Margaux's POVDahil nga sa nangyari nung nakaraang gabi di ko maigalaw ng maayos yung katawan ko dahil parang lalagnatin ako pero di lang ako nagpapahalata baka mapansin na naman ako ng chismoso kong Kuya! Kasalukuyan akong nandito sa bahay nila Nanay kasama anak ko habang umuwi muna si Ethan sa kanila dahil kailangan daw siya ni Mama at Papa! Habang naglilinis ako nakita ko yung anak kong tumatakbo papunta sakin kaya iniwan ko muna yung walis tambo sa gilid para puntahan anak ko! Nagulat ako dahil may dugo tuhod niya! Agad naman siyang umupo at umupo din ako
" Anyare sayo? Bat may dugo tuhod mo?"Tanong ko
" Dapa labas Maaa "Iyak niya
" Di ka kasi nakikinig sakin eh! Sabi ko sa loob ka lang maglaro "Wika ko
" Huhuhu dugo "Iyak niya
Di ko alam na nasa likod ko na pala si Kuya at Nanay habang nakatingin sila kay Kian
" Anyare dyan?"Tanong ni Nanay sakin
" Nadapa "Sagot ko
Agad naman kinarga ni Nanay yung anak ko at pumasok kami sa loob ng bahay namin
" Bat di ka kasi nakikinig sa Mama mo ha? Pag nakita to ng Papa Menandro mo papagalitan ka nun "Wika ni Nanay sa anak ko
" Huhuhu "Iyak ng anak ko
" Sabi ni Tatay puputulin daw yang paa mo tas papalitan ng paa ng aso "Wika ni Kuya
" Ayawwww "Iling iling ng anak ko
" Ano ba umiiyak na nga nang aasar ka pa "Kurot ko sa hita ni Kuya
" Pag nakita kong maglalaro ka pa sa labas itatali kita dun sa puno ng mangga! Tigas ng ulo mo bata ka "Galit galitan ni Nanay
" Ayawww "Iyak ng anak ko
Napakamot ulo nalang ako dahil lagot ako mamaya kay Ethan pag nakita niyang may sugat anak niya! Nang matapos gamutin ni Nanay yung anak ko agad lumapit sakin si Kian at yinakap ako!
" Pakainin mo na yan dun nasa mesa na yung ulam niya "Wika ni Nanay
Agad kong kinarga anak ko at pinaupo ko siya sa ibabaw ng mesa para kumain na!
" Maa kelan uwi Papa?"Tanong niya
" Mamayang hapon pa yun "Sagot ko
Agad ko siyang pinakain dahil tutulong ako maglinis dito sa bahay kay Nanay! Si Kuya puro cellphone lang hawak nun! Sabi sakin ni Nanay pumunta daw dito kanina si Stanford tsaka hinahanap ako! Kaso di ko siya naabutan kanina! Ano kaya kailangan nun sakin? Matagal tagal na rin kaming di nag uusap ni Stanford dahil pareho kami busy sa trabaho! Kaibigan pa rin tingin ko sa kanya kahit kaaway siya ni Ethan! Pero di na talaga ako pwedeng lumapit at makipag usap kay Ryan .Olivia's POV
Kasalukuyan akong nandito sa restaurant kasama ko si Tito Romeo at sabay kaming kumakain! Nakita ko kasi siya dito sa may gilid kaya dito nalang ako umupo okay lang naman sa kanya!
" Ikaw ba yung anak ni Oliver? Di kasi kita namukhaan nung pumunta ako sa birthday party ng Papa mo "Wika niya
" Ah yes po Tito ako po yun "Wika ko
" Ganda mo pala sa malapitan "Wika niya
" Opo bagay po ako kay Ethan "Wika ko
" Ha? Ano ulit sinabi mo?"Tanong niya
" Ahh wala Tito! Sabi ko kumain na tayo "Palusot ko
Dahil sa kasama ko tong Papa ni Ethan sisimulan kong lasunin ulo niya dahil ito lang ang huling paraan para maghiwalay si Ethan at Margaux! Wala na akong ibang paraan kundi ito nalang!
" Ahm Tito? Kamusta na pala kayo ni Tita?"Tanong ko
" Okay lang naman pareho kaming busy! Buti nga malaki na anak namin para wala ng sagabal sa pagpapalago ng negosyo namin "Sagot niya
" Tito? Totoo po bang di niyo anak si Ethan? Yun po kasi naririnig ko "Wika ko
Napatigil naman siya kakanguya at humarap sakin! Kinabahan ako baka nagalit siya sa tanong ko
" Oo di siya galing sakin pero anak ko siya dahil ako nagpalaki sa kanya! Anak ko siya dahil ako ang tumayong ama simula pagkabata niya! Pero kahit di yun galing sakin mahal ko silang dalawa ni Gabriel "Sagot niya
" Ahmm Tito? Last question na to ah pero wag po kayong magagalit ha "Wika ko
" Okay "Wika niya
" Hindi po ba kayo nandidiri sa mga anak niyo? Kasi dalawa sila napunta lang sa mga baklang hampaslupa! Si Ethan napunta lang kay Margaux na bakla si Gabriel napunta din kay Olga na bakla rin?"Tanong ko
" Yun nga eh ewan ko ba sa mga anak ko! Pero di naman ako nandidiri sa gusto nila! Noon nung nalaman kong may relasyon pala si Margaux at Ethan agad ko silang pinaghiwalay dahil ayoko talaga sa mga gaya nila Margaux pero pinatunayan ni Ethan na mahal niya si Margaux kaya hinayaan ko siyang sundin kasiyahan niya! At laking pasasalamat ko dahil hermaphrodite pala si Margaux! Nagkaapo kami ni Louise kaya narealize ko na hindi nakakadiri ang tulad nila Margaux dahil tao din sila "Wika niya
Tuluyan ngang nalason ni Margaux yung utak ni Tito Romeo mukhang wala na akong pag asang mapasakin si Ethan! Hindi pwede to!
" Pero Tito alam naman natin na katawan lang gusto ng mga bakla diba? What if di anak ni Ethan si Kian?"Tanong ko
" Dyan ka nagkakamali Olivia! Nung nalaman kong may anak si Margaux at Ethan nagulat ako! Dahil sa di ako naniniwala hiniram namin ni Louise yung bata at patagong pina-dna test and ilang araw lang lumabas ang resulta at masaya ako dahil dugong Verdeflor yung anak ni Margaux at Ethan kaya itigil na natin tong usapan na to at kumain na tayo "Wika niya
Humanda ka sakin bakla ka! Mapipilitan akong gawin tong binabalak ko! Lahat nalang nilason mo na! Lahat nalang ikaw yung pinapagtanggol pati si Tita Louise ikaw yung pinapagtanggol! Tingnan natin kung maipagtanggol mo yang sarili mo hampaslupang bakla .