Wakas

35 1 2
                                    


WAKAS

Nakahanda na ang lahat sa pag iisang dibdib nila Raizen at Bella. Puno ng galak ang puso ng dalaga habang pinagmamasdan ang lalaki na tinatangi ng puso niya.

Ito na ang matagal na niyang pangarap simula ng makita muli ang binata na nag ligtas sa impyernong buhay niya na kinalakhan. Ang pagpapakasal niya sa binata ay pinakamasayang sandali ng buhay niya.

Bago pa siya makalapit sa binata ay kinuha nito ang mic at may ngisi sa mga labing tumingin sa kaniya.

Anong nangyayari??

"Bella, sabi mo sa akin. Ang babaeng pinakamamahal ko ay iniwan ako, at pinabayaan kagaya ng sinabi mo. Pero ang babaeng tinutukoy mo ay may mensahe na gustong ipaabot sayo," may tudyo ang mga ngiti nito sa labi. Kinuha ang phone nito sa bulsa ng pants at may kung anong pinindot saka tinutok ang speaker sa mic.

Napatigil siya sa paglalakad.

"Ohhh hi there Bella, kamusta na? Nagulat kaba na buhay ako? Hihihihi, hindi na ako namatay kagaya ng gusto mo. Kaya walang kasal na matutuloy, dahil ang lalaking gustong mong maikasal sayo, ay ako lang ang minamahal at wala ng iba." Saad ng kabilang linya.

"Paanong nabuhay ka Adalyn?!" Puno ng galit na saad ni Bella. "Pinatay na kita!"

Ang lahat ng imbitado sa kasal ay nagulat kahit mismo ang mga magulang ng binata. Tumayo ang mga ito at tumabi sa binata.

"Yan ba ang gusto mong ipakasal sa akin Mommy. Para lang matuloy ang kasal na ito, pinatay niya ang babaeng mahal ko." Tugon ng binata sa ina.

Lumuluha itong humingi ng tawad sa binata. "I'm really sorry anak, i don't know na kayang gawin iyon ni Bella."

"I told you Bella, pagbabayarin mo ang kasalanan mo." Sabat ni ada na kadadating lang kasama ang kaibigan niyang si Larisa. Nasa unahan ang mga ito, habang siya ay nasa gitna. May ngiti sa kanilang mga labi na hindi niya gusto.

Galit niyang inalis ang bello sa ng wedding deess. "Plinano niyo ito!" Galit niyang sigaw sa mga tao. "Plinano niyo tong lahat.!"

Bago pa siya makalapit ng maihagis ang bulaklak ay may mga pulis na nakahawak sa kaniya.

"Your under arrests Ms. Bella Muñoz, sa pagtatangkang pagpatay kay Adalyn and Adaliata Trinidad. At sa pagpatay kay Kenly Cruz, at mastermind sa pag uutos na patayin ang sariling Ama mo at kay Rita Muñoz," saad ng pulis na may papel na hinarap sa kaniya.

"Hinding hindi ako makakapayag sa ganitong sitwasyon matatapos ang lahat," puno na galit niyang sabi habang nansisilik ang mga matang nakatingin kay Ada.

Malakas niyang inapakan ang paa ng pulis na humahawak sa kaniya sa kanang braso, saka mabilis niyang kinuha ang baril na nasa pants nito.

Nang makuha ang baril ay pinukpok naman niya ang pulis na may hawak hawak ng papel sa harap niya, napadaing ito ay nabitawan ang papel na hawak.

Bago pa makuha ng pulis ang baril nito na humahawak sa kaliwang braso niya ay walang awa niya itong binaril sa madaming tao. Dahil duon ay nagsisigaw ang mag tao at nagtatakbuhan na makaalis sa loob ng simbahan.

Nakita niya pagkakataranta ng mga nasa unahan. Pinagbabaril niya ang dalawa pang pulis bago makakilos pa ang mga ito. Muli niyang kinasa ang baril at pinatama iyon kay Ada, kaso humarang si Larisa at ito ang natamaan ng bala at hindi ang gusto niya.

Puno ng takot at pangamba ang mga mukha nila na humarap sa kaniya. Pinauna na ng binata na makalabas ang ina saka hinihila ang dalagang si Ada patayo dahil sinalo nito ang katawan na si Larisa.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon