Kabanata 27

21 3 2
                                    

As a promise, ito napo ang POV's ni Adaliata. Malalaman niyo na po ang lahat HAHAHAH chos.

KABANATA 27

Adaliata POV's

Isang linggo na akong gising. Miracle daw ng magising pa ako lalo sa mga dinanas ko sa mga palad ni bella. Binaril pa niya ako sa ulo, ang balang naiwan sa ulo ko ay hindj makakayang tanggalin dahil sa bata pa ako.

Sa mga unang araw kong magising ay puro ako sigaw at puno ng takot sa mga taong papasok sa kwarto ko o di kaya lalapitan ako. Pakiramdam ko kasi sasaktan lang din nila ako, takot na takot ako. Pero unti unti nawawala ang takot ko sa bawat araw na nagdadaanan pero naging tahimik na lang ako, kakaunti lang ang mga nasasabi ko.

Hindi ko din alam kung paano kopa kinaya ang mabuhay at magising ako. Basta may isang tinig akong naririnig na malayo sa akin. Lagi kong naririnig na lumaban lang ako. Lumaban lang.

Kahit wala na ako sa puder ni bella at nakatakas na kami ay hindi pa din mawala sa isip ko ang mga nangyari sa akin. Hinding hindi ko makalimutan at ramdam na ramdam ko pa din ang mga paghihirap niya sa akin.

Laging kapag pipikit ang mga mata ko ay baka kapag pumikit ako tapos kapag dumilat ako ay babalik na naman ako sa imperyonong iyon. Ayaw kona ng bumalik, ayoko na talaga.

Hinding hindi ko kakalimutan ang mga pinag gagawa ni bella sa akin. Babalikan ko siya, sinisigurado ko iyon.

"Gising kana pala." Saad ng kakapasok lang sa kwarto ko. Si jordan.

Tahimik lang ako nakayuko at nilalaro ang mga daliri ko. Hindi ko pa din maiwasan ang mahiya at makonsensiya dahil sa akin nawala ang kapatid ni Kuya jordan. Nang malaman kong patay na si Kuya Rafael ay hindi ko alam kung paano ko kakausapin si kuya Jordan. Siya ang nag aalaga sa akin.

Si kuya Rafael ang tumulong sa akin na makatakas kami sa Hideout nila bella. Sa tuwing wala si bella ay pumupunta siya sa kwarto kung nasaan ako, pinapakain nila ako at kahit papaano ay ginagamot nila ang mga sugat ko sa na ginawa ni bella. Kasama sa pagtulong na makatakas ako ay ang bunso nilang kapatid na si Larisa. Akala ko nun ay masama din ang dalaga dahil tinulangan niya sa bella.

"Hanggang ngayon ba hindi mo pa din ako kakausapin?" Baritonong saad ni Kuya jordan, hindi kona namalayan na sa tabi kona pala siya nakaupo.

"S-sorry po." Mahinang sabi ko.

"Bakit kaba nagsosorry??" May pagtatakang tanong niya sa akin.

Sa tuwing magkikita kami ay puro sorry lang ang nasasabi ko sa kaniya. Hindi ko talaga kayang humarap sa akin.

"Ada, makinig sa akin." Marahan niyang inabot ang kamay ko. " Kung iniisip mo na sinisi kita sa pagkawala ng mga kapatid ko... Hindi, hindi kita sinisi. Binilin ka sa akin ni Kuya na alagaan daw kita. Kaya wag kang mag alala okay.  Nandito lang ako." Sinseridad niyang sabi.

Kahit papaano ay kumakalma ako sa tuwing malapit sa akin si Kuya jordan. Wala akong takot na nararamdaman sa kaniya.

"S-salamat po... K-kuya jordan." Dahan dahan akong humarap sa kaniya at pilit na ngumiti.

Ngumiti siya at lumiit din ang mga mata niya. A-ang cute. Hindi ko maiwasan na humanga kay kuya jordan, sobrang cute niya. Saka sa tuwing ngingiti ito ay nawawalan ito ng mata at sumisingkit. Mas maputi pa nga ito sa kaniya eh, morena kasi ang kulay ko kaya hindi ko maiwasan ang mainggit sa balat niya. Saka puro sugat na ang mga katawan ko at sigurado na mag iiwan ito ng mga peklat sa katawan ko. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Mas lalo akong nahiya dahil hindi na katulad ng kulay at itsura ng balat at kutis ng katawan ko dati. Bakas na din ang mga sugat na naghihilom sa mga balat ko.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon