kabanata 32

20 3 6
                                    

KABANATA 32

Nang makadating ako sa bahay namin ay madaming tao ang nasa paligid nito. Biglang nanlamig ang buong katawan ko na dahan dahan akong palapit sa pinto namin na natatakpan ng mga kapitbahay namin.

May mga taong lumalapit sa akin at nagsasalita pero para wala akong naririnig. Nagiging manhid ang katawan ko at nanghihina. I feel numb and exhausted. Pagod na pagod ako at nanghihinga na din ang mga tuhod ko.

Habang palapit ako sa loob ng pinto namin ay ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

Tuluyan akong nakapasok sa loob at duon na tuluyan bumagsak ang mga tuhod ko. Nakaawang lang ang labi ko habang pinagmamasdan ang katawan nila nakahandusay at puno ng mga dugo na nakakalat sa kanilang mga katawan.

"N-nanay..." Mahinang tinig ang lumabas sa bibig ko.

Bumungad sa akin ang malalamig na katawan ni Nanay at ng Kapatid ko. Halos di ako makagalaw sa kinauupuan ko. May mga pulis at iilang kapitbahay na lumapit sa akin para tulungan ko bumangon pero parang walang buhay na gumalaw ang katawan ko.

"Phina...." Tawag sa akin ng iilang kapitbahay namin pero lahat sila ay wala ni isa na nagpagising sa akin.

Tinitingnan ko lang ang katawan ng magulang at kapatid ko. Wala ni isang tumulo sa mga mata ko. Hindi ma process ng utak ko ang mga nangyayari.

Naramdaman ko na nagvibrate ang phone ko sa bulsa ko ay agad kong kinuha iyon para malaman kung sino nagtext. Inaasahan kong si kuya jordan o di kaya sila maia. Alam kong nag aalala na siya sa akin.

Pero ang inaasahan ko ay hindi pala nagkatotoo.  Unknown registered number ang nakalagay.

Bago kopa mabasa ang nakalagay ay may pamilyar na tumawag sa akin. Kahit hinang hina ay pinatay kona ang phone ko at tumayo. Tiningnan kona kung sino ang tumawag sa akin

"Nagustuhan moba ang regalo ko sayo Phina? Or Rather I'll say Adaliata. Nagustuhan moba? By the way accept my condolences para sa itinuring mong pamilya"

~Bella.

°°°°°°

Nang nagpaalam na ang lahat kasama ng mga pulis at hinatid na ang bangkay ng Nanay Rita ko at katawan ni Calvin ay duon kona nilabas ang lahat.

Kitang kita pa din ang dugo na nasa sahig.

Habang pinagmamasdan ko iyon ay saka na mas lalong naging mahina ako at hindi na mapigilan ang luha na bumuhos sa mga mata. Napaupo ako sa sahig.

Sa tuwing pumipikit ako ay hindi maalis ang imahe ng kanilang mga katawan sa aking isipan, at parang tinatarat ang puso ko.

"Nanay....." Hagulgol ko habang yakap yakap ang sarili. 

Natatakot na ako para sa mga taong nasa malapit sa akin at mga taong mahalaga sa akin. Baka mapahamak na sila kapag tutulungan ako.

Una Si kuya Rafael, tinulungan niya ako na makatakas, pero namatay din siya. Ang kakambal ko, tapos ang mga taong tumanggap at minahal ako na parang tunay na anak at kapatid. Baka sa susunod sila Kuya jordan at Maia   na sumunod na mapahamak. Ayaw kona na mapahamak pa ang mga taong nasa paligid ko.

Parang nawawala ako sa sarili ko na napatayo. Lumapit ako sa kusina at kinuha ko ang kutsilyo na malapit sa akin.

Mahigpit kong hinawakan iyon at tinapat sa pulsuhan ko. Napapikit ako, unti unti lumabas ang mga imahe sa isipan ko na panahong kasama ko pa sila nanay at calvin na masaya. Puro kami tawanan at masayang nagsasalo sa isang hapagkainan. Kasama duon si Adalyn. Masaya ko silang pinagmamasdan habang nagtatawanan.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon