CHAPTER 8

115 4 1
                                    


Ethan's POV

Sobra akong nag alala dahil nakita ko si Margaux sa ilalim ng pool namin kanina ! Bat siya napunta dun? Pinaupo ko lang naman siya dito sa sala kanina ! Kasalukuyan siyang nakahiga at tulog dito sa kwarto ko di ako mapakali dahil di pa siya nagigising hanggang ngayon ! Napatingin ako sa labas at kita kong palubog na yung araw ! Lalabas na sana ako para magluto ng pagkain ng biglang may tumawag sakin
" Ethann "Tawag ni Margaux sakin
Agad akong lumapit sa kanya at bigla namang siyang bumangon kaya humarap ako sa kanya
" Anyare sayo kanina? Bat nasa ilalim ka na ng pool namin? Sinabi ko naman sayo kanina na umupo ka lang sa sala diba "Galit ko sa kanya
Bigla naman siyang napatahimik at di nakapagsalita halatang takot ito dahil sa mukha niya ! Bigla nalang niya akong yinakap at humagulhol sa iyak
" Ethann natatakot ako huhuhu "Panginginig ng katawan niya
" Alam mo bang sobra akong nag alala kanina "Wika ko
" Huhuhu "Iyak niya
Iniharap ko siya sakin at kita ko sa mga mata niya ang takot ! Sino naman tutulak sa kanya sa pool e kami lang naman dalawa nandito
" Ikwento mo nga sakin kung bat ka nahulog sa pool "Wika ko
" Ayaw "Iyak niya
" Sa susunod kasi mag iingat ka ! Alam mo naman diba na di ka marunong lumangoy kaya simula ngayon wag ka ng lalapit aa tubig nagkakaintinihan ba tayo "Wika ko
Tumango naman siya at yinakap niya ulit ako ! Takot na takot ako kanina dahil nangingitim na labi niya kanina !
" Ethan uuwi na ako "Wika ko
" Sigurado ka? "Tanong ko
" Oo "Sagot ko
Tumayo ako at humawak naman siya sa braso ko lumabas kami sa kwarto ko
" Di ka ba kakain? "Tanong ko
" Dun nalang ako sa bahay kakain "Sagot niya
Dahan dahan naman siyang sumakay sa kotse ko at sumakay na rin ako para ihatid siya sa bahay nila !
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Agad naman siyang lumabas sa kotse ko at lumabas na din ako humarap ako sa kanya at ngumiti naman siya
" Pasok na aalis na rin ako "Wika ko
" Di ka papasok sa bahay? Dito ka nalang kumain "Wika niya
" Di na nakakahiya na sa Tatay mo "Wika ko
" Osige babye "Wika niya
Naglakad naman siya at binuksan niya gate nila ! Papasok na sana ako sa kotse ko ng bigla niya akong tawagin
" Ethannn "Sigaw niya
" Oh? "Wika ko
" Mag ingat ka "Wika niya
Ngumiti ako at nakita kong kumaway siya sakin ! Tuluyan siyang pumasok sa bahay nila kaya sumakay na ako sa kotse ko
" Kung alam mo lang sana kung anong meron satin noon baka masaya na tayong dalawa hanggang ngayon di ako susuko mahal ko ipapaalala ko sayo lahat "Bulong ko
Umalis na ako at tinungo ang daan papunta sa bahay namin ! Gusto ko mang dun sa kanila matulog kaso nakakahiya na kay Nanay ! Nagtataka din ako kung bat ayaw na niyang ligawan ko ulit si Margaux ! Oo liligawan ko si Margaux dahil yun ang gusto ko ! Mamahalin ko siya at ibibigay ko sa kanya yung buong buhay ko mapatunayan ko lang sa mga magulang niya na mahal ko siya !

Olga's POV

Napansin kong tanong ng tanong si Margaux sakin kung kilala na ba niya si Ethan noon ! Maging si Stanford(Kapatid ni Ethel) ay tinatanong din niya sakin ! Mukhang unti unti ng bumabalik ang alaala ng kaibigan ko ! Bahala na pero sasabihin at ikwekwento ko sa kanya ang buong katotohanan ! Alam niyo? Sa twing nag kakavideo call kami iyak iyak yun dahil walang sumasagot sa mga katanungan niya na gumugulo daw sa isip niya ! Gusto niyang malaman kung sino si Ethan , gusto niyang malaman kung sino si Gabriel at gusto niyang malaman kung anong meron sa bahay nila Ethan ! Sasabihin ko na sa kanya ang totoo dahil naaawa na ako sa kaibigan ko bahala na kung pagalitan ako ni Nanay ang mahalaga maalala na niya ang lahat ! Pano na kung malaman niyang may Tatay at kapatid pa pala siya? Kasi noon sabi ni Nanay Roxie na patay na Tatay niya at nag iisa lang siyang anak ni Nanay Roxie ! Gusto ko mang tawagan si Margaux pero gusto ko sa harap niya mismo ikwento ang lahat
" Hoyy kainin mo na yan "Wika ni Gabriel
" Ay soryy "Wika ko
Sya nga pala nandito kami sa resto ni Gabriel niyaya niya kasi akong mamasyal at pumunta saan saan kaya sumama nalang ako, ito pa naman gusto namin ni Margaux yung ipapasyal kami saan saan HAHAHA
" Ang lalim ng iniisip mo ah may problema ka ba? "Tanong ko
" Kumain ka na nga dami mong kuda "Wika ko
Napatawa naman siya kaya di ko na siya pinansin at kumain na ako ! Napatingin ako sa labas at nakita ko si Tristan na may kasamang babae ! Bigla nalang ako nawalan ng gana dahil sa nakita ko
" Ayaw mo na? "Tanong ni Gabriel
" Ibusin mo na yan di na ako kakain "Wika ko
Napatingin ulit ako sa labas at kita kong masaya silang dalawa ! Ewan ko ba pero gusto ko na ata si Tristan pero mas gusto ko si Gabriel
" Nagseselos ka sa kanila? "Tanong ni Gabriel
" Hah? "Maang maangan ko
" Tsk wag ka magkunwari e kita naman sa mga mata mo na nagseselos ka "Wika niya
" Ako magselos? "Tanong ko
" Nandito naman ako eh bat di mo pa ako sinasagot "Wika niya
Oo nga pala niligawan ako ni Gabriel nung nakaraang linggo pumayag ako na ligawan niya ako pero simula nung pumayag ako di na ako pinapansin ni Tristan hanggang ngayon di ko alam kung bakit
" Gusto ko lang naman makita kung seryoso ka o nangtritrip ka lang ! Sasagutin lang naman kita Gabriel kung mapatunayan mong mahal mo ko ! Ayoko ng masaktan Gabriel "Wika ko
" Wag kang mag alala papatunayan ko sayo kung gano kita kamahal tandaan mo yan "Wika niya
Nang matapos kaming kumain agad kaming lumabas sa resto at sumakay na sa kotse ni Gabriel ! Napatingin ulit ako sa kinaroroonan nila Tristan at kita kong nakahawak pa si Tristan sa bewang ng babaeng kasama niya
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang makarating kami sa bahay namin agad akong nagpasalamat kay Gabriel dahil napasaya niya ako ngayong araw !
" Salamat "Wika ko
" Ay saglit lang may nakalimutan ako "Wika niya
Bumalik naman siya sa kotse niya at kita kong may mga dala siya humarap naman siya sakin at ibingay sakin lahat yun
" Oy ano to "Wika ko
" Tanggapin mo na sayo lahat yan buksan mo yan sa loob ng bahay niyo "Wika niya
" Lah baliw ka ayoko tanggapin to "Wika ko sabay balik ng mga pinamili niya sakin
" Pag di mo tinanggap yan di na kita papansinin "Wika niya
" Ang dami eh "Wika ko
" Tanggapin mo na "Wika niya
" Ayoko nga diba "Wika ko
" Isa "Bilang niya
" Gabriel umuwi ka na baka hinahanap ka ng Mama mo "Wika ko
" Dalawa "Bilang niya ulit
Wala na akong nagawa kundi tanggapin lahat yun baka totohanin niyang di ako pansinin eh
" Sige na pumasok ka na sa bahay niyo "Wika niya
" Sige ! Mag ingat ka ha "Wika ko
Napangiti naman siya at pumasok na ako sa bahay nakita ko namang umalis na siya kaya tuluyan akong pumasok sa bahay namin! Lagot ako nito kay Margaux baka magalit yun sakin ! Di niya kasi alam na nanliligaw sakin si Gabriel ! Sigurado akong sasabunutan na naman ako nun .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT S2 (Completed)Where stories live. Discover now