Ethel's POV
Gusto kong pumatay ng tao dahil nalaman kong nasa kamay na pala ni Menandro yung anak niya dahil kinuha ni Stanford si Margaux at dinala kay Menandro sobrang pakialamero yung kapatid ko ! Mga bobo talaga yung mag asawang yun nauto sila ni Stanford mga mukhang pera ! Sino gagamitin ko laban kay Menandro na ngayo'y nasa kamay na nila si Margaux?! Bwesit !!! Nanggigigil ako !! Kasalukuyan akong nandito sa bahay namin dahil nagaasikaso ako ng mga papeles ko ! Gustong gusto ko na magkaanak kaso ayaw ni Ethan dahil di pa daw siya handa para maging Tatay ! Ilang taon na kaming nagsasama pero wala paring may nangyayari samin ! Sigurado akong gagawa ng paraan si Gabriel maalala lang ni Ethan si Margaux ! Habang nag aasikaso ako ng mga papeles ko bigla nalang bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si Ethan na ikinangiti ko
" Kala ko ba pupunta ka sa bahay ?"Tanong niya
" May ginagawa pa kasi ako Ethan "Sagot ko
" Patingin nga "Wika niya
Agad naman niyang hinalikan yung pisngi ko at tiningnan niya yung mga papeles ko
" Sana magkasama nalang tayo sa trabaho para araw araw akong masaya "Wika niya
" Okay lang yun ! Sabay naman tayong uuwi eh "Wika ko
" Sya nga pala Mahal , magsisimula na yung trabaho ko sa susunod na linggo sabi ni Papa "Wika niya
" Ako rin Mahal magsisimula na rin ako sa susunod na linggo "Wika ko
Umupo naman siya sa sofa ko at hinayaan ko lang siya dahil may ginagawa pa ako ! Di ko hahayaang magkita ulit sila ni Margaux baka maalala niya kung sino yung taong yun ! Sigurado akong kakampihan yun ni Matilda(Kapatid ni Menandro) pag nalaman niyang kaaway ko si Margaux ! Pinabagsak at pinahiya kami nun ni Matilda dahil sa ginawa ni Papa pero di ako papayag na mangyari ulit yun ! Gaganti pa ako sa kanila pababagsakin ko rin yung kompanya at ibang pag mamay ari nila HAHAHAHAH.Margaux's POV
Di ko talaga kakalimutan yung ginawa sakin ni Raprap ! Simula ngayon kakalimutan ko na siya , di ko na siya papansinin bahala siya sa buhay niya ! Kala niya di ako nasaktan?! Crush na crush ko siya tapos ganun gagawin niya sakin ?! Aba'y mali yun ! Kasalukuyan akong nagdidilig ng mga halaman ni Nanay dahil umalis siya at namalengke and guess what?! Magkakatrabho na ako sa susunod na linggo bilang isang secretary yesss hooo, gusto ni Sir Domingo na babae ang maging secretary ng boss ko kaso walang may nag aapply kaya ako nalang yung napili ! At balita ko gwapo daw boss ko , yun kasi sabi ng babae sa kompanya ni Sir Domingo eh ! Kelan kaya ako magkakaboyfriend ?! Bente singko anyos na ako pero wala pa rin akong boyfriend si Olga may nanliligaw sa kanya kaso ayaw niyang sagutin dahil may hinihintay daw siyang lalake eh ewan ko ba sa baklang yun ang gwagwapo kaya nanliligaw sa kanya tapos ayaw sagutin baliw ata ! Tsaka alam niyo ?! Nung nasa Mall ako may nakita akong lalake na pamilyar sakin yung mukha pero di ko alam kung ano pangalan niya parang nakita ko na kasi siya dati eh! Pero hinayaan ko nalang dahil di ko naman siya kilala
" Margauxxxx "Tawag ni Tatay
" Poooo !! "Sigaw ko
" Halika muna dito may naghahanap sayo "Wika ni Tatay
" Saglit lang po "Wika ko
Agad kong tinapos yung ginagawa ko at agad akong pumunta sa kinaroroonan ni Tatay baka yun na yung boss ko kasi yun yung sabi ni Tatay magkikita daw kami ngayong araw
" Sino daw Tay? "Tanong ko
" Kaibigan mo daw "Sagot niya
Hay nako baka si Olga na naman to wala kasing pasok si Olga dahil may sakit siya pero bat siya pumunta dito kung may sakit siya?! Nang makalapit ako kay Tatay bigla nalang uminit dugo ko dahil nandito pala si Raprap na to ! Nagawa pa niyang pumunta dito ah
" Hi Margaux free ka ba ngayon?! "Tanong niya
" Bakit?! "Tanong ko
" Gusto ko sanang mamasyal kasama ka "Wika niya
" Mamasyal ka mag isa mo ! Kala mo ha "Wika ko
Bigla namang napatingin sakin si Tatay at bilang kumunot noo niya! Pagkatapos niya akong awayin at sigawan sa 7/11 nung nakaraang araw tapos ngayon magbabait baitan siya para isama ako sa pamamasyal niya?! Mamasyal siya mag isa
" Alam mo Tay wag mong kampihan yang lalakeng yan sinigawan lang naman ako ng lalakeng yan nung nakaraang araw "Wika ko
Napatingin naman si Tatay kay Raprap at nakita kong nagulat siya sa mga sinabi ko ! Ano? Magsisinungaling siya sa harap ng Tatay ko? Kala niya makakalusot siya sakin ha
" Lahh Tito di po yun totoo "Wika ni Raprap
" Hoyyyy Raprap wag ka ngang magsinungaling kay Tatay ! Anong di totoo ha?! "Tanong ko
" Margaux ano bang pinagsasasabi mo ! Ngayon lang tayo nakita dahil nung nakaraang linggo nasa bahay lang ako dahil nagkasakit ako "Wika niya
" Talaga?! Tinutok mo nga kamao mo sa mukha ko eh "Wika ko
" Hay nako "Kamot niya sa ulo niya
" Totoo ba yun hijo? "Tanong ni Tatay kay Raprap
" Di po yun totoo Tito "Sagot niya
" Napakasinungaling talaga "Bulong ko
" Mag usap muna kayo dito may gagawin lang ako sa loob "Wika ni Tatay
" Pero Tay di mo man lang ba papagalitan tong lalakeng to?! "Tanong ko
" Hay nako ewan ko sa inyo "Sagot ni Tatay
Agad namang naglakad si Tatay papunta sa loob ng bahay namin kaya sinamaan ko ng tingin tong raprap na to
" Makakaalis ka na di ako sasama sayo pangit ugali mo "Wika ko
" Margaux di nga ako yun "Wika niya
" Maloloko mo Lolo mo pero di mo ko maloloko "Wika ko
" Di ka pa rin nagbabago no?! Di ka talaga naniniwala sinabi ng hindi ako yun eh! Nahihirapan talaga akong talunin ka pagdating sa daldalan "Wika niya
" So ako pa madaldal? Ha? "Tanong ko
" Oo na ako yun, sorry sa ginawa ko patawarin mo na si Raprap "Wika niya
" Kita mo na "Wika ko
" Sorry kung sinigawan kita! Kasi sabi mo sinigawan kita "Wika niya
" Tapos sasabihin mo kay Tatay na di totoo mga sinasabi ko "Wika ko
" Sorry na nga diba?! Sorry na "Wika niya
Napatingin ako sa tenga niya at nakita kong may hikaw siya pero nung inaway niya ako wala naman siyang hikaw nun eh siguro tinanggal lang niya
" Ano? Di mo man lang papatawarin yung crush mo? "Tanong niya
Dahil sa sinabi niya'y bigla akong kinabahan at namula pano niya nalaman? agad akong tumalikod at pinakalma ko sarili ko
" Kala mo di ko malalaman ha sinabi kaya sakin ni Olga "Wika niya
" Di kita crush pangit ugali mo "Wika ko
" Talaga?! "Tanong niya
Agad naman siyang lumapit sakin at humarap ito dahilan para tumibok yung puso ko! My gosh first time ko to urrgghh Margaux wag kang magpapadala sa ngiti niya pangit ugali ng lalakeng yan! Paepal talaga yung Olgang yun sinabi ng wag sasabihin kay Raprap eh, bugbug aabutin nun sakin ! Dahil sa naiilang na ako agad ko siyang tinulak
" Papansin ka talaga isusumbong kita kay Tatay "Wika ko
" Namula si Margaux yieee "Kiliti niya sakin
" Ano ba "Kurot ko sa kanya
" Matagal mo na pala akong crush tapos di mo sinabi sakin ! Kung di sasabihin sakin ni Olga di ko malalaman "Wika niya
" Alam mo uto uto ka naniwala ka agad kay Olga "Wika ko
" Syempre kaibigan ko si Olga maniniwala ako sa kanya "Wika niya
" Pareho lang lang kayo mga uto uto "Wika ko
Bigla naman siyang napatingin sa loob ng bahay namin at sa likod niya nagulat nalang ako ng bigla niya akong ikinulong gamit mga kamay niya dahilan para magpigil hininga ako
" Sasama ka kay Raprap o sasabihin ko sa Tatay mo na boyfriend mo ko "Wika niya
Bigla nalang natuyo yung lalamunan ko dahil sa pinagsasasabi ng lalakeng to ! Ano gusto niya ang pagalitan ako ni Tatay?!
" Ano?! Di ka magsasalita?! "Tanong niya
Di ko alam pero di ko maigalaw yung katawan ko hanggang sa nakita ko si Nanay pababa sa tricycle kaya agad kong naitulak si Raprap
" Ayaw mo talagang magsalita ha "Wika ko
Papasok na sana siya sa bahay namin ng agad kong hawakan braso niya ! Huhuhu mukhang mapapasama ako sa lalakeng to
" Oo na sasama ako sayo "Wika ko
" Yun naman pala eh "Wika niya
Di ko alam na nasa harap na pala namin si Nanay at nakataas kilay ito habang nakatingin sa braso ni Raprap na hawak ko kaya agad kong binitawan yun
" Ipasok mo nga to sa loob kakausapin ko lang tong lalakeng to "Wika ni Nanay
Bigla naman niyang ibinigay sakin yung mga dala niya at humarap siya kay Raprap
" Sinabi ng ipasok mo yan sa loob "Wika ni Nanay
" Opo ito na po "Wika ko
Jusko kinakabahan ako baka sabihin ng lalakeng yun na boyfriend ko siya lagot ako nito kay Nanay at Tatay ! Agad akong tumakbo papunta sa loob para ilagay sa mesa yung mga pinamili ni Nanay at agad akong lumabas para maabutan ko yung pinag uusapan nila ! Lalabas na sana ako ng bigla kong nakasalubong si Nanay
" Ikaw ha ayus ayusin mo yang kilos mo lagot ka samin ng Tatay mo "Wika ni Nanay
" Po?! "Tanong ko
" Po po-in ko yang mukhang mo "Wika ni Nanay
" Si Nanay naman ehh "Wika ko
Magsasalita pa sana ako ng biglang tinawag ni Tatay si Nanay kaya dali dali akong lumabas at nakita kong nakangiti ito
" Ano pinag usapan niyo ng Nanay ko?! "Tanong ko S kanya
" Secret, samin lang yun "Sagot niya
" Tsk ! Sabihin mo na sige ka di ako sasama sayo kung di mo sasabihin "Wika ko
" Dami mong kuda! Magbibihis ka o sasabihin ko sa Nanay at Tatay mo na boyfriend mo ko "Wika niya
Nakakainis talaga minsan tong lalakeng to gagawa yan ng kwento na ikakatakot ko para mapasunod niya lang ako
" Nakakainis ka na Raprap "Wika ko
" Bilis na!!! Pag ako nainis papasok na talaga ako sa bahay niyo pupuntahan ko Tatay mo "Wika niya
" Oo na ito na "Wika ko
Gusto ko sanang di sumama sa kanya kaso urghh nakakainis na talaga sarap makipagsuntukan sa lalakeng yun nanggigigil naako ! Dahil sa natatakot ako na baka totohanin yun ni Raprap nagbihis nalang ako para sumama sa mokong na yun pasalamat siya crush ko siya nako kung hindi di talaga ako sasama ! Charot HAHAHAH. Nang matapos akong magbihis agad akong lumabas sa kwarto ko nakasalubong ko naman si Nanay at napatingin siya sakin mula ulo hanggang paa
" San na naman punta mo aber?! "Tanong ni Nanay
" Mamamasyal kami ni Raprap "Sagot ko
" Alam na ba to ng Tatay mo?! "Tanong ni Nanay
" Opo "Sagot ko
" Osige mag ingat kayo "Wika ni Nanay
Agad akong lumapit kay Nanay at yinakap ko siya mahal ko Nanay ko kahit pinapagalitan ako
" I love you Nay "Wika ko
Hinalikan naman niya noo ko at nagpaalam na ako sa kanya tuluyan akong lumabas sa bahay namin at nakita kong nakasandal si Raprap sa kotse niya ! Ang hot talaga ng lalakeng to sarap suntukin mukha ang kapal kasi kainis
" Ang tagal tagal, naibus mo yung isang oras "Wika niya
" Ang tagal tagal, naibus mo yung isang oras "Panggagaya ko
Agad akong sumakay sa kotse niya dahil ayaw kong makipag usap sa kanya sumakay din naman agad siya
" San tayo pupunta?! "Tanong ko
" Sa hotel, may gagawin tayo dun "Sagot niya
Bigla nalang ako kinabahan dahil dun sa sinabi niya my gosh nag green agad utak ko, eraseee!
" HAHAHAH "Tawa niya
" Sumeryoso ka nga "Inis ko
Bigla naman niyang ginulo buhok ko at ngumiti siya
" Joke lang yun Margaux! Dadalhin kita sa lugar na kung saan dun tayo unang nagkita ! Kung naaalala mo sana ako ng lubusan baka masaya ka ngayon di mo lang ako kaibigan Yanyan ! Ako to si Raprap na tagapagtanggol mo noon "Wika niya
Di ko alam pero parang lalabas yung luha ko kaya ngumiti ako sa kanya at napatingin ako sa labas para pigilan yung luha ko nagsimula naman siyang magmaneho kaya umidlip muna ako
_
_
_
_
_
_
_
_
Nagising nalang ako dahil yinugyog ako ni Raprap kinuskos ko mata ko at napatingin ako sa labas nakita ko naman na nasa Park kami
" Bat tayo nandito?" Tanong ko
" Gaya ng sinabi ko dadalhin kita dito kasi dito tayo nagkakilala "Sagot niya
Agad naman siyang lumabas kaya lumabas na rin ako at kinuha ko bag ko ! Nakita ko namang naglalaro yung mga bata at lumapit sakin si Raprap
" Tara upo tayo dun "Wika niya
" Tara "Wika ko
Agad kaming naglakad at umupo kami sa may puno para di kami maarawan !
" Naalala mo ba tong lugar na to? "Tanong niya
Napaisip ako kung nakapunta na ba ako dito pero wala akong maalala eh
" Hindi eh "Sagot ko
" May isang bata nun na sobrang iyakin, ayaw niyang hinahawakan siya at ayaw niyang may lumalapit sa kaibigan niya, matapang lang kung kasama niya kaibigan niya pero pag wala kaibigan niya umiiyak dahil wala siyang makausap! Tapos bigla nalang manghahampas pag lumalapit ako, magsusumbong sa Kuya niya para awayin ako kahit wala naman akong kasalanan ! Hanggang sa dumating yung araw na malakas ang ulan at dito siya umiiyak dahil iniwan siya ng Kuya niya bumaba ako sa kotse ni Papa at nilapitan ko yung batang yun pinasakay ko siya sa kotse namin para ihatid sa bahay nila, at simula nun naging magkaibigan na kami "Kwento niya
" Woaahhh! Kilala ko ba yung batang yun? "Tanong ko
" Oo "Sagot niya
" Sino? "Tanong ko
" Ikaw "Sagot niya
" Ngeeek hindi naman ako iyakin eh "Wika ko
" Anong hindi?! Sakin ka nga lumalapit pag inaaway ka minsan nila Olga at Tristan eh "Wika niya
" Si Olga aawayin ako?! Di niya yun gagawin sakin no best friend ko siya "Wika ko
Habang nag uusap kami bigla nalang dumilim yung kalangitan hudyat na uulan
" Tara na baka umulan pa "Wika ni Raprap
Agad kaming tumayo at tumakbo kami papunta sa kotse niya dahil umaambon na agad kaming sumakay sa kotse niya
" Punta tayo sa mall may bibilhin lang ako "Wika niya
" Sige "Wika ko
Hay nako feel ko ako na yung baklang swerte dahil araw araw kong kasama crush ko ! Kamusta na kaya yung panliligaw ni Raprap kay Julia(Babaeng nililigawan ni Raprap) minsan ko nalang kasi silang nakikitang magkasama eh pero mas swerte pa rin si Julia dahil niligawan siya ng taong imposibleng maging sakin.
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating kami sa mall ay sya naman ang pagtila ng ulan kailangan kong makauwi ng maaga dahil palubog na yung araw
" May ipapabili ka ba sakin? "Tanong ni Raprap sakin
" Wala "Sagot ko
Ngumiti naman siya at agad naman siyang tumakbo at pumasok sa loob ng mall, di ko alam pero naisipan kong pumasok sa Mall para tingnan ang mga presyo ng mga damit na paborito ni Kuya malapit na kasi kaarawan niya pumunta ako sa taas para maghanap ng magandang damit para kay Kuya ! May nahanap na ako kaso mahal eh di ko afford hihingi nalang ako ng pera kay Tatay para mabili ko yun magtatanong na sana ako sa sales lady ng biglang may tumawag sa pangalan ko dahilan para mapalingon ako
" Margaux ikaw nga "Wika ng babae
" Sino po sila? "Tanong ko
" Ako to si Tita Louise mo "Sagot niya
Napapikit nalang ako dahil biglang sumakit yung ulo at umecho sa isip ko yung pangalan niya
" Kamusta ka na? "Tanong niya
" Sorry po ha pero di po kita kilala ! Wala po akong kilalang Tita Louise "Wika ko
Napatahimik naman siya at biglang lumungkot mga mata niya
" Sorry po talaga "Wika ko
Agad akong tumakbo papunta sa elevator para bumaba na ! Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil paulit ulit na umeecho sa isip ko yung pangalan niya ! Sino siya parang kilala ko siya ! Dalawang beses na tong nangyari sakin nung narinig ko yung pinag uusapan nila Nanay na nag ngangalang Ethan ! Sino si Ethan at Louise bat sumasakit ulo agad ulo ko pag naririnig ko ang mga pangalang yun?!!.