Margaux's POVWala na akong nagawa kundi ang sundin si Ethan ayaw niya kasi akong papasukin dun sa kompanyang inaplyan ko nung nakaraang linggo! Inutusan kong magbanlaw si Ethan dahil napapagod na ako kakalinis sa bahay na to! Wala dito yung anak namin kinuha ni Tito Romeo tsaka ni Tita Louise mamasyal daw sila tsaka mamayang hapon pa iuuwi yung anak ko! Dahil nga sa sobrang tamad tong kasama ko dito inutusan ko siyang banlawan yung mga damit na nilabhan ko kanina! Dami pang reklamo kala niya siya naglilinis sa bahay na to eh! Buti nga wala dito anak ko dahil malilinisan ko tong buong bahay namin! Kasalukuyan akong nakaupo nakaharap kay Ethan pinapanood ko siya habang nagbabanlaw!
" Ayusin mooo may bula pa oh "Wika ko
" Umalis ka nga dito nagbabanlaw na nga yung tao dami mo pang sinasabi "Wika niya
Nahirapan akong maglaba kanina dahil sa mga puting sando ng anak ko! Puro mantsa eh
" Bilisan mo mamalengke ka pa di pa makakabalik dito si Aleng Mina dahil may sakit niya "Wika ko
Napatigil naman siya kakabanlaw at tumingin ito sakin
" Bakit?"Tanong ko
" Ughh kakainis "Inis niya
Napatawa nalang ako dahil sa mukha niya patuloy naman siya sa pagbabanlaw habang nakakunot noo! Kala niya makakalusot siya sakin! Sinabi ko sa kanya noon na ayoko sa mga lalakeng tamad kaya sa ayaw at sa gusto niya susundin niya mga gusto kong ipapagawa ko sa kanya!
" Oy may bula pa oh "Wika ko
Agad akong tumayo at kumaripas ng takbo kinuha niya walis tingting eh
" Balik ka pa dito "Inis niya
" Mwuah "Pang aasar ko
" Mamaya ka sakin "Inis niya
Tuluyan akong pumasok sa loob ng bahay at pinagpatuloy ko paglilinis sa sala! Mabuti nga na wala dito anak ko dahil makakapaglinis ako ng maayos! Siya taga kalat eh kaya minsan nakukurot ko yun HAHAHA
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Sumilip ako sa bintana at nakita kong nakasampay na lahat yung mga damit na binanlawan ni Ethan kanina! Himala! Nakita ko naman siyang papasok na sa loob ng bahay kaya lumapit ako at humarap sa kanya
" Bait naman ni Ethannn "Hawak ko sa kanya
" Di kasi ako tulad ng iba dyan puro daldal lang alam "Wika niya
" Ah talaga? Halika pasok ka tsaka magbihis ka ha mamalengke ka pa eh "Wika ko
" Gusto mo masapak? Kakapagod pa nga mamamalengke agad "Wika niya
Agad naman siyang pumasok sa loob at umupo sa sala! Akitin ko kaya para mapasunod ko to madali lang maakit to eh! Pumasok din ako sa loob at umupo ako sa tabi niya napatingin naman siya sakin kaya nginitian ko na
" Ayaw mo mamalengke? Bahala ka wala kang premyo mamayang gabi "Pang aakit ko sa kanya
Gusto kong tumuwa dahil sa reaksyon ng mukha niya napakunot noo naman siya dahil todo himas ako sa braso niya
" Mamamalengke ka lang naman tsaka ikaw magluluto ng ulam mamaya "Pang aakit ko ulit sa kanya
Napatingin naman siya sa kusina at tila nag iisip pa!
" Yun lang ba? Wala ng iba?"Tanong niya
" Oo "Pang aakit ko
" Sige ha basta may premyo ako mamaya "Wika niya
" Oo naman "Biro ko
Kita niyo na? Susunod lang to kung may kapalit eh pero manigas siya di ako papayag HAHAHA!
" Baka mamaya scam na naman yan "Wika niya
" Di na totoo na "Pang aakit ko
Napangiti naman yung mokong tsaka tumayo na para magbihis dahil mamamalengke na siya! Nauto na naman yung Ethan HAHAHA!
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Kakaalis lang nila Tito Romeo tsaka Tita Louise dahil isinauli na nila yung anak namin! Namasyal kasi sila kanina! Kasalukuyan akong nakaupo habang karga ko anak ko tulog na eh napagod ata sa biyahe nila kanina
" Kumain na ba to?"Tanong ko kay Ethan
" Oo kumain na daw yan sabi ni Mama "Sagot niya
" Ayusin mo higaan natin dun "Utos ko
" Pa kiss muna "Wika niya
Hinalikan naman niya anak niya at umakyat na papunta sa taas para ayusin yung hihigaan namin! Katatapos lang namin maligo para pag matuyo na buhok namin matutulog na kami
" Yanyan punta na kayo dito "Wika ni Ethan sa taas
Agad akong tumayo at pumunta na kami ng anak ko sa kwarto! Nakita ko namang nakahiga na si Ethan
" Bat mo dyan inilagay?"Tanong niya sakin
" Para di siya mahulog "Sagot ko
" May usapan tayo "Wika niya
" Oo mamaya maaga pa baka magising tong anak natin sumbungero pa naman to "Biro ko
Pinatay ko na yung ilaw at humiga na sa tabi ng anak ko napatingin naman siya sakin kaya tumingin din ako sa kanya
" Bakit?"Tanong ko
" Nangangamoy scam ah "Sagot niya
" HAHAHA "Mahina kong tawa
" Ano ba yan Yanyan! Tatlong beses na akong scam "Reklamo niya
" Yun lang yung dahilan para mapasunod kita eh "Wika ko
" Kakainis naman oh! Nag pa fresh pa naman ako tsaka fresh din pototoy ko! Tapos di pala tuloy "Reklamo niya
" Kiss nalang kita "Wika ko
Lumapit ako sa kanya tsaka hinalikan ko siya pero smack lang
" Sa susunod na gawin mo pa to sakin gagahasain talaga na kita "Wika niya
Lumipat ako pagkakahiga at pumatong ako sa dibdib ni Ethan!
" Dito nalang ako matutulog para di ka magtampo sakin "Wika ko
" Tsk! "Wika niya
Yinakap ko siya tsaka natulog na sa dibdib niya napatingin ako sa anak namin! Napangiti nalang ako dahil mahimbing tulog nito! Masaya ako araw araw dahil buo kami sana ganto nalang palagi! Sisiguraduhin kong di ako magkukulang sa pagmamahal sa inyong dalawa .