kabanata 21

23 4 5
                                    


KABANATA 21

Bella's POV

NANG magising ako ay nasa hospital na ako, masakit ang ulo ko at parang binibiyak sa sakit. Sinubukan kong tumayo sa kinahihigaan ko ng maramdaman ko ang buong sakit ng katawan ko, para akong binugbog sa sakit.

"A-ano bang nangyari?" Daing ko. "Nasaan sila mommy?"

Sa huling pagkakaalala ko ay uminom ako ng gamot, tapos wala na akong maalala. Bakit ako nandito?

May kumatok sa pinto, niluwa nuon si mama Melanie. Puno siya ng pag aalala sa mukha. "Honey, gising kana." Aniya na parang nakahinga ng maluwag.

" Mama, ano pong nangyari? Bat ako nandito?" Tanong ko sa kaniya ng makalapit siya sa akin.

" Kami ang dapat magtanong sayo bella, anong nangyari?"

Tinulungan ako ni mama na makaupo. " Wa-wala po akong ma.....maalala."

" That's okay honey, sabi mo ng doctor mo, kailangan mong magpahinga dahil sa mga pasa sa katawan mo." Inalalayan niya ako na makaupo sa kama ko.

Bago pa ako makasagot sa sinabi ni mama ay may kumatok sa pinto at pumasok duon ang isang pulis. " Mrs. Trinidad, Can we talk your daughter?" Aniya ng makalapit sa amin.

" It's okay that honey?" Agad na Tanong sa akin ni mama.

Tango lang ang naging sagot ko sa aking ina, humalik muna siya sa pisnge ko bago siya umalis sa kwarto ko.

" Ako po si Surgent. Rafael Asero, Are you okay know ms. Trinidad?"

"O-opo."

"Deretchahin kona po kayo ms. Muñoz." Seryoso ng pulis sa akin. "Ano poba ang naganap sa bahay ng mga Trinidad? Kayo lang po ang nakita ng mga umampon sa inyo sa tinitirhan nila."

" Wal... Wala po akong... Ma.....maalala." Naguguluhan kong sabi sa kaniya.

" Sure ka duon ms. Muñoz? "

Humarap ako sa kaniya. " Bakit po? S-sinasabi niyo po ba na si... Sinungaling ako? "

" Hindi po sa ganun ms. Muñoz, kasi kung tutuusin po sobrang dami po ninyo pasa na nagsasabi na nanlaban po kayo... Pero nakakapagtaka lang na wala pong nakita na kahit man lang na bakas sa pagkakakinlanlan sa mga magnanakaw. At wala pong fingerprint sa mga kuko ninyo na nanlaban po kayo? Kaya, ano sa tingin mo iisipin ko?" Paliwanag niya na walang bakas na pag aalala sa mukha niya. Halatang desidido siyang na may kinalaman ako.

" Hindi kopo kayo maintindihan sa mga sinabi ninyo?" Sakto naman na dumating na sa loob ang nurse sa kwarto ko.

"Sige po ms. Muñoz, mag iingat po kayo." Pagkasabi niya ay umalis na ito ng tahimik.

Napatiim bagang ako, hindi ko maiwasan ang mapakuyom ng kamay sa Galit na nilukob ng mga sinabi ng pulis na iyon. Lagi na lang ba may sagabal sa mga ginagawa ko?

"Ano ang gusto mong gawin sa pulis na iyon?" Basag tahimik ni larisa, nagpanggap na nurse kuno ito para makapasok sa hospital, kagaya ng inaasahan ko.

"Ako ng bahala sa kaniya. Bantayan niyo lang na walang makita na kahit ano." Walang emosyon kong sabi sa kaniya.

Hanggang kailan ba may manggugulo sa mga plano ko?? Lahat na nasa maayos na, lahat okay. Maaalis na din ako sa pagpapahirap sa akin, wala na pwedeng manakit sa akin, dahil wala na si Adaliata, akin na ang pamilya niya.

ILANG ARAW din ang akong nalagi sa atienza hospital bago ako tuluyan gumaling ang mga sugat ko.

Pagkadating ko sa bahay ng mga Trinidad ay hindi na ako nagtaka sa mga pulis na nagsidating sa bahay namin. Hanggang ngayon ay hindi pa din nakikita si Adaliata, nagsampa na din ng kaso ang mga magulang namin sa paaralan na pinapasukan namin, sinisi nila ang mga namamahala sa paaralan dahil sa kapabayaan na kaya nawala si Adaliata.

Misery Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon