Ethan's POVMatapos ang ilang linggo naging tahimik naman ang lahat ! Nasa baba si Yanyan nagluluto ng hapunan ! Nandito kami sa bahay nila at wala dito si Tito at Nanay may pinuntahan silang dalawa ! Gusto ko sana sa condo muna kami kaso ayaw ni Yanyan mas gusto niya daw dito ! Si Ares naman nasa trabaho niya , nang matapos akong maligo agad akong bumaba baka naghihintay na sakin si Yanyan ! Nakita ko siyang nakaupo na sa hapag kainan kaya lumapit ako at umupo sa tabi niya
" O kain ka na "Wika niya
" Tsk mamaya na yang cellphone na yan kumain muna tayo "Wika ko
Aagawin ko sana cellphone niya my bigla niya itong itinago sa bulsa niya
" Ito na "Wika niya
Kumuha naman siya ng kanin at pansin kong kunti lang ito kaya kumuha ako at dinagdagan ko kanin niya napatingin naman siya sakin at biglang sumama yung tingin
" Busog ako eh "Wika niya
" Ibusin mo yan "Wika ko
" Ethan naman "Wika niya
" Nandito na naman tayo eh "Wika ko
Napatahimik naman siya at nagsimulang kumain gusto ko kasi marami yung nakakain niya
" Wag kang bubulong bulong dyan naririnig kita "Wika ko
" Bakit bumubulong bulong ba ako tusukin pa kita ng kutsilyo eh "Wika niya
" Kung nandito lang sila Nanay kanina ka pa pinagalitan "Wika ko
Di naman siya sumagot at kumain na ! Nang matapos kaming kumain agad kaming nagpahinga sa sala at tumabi naman siya sakin
" Tan? Kilala mo si Lawrence?"Tanong ni Margaux sakin
" Lawrence? Hindi "Sagot niya
" Nako Tan nagkita kami ni Lawrence sa mall tsaka alam mo mas naging gwapo pa siya ngayon "Harap sakin ni Yanyan
" Sino yang Lawrence na yan?"Tanong ko
" Siya yung boss namin ni Olga dati "Sagot niya
" Boss?"Tanong ko
Tumango naman siya at umayos pagkakaupo
" Naalalao nung 1st anniv natin?"Tanong niya sakin
" Oo "Sagot ko
" Syempre dahil sa estudyante palang ako nun napag isipan kong pumasok sa pinagtratrabahuan ni Olga ! Dahil di ko alam nun kung ano ibinigay ko sayo tsaka nagtrabaho ako sa factory nila Lawrence at ginamit ko sweldo ko para pang regalo ko sayo pang anniv natin ! Di ko sinabi sayo dahil alam kong di mo ko papayagan "Wika niya
" Nagtrabaho ka?"Tanong ko
" Oo kasi nga wala pa akong pera nun dahil nasa ibang bansa nun si Tito Romeo tsaka di pa niya ako nabigyan ng pera "Sagot niya
" Ano bang meron sa Lawrence na yan?"Tanong ko
" Simple, gwapo, maputi, matangkad, mabait at higit sa lahat crush ko "Yakap niya sa unan
Napakunot noo nalang ako dahil sa kanya ! Baliw ba to? May boyfriend na siya di na siya pwedeng magka-crush sa iba
" O my Lawrence sana magkita tayo "Yakap niya sa unan
" Sige subukan mo lang makipagkita sa lalakeng yun iuuntog ko ulo niyo "Wika ko
" Wag ka na magselos Tan ikaw naman Mahal ko tsaka crush ko lang siya "Wika niya
" Bakit? Kaya niya bang intindihin yang ugali mo? Kaya ka ba niyang suyuin pag may topak ka ha?"Tanong ko
" Sabi niya oo daw "Yakap niya ulit sa unan
Dahil sa inis tumayo ako at iniwan ko siya maglalakad na sana ako ng bigla niyang hawakan kamay ko at hinalikan ako
" Joke lang Tantan ! Ikaw lang naman crush ko eh "Wika niya
" Magsama kayo ng Lawrence mo "Wika ko
" Kay Ethan lang ako sasama eh kasi mahal ko yun "Wika niya
" Bahala ka dyan matutulog na ako "Wika ko
" Sabay tayo "Wika niya
Kinuha naman niya yung panda na bili ko at sumabay sakin papunta sa taas para matulog na at pumasok kami sa banyo para magsipilyo
" Kelan uuwi sila Nanay?"Tanong ko
" Sa makalawa pa daw "Sagot niya
" Ahh "Wika ko
Nang matapos kaming magsipilyo agad kaming humiga sa kama ! Bigla namang pumasok si Yanyan sa damit ko dahil malaki ito
" Baliw ka talaga "Wika ko
" Sarap kayakap si Tantan eh "Wika niya
Hinalikan ko noo niya at natulog na ksming dalawa dahil may pasok pa kami bukas .Ethel's POV
Sigurado akong uuwing luhaan si Margaux dahil ilang araw nalang maghihiwalay na sila ni Ethan ! Magiging sakin na ulit si Ethan HAHAHA ! Alam niyo ba kung bakit? Dahil sinira ko si Margaux kila Tito at Tita pero mukhang di naniniwala si Tita sa mga paninira ko kay Margaux pero napaniwala ko si Tito at sabi niya papaghiwalayin niya si Margaux at Ethan HAHAHA
" Oh anak bat ang saya mo ngayon?"Tanong ni Papa
" Malapit ko ng makuha ulit si Ethan Pa excited na akong makitang umiiyak si Margaux "Sagot ko sabay inom ng alak
" Nako maghinay hinay ka kay Romeo kilala ko ang taong yun "Wika ni Papa
" HAHAHA alam ko yun Papa pero sa oras na ito gagamitin ko siya "Wika ko
" Mana ka talaga sakin anak "Wika ni Papa
" HAHAHA "Tawa ko
Kunting tiis nalang Margaux iiyak ka na damhin mo yung sakit na ipaparanas ko sayo HAHAHAH .
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Kanina pa namin hinihintay na lumabas si Margaux sa Mall dahil kukunin namin siya ilang oras na siya sa loob ! Maya maya pa'y biglang lumabas si Margaux at may mga dala ito agad naman nagsilabasan yung mga tauhan ni Papa para kunin yung hampaslupa na yun
" Dun kayo sa likod dumaan dito kami "Rinig kong sabi ng mga tauhan
" Bilisan niyo baka makatakas "Utos ko
Agad silang naghiwalay at pinapanood ko si Margaux habang naghihintay ito ng sasakyan !
" Sigurado ka ba dito?"Tanong ni Hazel(Kaibigan ko)
" Siguradong sigurado "Sagot ko
Nagulat nalang ako dahil wala na dun si Margaux at nawala ito sa paningin ko ! Maya maya pa'y nagsidatingan ang mga tauhan ni Papa at lumapit ito sakin
" Ano? Nasan na yung hampaslupa?"Tanong ko
" Ma'am maraming guard yung nakapaligid sa kanya di naman siya malapitan "Sagot nila
" Mga B*boo ! Bat niyo hinayaang makatakas? Mga walang kwenta "Wika ko
" Nandyan din si Mathilda di kami makalapit sa kanya dahil alam naming kilala niya kami "Wika nila
" Sakay naaa ! Mga palpak "Galit ko
Agad naman silang sumakay sa kotse ni Papa ! Pasalamat ka hampaslupa dahil may kasama ka dahil kung wala ewan ko nalang HAHAHAH maghihirap ka rin sa mga kamay ko Margaux kaya magpakasaya ka ngayon dahil sa oras na mahuli kita wala ka ng babalikan pa HAHAHA .