdeflor? Wala kasi siya dun sa condo niya "Wika ng babae
" Si Ethan? Ah oo dito nga "Wika ko
" Ahhh okay po salamat "Wika niya
" Sino po sila? Bat niyo hinahanap si Ethan?"Tanong ko
" Ahh Ako si Olivia kaklase ni Ethan Verdeflor noon pakisabi naman ho sa kanya na pumunta ako dito dahil wala siya dun sa condo niya "Sagot niya
" Ahh oosige "Wika ko
Agad namang umalis yung pinto na yun teka! Parang pamilyar siya sakin
" Gandang babae bii laki dyoga tang ina "Wika ni Olga
" Tsk! Halika na "Wika ko
Parang nakita ko na siya dati eh pero parang di siya yun! Umupo ulit kami ni Olga sa sala at tila lumilipad isip ko dahil sa babaeng yun! Bat niya hinahanap si Ethan? Ano kailangan niya? Ughh tanungin ko nalang mamaya si Ethan kung kilala niya yung Olivia na yun .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT S2 (Completed)Where stories live. Discover now