kabanata 24

20 4 3
                                    

KABANATA 24

"Salamat po talaga sa inyo mama." Masaya kong tango sa kanila matapos kong aminin ang tunay kong edad. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag ng buong puso ni mama akong niyakap na para bang isa akong mahalagang diyamante.

"Hindi naman masama ang nilihim mo eh. Dahil sa inamin mo sa amin ang tunay ming edad, gusto moba mag aral kung saan nag aaral si raizen, yung anak ng tita megan mo. Ang mommy ni raizen. Okay lang ba sa iyo iyon bella?"

Si raizen makakasama ko siya sa isang paaralan na walang adalyn? Simula talaga ng makita ko ang suot nitong kuwintas at aminin din ng bata na gusto nito si Raizen ay hindi ko mapigilan ang galit at selos na nararamdam ko. Kitang kita ko ang closeness nilang dalawa ng magsalo salo kami sa hapagkainan. Nakita ko kung paano asikasuhin ng binata si adalyn na mas lalo kong kinagagalit. Sa hindi ko malaman na kadahilan kung bakit ako nagseselos at nagagalit sa ganung bagay, ito ang unang beses na makaramdam ako ng ganitong emosyonal.

Napatigil ako sa sinabi ni mama. " T-talaga po?"

" Oo naman, ano kaba." Aniya sabay haplos sa buhok ko. " Maganda ang paaralan na iyon at talagang matutukan ka na makapag aral ng maayos mo."

" Okay po sa akin mama." Masayang sabi ko sa kanila.

" Mabuti naman anak. "

A-anak...

Hindi ko maiwasan ang lumawak ang ngiti sa labi ko. Nagpapasalamat talaga ako na dumating sila sa buhay ko at maging parte ng pamilyang ito.

Si adaliata.

Agad din nawala ang ngiti ko sa labi dahil naalala ko ang nawawala nilang anak na si ada. Kahit wala na iyon alam ko na hindi pa din sila mama sumusuko na mahanap ang bata at makasama. Ilang beses ko silang nahuli na may kausap sila mga telepono nila, at hindi ako maaring magkamali na pulis iyon.

Kahit ngayon lang ako magiging makasarili. Sisiguraduhin kong hinding hindi na makakabalik ang ada na iyon. Magiging panira lang siya kung sakaling makakabalik lang siya.

"Bella, ayos ka lang ba? Biglang nawala ang ngiti sa labi mo?" May pag alalang haplos ni mama sa pisnge ko.

"Wala po, baka lang po ay hindi lang maganda ang pakiramdam ko. " Pilit kong ngiti sa kanila.

" Why we're not going to something fun right?" Sabat ni papa sa amin ni mama. " Right my love?"

Napatigil si mama at mukhang nag iisip. " Yeah of course, simula din kasi nawala si adaliata ay hindi na tayo nakagalang magpamilya." May lungkot na saad ni mama.

" Mommy, I know the place!! I know!! I know!!" Taas ng kamay ni lyn ay mukhang excited na excited. " Sa favorite place ni ate ada."

Tsk!! Ada na naman...

" Okay so we go this weekdays to Ada's favorite place." Anunsyo ni papa.  Maya maya ay may biglang tumawag sa telepono nito at nagpaalam na sasagutin lang iyon.

Ilang minuto lang ay sumunod naman si mama na aalamin daw nito kung sino ang tumawag sa asawa. Ganun din ang ginawa ni adalyn. Kaya naiwan akong mag isa sa sala.

Nilibot kona lang ang tingin sa paligid, hanggang sa dumako ang mata ko sa mga litrato na nakadisplay sa malapit sa akin. Ang mga litrato ng pamilya ni Adaliata.

Ito ang dahilan kung bakit ginagawa ko ang mga ito. Isang kumpleto at masayang pamilya, inggit na inggit ako simula pa lang ng makita ko ang pamilya nila bago ako tuluyan ampunin ng mga trinidad.

Nasa isang beach resort sila nung una kong makita sila. Kahit nasa malayo ako ay tanaw tanaw ko kung paano sila kasaya na magkakasama. Gustong gusto ko din magkaroon ng matatawag na pamilya, pamilya na mahal at hindi ka sasaktan, isang pamilya na kapag nasasaktan ka pwede mong takbuhan, isang pamilya na alam mong ligtas ka. Mahirap bang magkaroon akong matatawag na sariling pamilya? Ganun ba kahirap na pahalagahan ako?

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon