Margaux's POVNang matapos ang isang linggo naayos na namin ni Ethan yung problema sa resto nabalitaan kasi namin na nag aaway away daw dun sa kusina habang nagluluto yung iba kaya pinuntahan namin ni Ethan yung resto tsaka inayos yung problema! Kasalukuyan akong nakahiga nakasandal sa headboard ng kama pinapanood ko yung anak ko habang naglalaro ito gusto ko sanang matulog siya ngayon kaso ayaw niya! Naka diaper lang siya tsaka walang damit ayaw niya kasi!
" Nayyy si Kian ayaw matulog oh! "Sigaw ko
Agad naman niyang binitawan yung mga laruan niya at tumakbo sa kinaroroonan ko! Agad naman siyang pumatong sakin at yinakap ako! Bumukas naman yung pinto at iniluwa nito si Nanay nakita kong pinikit niya mata niya at nagkunwaring tulog
" Bat walang damit yan?"Tanong ni Nanay
" Ayaw eh "Sagot ko
" May kahoy pa naman ako dun nakita ko kanina "Wika ni Nanay
" Lagot ka kay Nanay "Wika ko
Dahil nga sa di kumibo to lumabas nalang si Nanay! Wala dito si Ethan inutusan kong bumili ng gatas para sa anak niya
" San Mama?"Tanong niya
" Lumabas na kaya matulog ka na papaluin ka nun sige ka "Sagot ko
Wala kasi dito si Tatay di pa siya makakauwi kaya napagpasyahan namin ni Ethan na dito muna matulog para may kasama sila Nanay dahil nasa malayo din si Kuya may trabaho sila ni Bianca
" San Papa Ma?"Tanong niya
" Inutusan ko bumili ng gatas "Sagot ko
Pinahiga ko siya sa tabi ko para matulog na baka maglaro na naman sa labas!
" Matulog ka dyan ha! Pag di ka natulog iiwan kita dito aalis ako "Panakot ko sa anak ko
Napatahimik naman siya at yinakap niya manika niya! Nakita ko namang nakapikit na siya kaya kinuha ko muna libro ko habang hinihintay kong dumating yung isa
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Dahil sa tulog pa yung dalawa napag isipan kong magluto ng meryenda! Dahil sa nakita kong nandyan na sila Nanay pinahinaan ko yung apoy ng kalan at lumabas muna ako para tulungan si Nanay! Namalengke kasi si Nanay tsaka sinundo niya yung kambal!
" Ako na po magdala Nay "Wika ko
Dinala ko mga pinamili ni Nanay at nagsitakbuhan naman yung dalawa papasok sa bahay!
" Nasan yung isa?"Tanong ni Nanay
" Ayun tulog kasama Papa niya "Sagot ko
Pumasok kami ni Nanay at pinatay ko na yung apoy sa kalan!
" Kuya? Asan po si Kian?"Tanong ni Miggy sakin
" Nako tulog pa "Sagot ko
Sigurado akong makikipaglaro yun sa anak ko! Ito kasing Miguel na to gusto niya mag isa lang siya napaka suplado pa
" Nay kelan po uuwi si Tatay?"Tanong ko
" Next week pa daw "Sagot ni Nanay
Pumunta ako sa taas para gising yung dalawa! Pumasok ako sa kwarto at nakita kong gising na yung anak ko nakaupo ito habang kinukuskos mga mata niya! Kaya lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya!
" Maaaaa "Yakap niya sakin
Humiga ako sa tabi ni Ethan dahilan para magising din siya!
" Ingay ingay "Kamot niya sa ulo niya
" Ingay daw! Humiga nga lang ako dito sa tabi mo "Wika ko
Bumaba naman yung anak ko sa kama at lumabas sa kwarto pupunta yun sa Tito Miggy niya! Kaya humarap ako kay Ethan at hinalikan ko siya
" Bangon na nagluto ako ng meryenda "Wika ko
" Ikaw gusto kong meryendahin eh "Wika niya
" Tsk! Bangon na dyan "Hila ko sa kanya
Bumangon ako at sumunod siya! Sabay kaming bumaba at nakita kong naglalaro yung anak ko kasama si Miggy!
" Miggy asan si Kuya mo?"Tanong ko
" Nasa taas po "Sagot niya
" Tawagin mo magmeryenda tayo "Wik ko
Si Nanay naman ayaw niya dahil pagod siya! Agad namang umupo yung tatlo sa hapag kainan at nakita kong pababa yung supladong Miguel! Umupo din siya sa tabi ni Miggy at nagsimula ng magmeryenda .Olga's POV
Tama nga hinala ko! Magkakilala si Stanford at Olivia! Pero pano? Pano sila naging magkakilala? Dahil sa kinakabahan kami ni Margaux! Napagpasyahan naming puntahan si Ethel sa mental hospital at nandun pa rin siya! Puno siya ng pagmamakaawa at gustong gusto niyang lumabas dun pero nakakatakot parin si Ethel kahit magmakaawa siya!
" Bat tulala ka?"Tanong ni Gabriel
" Gabriel? Posible bang magbago yung tao kahit masama siya sa una? Si Ethel kasi lumuhod sa harap namin ni Margaux at nagmakaawang gusto na niyang lumabas "Sagot ko
" Kung sa ibang tao posible pero kung kay Ethel imposible dahil napaka demonyo ugali nun! Gagawin niya lahat makuha lang yung gusto niya! Papatay pa ng tao kung may nang agaw sa mahal niya "Wika ni Gabriel
" Pero bat iba nakikita ko sa kanya? Parang pinagsisihan na niya mga ginawa niya noon "Wika ko
" Wag kayong magpauto sa babaeng yun! Sa labas lang yun nagmamakaawa pero sa loob ng pagkatao niya puno ng galit at gustong gumanti sa mga taong sinaktan siya nung una! Kilalang kilala ko si Ethel wag kayong magpauto sa kanya "Wika niya
Bat wala akong galit na naramdaman nung pumunta kami ni Margaux sa mental hospital para puntahan si Ethel? Bat kaya ganun? Tapos nung nakaraang araw nagtaka ako kung bat magkasama si Olivia at Stanford? Pano nila nakilala ang isa't isa? Mag itinatago na naman ba tong nag ngangalang Olivia?