Kabanata 1

123 15 8
                                    

PHILIPINA NADIA MUÑOZ

"Philipina! Aba'y gumising ka ng bata ka, malalate kana sa unang klase niyo." Sigaw ng aking ina mula sa labas ng kwarto ko.

Agad akong napabalikwas ng bangon at nagmadaling tingnan ang orasan sa gilid ng aking kama. Shetee! Late na ako.

"Opo nay,Teka lang!"

Unang araw pa naman ng pasok ko sa sikat na pribadong paaralan, tapos malalate pa ako.

Agad akong tumakbo sa banyo, pagkatapos ay ginawa kona ang morning routine. Chos,wala naman ako nun. Nagbihis lang ako ng White T-shirt at jeans, tutal ay wala pa naman akong uniformed.

Hindi na ako nag abala sa mukha ko dahil wala naman akong ganda. Chos, sinuot kona ang makapal na salamin at itinali kona ng lahat ang buhok ko.

Napasimangot ako ng makita ko ang mukha ko sa salamin, napakapanget ko. Sobrang kapal na kilay, may makapal na salamin sa mata tas may tigyawat pa sa mukha, damay kopa ang braces ko sa ngipin. Ganito ba talaga ang itsura kapag walang skincare at walang magcacare?

"Hoy philipina, dali dalian mo naman diyan bata ka." Hindi ko namalayan na nakapasok na pala ang inay ko sa loob ng kwarto ko.

"Nay, bat ang panget ko? Pero ang ganda mo naman nay." Nakasimangot akong humarap sa nanay ko.

Maganda talaga si mama,para ngang wala pa naging anak siya eh. Baka ampon lang ako ni nanay?

"Hay nako, mamaya kana magdrama philipina. Kumain kana, baka malate ka na talaga. Halika na sa kusina." Hila sa akin ni mama.

Kami lang ni nanay sa bahay. Wala ang ama ko, sabi kasi ni nanay ay iniwan daw kami ng ama ko ng ipanganak ko. Siguro natakot sa mukha ko.

Dalawa lang kaming magkapatid ni Calvin, magka iba kami ng ama pero turing namin sa isat isa at tunay na magkapatid. May kaya lang ang buhay namin, nairaraos naman ni nanay na pag aralin ako nuong highschool sa pag titinda niya sa palengke.

Minsan naman ay tumutulong ako kaso, kapag kasama ako ni nanay na magtinda ay walang nabili kaya nasa buhay ko ay bahay- eskwelahan- bahay- eskwelahan.

Nuong highschool naman ako ay lagi akong nabubully. Kaya sana sa school na papasukan ko ay sana talaga ay walang masyadong mangbully at may maging kaibigan ako.

Scholar ako sa LPU sa cavite, firstyear college pa lang ako. Laking pasasalamat ko na makapasa ako sa scholarship ng LPU, buti na lang talaga matalino.

"Anak, mag iingat ka sa pagpasok mo ah. Mag aral ka ng mabuti ah." Bilin sa akin ni inay, para naman akong mag aabroad.

"Opo nay, staka lilibot pa tayong tatlo sa buong mundo diba." Ngite ko sa inay ko, bago ako nag paalam.

NANG MAKARATING ako sa campus ay napanga nga ako dahil sa ganda at lawak ng lugar. Sa laki nito ay baka isang linggo ako maliligaw sa lawak nito.

Napatingin ako sa relo sa bisig ko, tatlumpung minuto na lang ay maaring malate na ako. Kaya nagmadali ako, lakad takbo ang ginawa ko.

Habang naglalakad ako ay may di sinasadya na may mabangga ako. Kapwa kami napaupo sa sahig.

"Hala! Pasensiya na po, di ko sinasadya." Agad ko siyang inalalayan para makatayo kami.

Napaawang ang labi ko ng makita ang mukha niya. Para siyang anghel na bumaba sa lupa, sobrang inosenti ng mukha niya. Ang kinis ng mukha niya at bilugan.

"It's okay lang sa akin." Matamis siyang ngumiti sa akin.

"A-ah, okay lang." Napakamot ako sa sarili.

Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Bago ka lang dito noh?"

Tumango ako. "Oo eh, scholar ako. Kanina pa ako pa ikot ikot sa campus kaso di Ko makita yung Room 001."

"Room 001? Dun ka?"

Tumango ako.

Sumilay ang ngiti sa mukha niya. "Kaklase pala kita."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Kaklase kita angel? Este Ms?"

"Bella, Bella Trinidad." Abot niya ng kamay.

Mabilis ko itong tinanggap. "Ako si Philipina Nadia, pero pwede mo akong tawagin na Phina"

Sinamahan na niya ako makarating sa room, tutal duon din daw ang punta niya.

May kaba akong nararamdaman habang palapit kami sa room. Sana katulad niya ang mga magiging kaklase niya, sana talaga mabait ang mga ito.

Kumatok muna siya. "Ms, We're sorry we late."

"Don't forget late again ms. Bella.... and you are?" Ituro ako ng isang ginang sa harapan.

"I... I am new student ma'am." Kanda utal utal kong sabi.

"Call me Ms. Introduce yourself in front." Maawtoridad niyang sabi.

Humarap ako sa mga magiging kaklase ko. Parang hindi ata ako magiging masaya dito, tingin pa lang ng mga kababaihan sa akin ay para akong isang dumi na maaring hindi lapitan.

Napayuko na lang ako, pakiramdaman ko ay parang hindi ako belong sa mga mayayaman.

"Can you introduce now." May bahid na inis sa sabi niya.

"H-hi, i-i'm philipina nadia muñoz, but you can call me P-phina." Maikling sabi ko.

"What a Nerd!"

"Yuckss!"

Rinig kong mga bulung bulongan ng kababaihan.

"You can sit now Ms. Philipina"

"Ma'am Ms. Phina na lang po" kagat ko sa ibabang labi.

"Okay! You sit to ms. Maia. Ms. Maia!" Turo niya sa kaduluhan ng upuan.

"Yes ms!" Taas ng isang kamay mula sa dulo.

"Are you okay ms. Maia, if ms. Phina to be sit your next?"

Tumayo ito. "It's okay ms!"

Naglakad na ako sa dulo para makaupo na, habang parating ako sa upuan ko ay narinig ko ang mga bulungan ng iba.

"Yucks, magiging kaklase natin ang panget na yan!"

"Eww! Looks her face, ang daming pimple!"

Hanggang makarating ako sa upuan ko ay rinig ko pa den ang mga masasakit nilang bulungan. Pati ba naman dito? Mabubully na naman ako? Akala ko katulad ni ms. Bella ang mga magiging kaklase ko.

"Hi, I'm Maia Gonzales." Masayang ngumite siya sa akin.

"Hi." Tango niya.

"Pwede tayo maging friends?" Abot niya ng kamay.

Mukha namang mabait ang dalaga, kaya siguro naman makakasundo niya ito. Sana di niya pagsisihan ang desisyon, inabot ko ang pakikipagkamay nito.

Sana makatagal ako sa paaralan na ito, sana talaga. Ilan taon lang ay makakaalis din ako, mag titiis muna ako para sa pangarap ko.


Aiawriters A. I. A

______________

Y/N: owmenjii, sana magustuhan niyo.

Y/N: SA TAAS PO ANG PICTURE NI PHINA.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon