Kabanata 17

35 5 7
                                    

KABANTA 17

"ARGHHH!!"

Halos mapabalikwas ako sa mga nakita ko. Nanginig ang buong kalaman ko, napuno ng takot ang katawan ko.

"Tama na pls." Paulit ulit kong sabi sa kawalan. Napayakap ako sa sarili ko, hanggang ngayon dama ko pa din ang paso at ang mga pinagdaanan ko sa paghihirap ni bella, mga paso na upos ng sigarilyo, panglalatigo niya,hindi niya pagpapakain sa akin ng mga ilang araw, mga sampal, sabunot at higit sa lahat ang pagpaplansta niya sa buong katawan ko.

Hinding hindi ko iyong makakalimutan. Hanggang nabubuhay ako, balang araw makakaganti din ako sa kaniya sa lahat ng ginawa niya. Sinira niya ang pamilya namin.

"Pagbabayarin mo iyon bella, sisiguraduhin ko."

Napatulala ko sa kawalanan, hindi ko pinunasan ang mga luhang tumulo na mga luha sa akin mata. Matagal na simula ng mapagdaanan ko iyon, isang buwan. Isang buwan niya akong pinahirapan. Ang bata bata ko pa nun.

"Adaliata?" Tawag sa akin ng isang taong kakapasok lang sa kwarto kung nasaan ako.

Napaawang ang labi ko. Ang kakambal ko, buhay siya. Mas lalo akong naiyak dahil naalala ko kung paano siya nawala sa akin, hindi ko man lang siya nailigtas o natulungan.

"Adalyn, I'm sorry, im sorry. Sorry!!" Paulit ulit kong sabi sa kaniya.

[FLASHBACKS]

Nasa coffee shop ako na nag aantay dahil magkikita kami ni adalyn, ang kakambal ko. Hindi ako mapakali at puno ako ng kaba dahil ito ang unang beses ko na makikitang muli ang kakambal ko, after eight years. Makikita ko na siya.

Huminga muna ako ng malalim bago tiningnan kung anong oras na.

Maya maya ay biglang nagring ang cellphone ko sa bulsa ng jogging pants ko. Sa pag aakala ko ay si adalyn ito ay hindi kona tiningnan kong sino ang tumawag sa akin.

"Adalyn, nasa-"

"Tulungan mo ako ada!!" Sigaw niya sa cellphone habang natakbo na parang hinahabol.

Namuo ang takot sa akin para sa kakambal ko. Wala na akong sinayang na sandali at tumayo na ako. Mabilis kong nilakad na palabas coffee shop.

"Nasaan ka adalyn?" Natataranta kong sabi sa kaniya. Kaso walang sumagot sa kabilang linya.

Mabilis akong sumakay sa aking itim na ducati, kasabay nito ang mabilis kong pinaandar. Biglang naputol ang tawag, kaya napatigil ako sa pagdrive.

"F*ck."

Kinuha ko ang maliit na Bluetooth device na nakakonekta kay Gavi. Ang kapartner ko sa agency.

"Shit! Gavi, hanapin mo kung nasaan si adalyn, tumawag siya kanina sa akin. Locate mo para mapuntahan ko kaagad. And this is f*cking ASAP."

" Kalmahan mo lang  mo ada, ito na nga oh." Rinig kong sabi niya.

Mabilis kong pinaandar ang ducati ko ng ma received ko ang message ni Gavi sa akin.

Labis ang pagtataka ko ng marating ko ang lugar, puro talahid at wala ni isang tao ako na nakita. "Adalyn!!"

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon