Ethan's POVMatapos ang dalawang linggo naging maayos naman ang lahat tahimik na buhay namin at wala ng manggugulo pa! Okay na si Yanyan pero may peklat yung hita niya dahil sa sugat na tinamo niya nung barilin siya ni Ethel/Olivia! Kahit anong anyo pa gayahin ni Ethel di na niya ako mauuto dahil kilala ko na mga kilos niya! Kasalukuyan akong nagluluto dahil ako nauna gumising tulog pa yung dalawa kahit alas otso na ng umaga pareho mga tulog mantika! Kaya nang matapos akong magluto agad kong hinain yun at inilagay sa mesa agad akong pumunta sa kwarto para gisingin yung dalawa! Nakita ko namang nakadapa si Yanyan habang nagpapahinga pa ito yung anak ko naman naka diaper lang ayaw mag pajama kagabi sumakay ako sa kama tsaka pinatungan ko si Yanyan
" Oy gising na "Halik ko sa pisngi niya
Gumalaw naman siya at tinakpan lang ng unan mukha niya
" Tan bigat mo Tan "Tulak niya sakin
" Gising na kasi nagluto na ako ng almusal dun sa baba! Lalamig yun "Wika ko
" Inaantok pa ako mamaya na ako babangon! Timplahan mo nalang ng gatas yung anak mo Tan "Mahinahon niyang sabi habang nakapikit ito
" Tsk! Yanyan naman "Wika ko
Kahit anong hila ko sa kanya ayaw talaga magpaistorbo eh! Napatingin ako sa anak ko at kasalukuyan pa rin itong natutulog
" Bangon na kasi Yanyan "Yugyog ko sa kanya
Agad naman siyang bumangon at tumingin sakin
" Makayugyog ka sakin wagas ah gusto mo ata humiwalay kaluluwa ko "Wika niya na ikinatawa ko
" Anong oras na kasi "Wika ko
" Oo na "Wika niya
Pupuntahan ko na sana anak ko ng bigla akong hawakan ni Yanyan
" Bakit?"Tanong ko
" Wag mo muna gisingin yan! Anong oras na yan natulog kagabi kakanood ng minions "Sagot niya
" Kaya pala tulog pa "Wika ko
Dahil nga sa tulog pa anak ko sabay kaming bumaba ni Yanyan!
" Timplahan mo nalang anak mo baka magising yun "Wika ni Yanyan
" Sige "Wika ko
Umupo naman siya sa hapag kainan at nagsimula akong magtimpla! Nakita ko namang nagsimula siyang mag almusal kaya nang matapos akong magtimpla umupo na din ako at humarap sa kanya
" San kayo galing ni Dave kahapon ha? Kala ko ba nasa resto ka?"Tanong niya
" Nagpatulong kasi ako sa kanya! Tsaka umuwi naman ako ng maaga ah "Sagot niya
" Nagpatulong o nambabae?"Tanong niya
" Nagpatulong nga diba? Paulit ulit ah "Sagot niya
Napangiwi nalang ako dahil bigla niya akong tinusok ng tinidor! Gaganti sana ako ng bigla kong nakitang pumasok si Nanay at Tatay sa bahay!
" Sige magpatayan kayo rinig na rinig kayo sa labas "Wika ni Nanay
Nakita ko ring pumasok yung kambal at nagsitakbuhan papunta sa sofa
" Ang aga aga ang iingay niyo! Di ba kayo nahihiya ha?"Tanong ni Nanay
" Ito kasi si Marg - - - "
Magsasalita pa sana ako ng biglang apakan ni Yanyan yung paa ko dahilan para mapakagat labi ako at di ko naipagpatuloy sinasabi ko!
" Bat kayo lang? Nasan yung isa?"Tanong ni Tatay
" Tulog pa Tay "Sagot ni Yanyan
" Tulog pa? Anong oras na "Wika ni Tatay
" Anong oras na yun natulog Tay kakanood ng minions "Wika ni Yanyan
Agad namang pumunta si Tatay sa taas! Gigisingin ata yung Kian ko! Nang matapos kaming mag almusal nakita kong umupo si Nanay sa sofa
" Puntahan mo muna si Nanay Tan maghuhugas lang ako "Wika ni Yanyan
Dahil sa maghuhugas pa daw siya agad akong pumunta sa kinaroroonan ni Nanay
" Nay? Bat kayo nandito ni Tatay?"Tanong ko
" Hihiramin namin Kian niyo! Gusto kasing mamasyal tong dalawang to kaya dumaan muna kami dito para isama yung isa "Sagot ni Nanay
" Si Ares?"Tanong ko
" Nasa bahay kasama si Bianca "Sagot ni Nanay
Nakita ko namang pababa na si Tatay habang karga anak ko! Kinukuskos pa mga mata nito!
" Pakarga naman "Wika ni Nanay kay Tatay
" Maya ka na! Kakagising lang eh "Wika ni Tatay
Tumayo ako at kinuha ko yung dede ng anak ko! Sigurado akong dede agad hahanapin nito
" Papa Kian dede Pa "Wika ng anak ko
" Ito na "Wika ko
Binigay ko sa kanya dede niya tsaka pinuntahan ko si Yanyan
" Ano sabi ni Nanay?"Tanong ni Yanyan
" Isasama daw sila si Kian "Sagot ko
" Paliguan mo anak mo dun "Wika ni Yanyan
" Na kay Tatay pa dumedede "Wika ko
Dahil nga sa nakay Tatay pa si Kian pumunta muna ako sa taas para tawagan si Dave! Magtatanong sana ako kung okay na yung lugar na pupuntahan namin mamaya dahil ngayong araw ako magpopropose kay Yanyan! Ewan ko ba pero di ko na palalampasin ang araw na to! Di alam nila Nanay to maging sila Mama at Papa di rin nila alam pero tatawagan ko mamaya si Nanay pag kompleto na kami dun dahil gusto ko ng pakasalan si Yanyan dahil ramdam kong wala ng hahadlang .